Chapter 2

0 1 0
                                    

I'm sitting at the window while drinking some milk. Maaga kasi akong nagising kaya naisipan kong uminom muna ng gatas. I prefer drinking milk instead of coffee magpapalpitate kasi ako pag uminom ako ng kape.
Naisipan kong magsaing ng kanin at magluto ng ulam bago maligo. I cooked hotdog and scrambled eggs kasi yun yung mas madali.

Another day na naman. Makikita ko na naman ang mga schoolmate kong parang may dinadalang malaking bato sa pagod kahit hindi pa nagsimula ang klase.

College life is stressful kaya kung highschool ka pa ngayon e enjoy mo na yan. Dahil sa college tambak ang activities, maraming bayarin at halos hindi ka na makakain sa daming gawain at di na makatulog dahil sa thesis.

"Oh hara, ang aga mo nagising ah."
Tanong ni Mama pagkakita sa akin habang bitbit ang tuwalya papunta sa Cr. Hindi pa siguro gumigising si Papa.

"Opo Ma, I can't afford to be late din naman kaya mas okay ng maaga."
Sabi ko at nagpatuloy sa banyo para maligo.
Nagmadali akong maligo dahil baka pagalitan na naman ako ng strikto kong kuya pag naabutan niya ako sa banyo at hindi pa ako tapos maligo.

I actually have 2 siblings. I have an older brother and his name is Kian and my younger sister named Fearl.
So I'm the middle child, hindi kami magkasundo ni kuya Kian dahil nga may pagka strikto yun at minsan lang yun kung ngumiti. Si Fearl naman yung close sa akin parehas kasi kaming mahilig sa anime kay nagkakasundo kami.

Pagkatapos kumain ay agad akong magmadali papunta sa terminal.
Mas mabuti natong maaga para hindi na ako mahirapan mag commute.

•••

"Uy Hara may chika ako sayo"
Kinikilig na sabi ni Crishelle. Sinalubong niya talaga ako pagdating sa gate para maka chika ako.

"Ano na naman yang chika mo aber?
Tinaasan ko siya ng kilay

"Eh kasi ito nga si Ezzy nag confess kasi sa Confession wall ng school natin. At ito yung nakapost.

AU confession wall

'I don't know who you are but why are you so cute, damn.'
-Ezzy

Comments:

Vince Gomez
"Naks bro parang kilala ko yan @ Ezra Raphael Buenavista"

Renz Trinidad
"Akoy tinamaan, pusoy tinamaan🎶 @ Ezra Raphael Buenavista"

At marami pang ibang comments.
May higit 1k reacts pa yun at maraming nag share. Ganon ba yun ka big deal para sa kanila?

Habang papunta sa room ay yun yung pinag uusapan ng mga nakasabay ko maglakad. Na curious din sila kung sino ba yung babae na pinapahiwatig ni Ezzy sa confession niya.

Hindi ko alam na sikat na sikat pala yun hindi ko pa kasi siya nakita nung 2nd year college pa ako. Now ko lang nalaman na may nag eexist palang Ezra Raphael Buenavista. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko yun kilala dahil hindi naman ako pala gala pagkatapos ng klase diretso agad ako sa library para magbasa. I'm a bookworm ang sarap kasing magbasa while may matutunan kang bagong words na ngayon molang na encounter.

Kaya kung tatanungin niyo ako kung kilala ko ba ang mga estudyante dito well nagkakamali kayo. I only know my friends which is sila Danny and Crishelle at mga classmates ko. Kung maglalakad nga ako kasama ang mga kaibigan ko mapapatanong sila kung sino ba daw ako?

Kasi nga parang hindi ako nag eexist sa school except sa classroom dahil parati akong nagrerecite dun.

"Oh my God!"
Sigaw ni Crishelle na nagpabalik sa diwa ko. Tinitigan niya yung cellphone ko habang nakanganga yes, cellphone ko yun hiniram niya kasi wla daw siyang data tapos yung fb account ko naman yung ginamit. Well okay lang naman sa akin yun dahil wla naman akong ka chat dun.

"Hoy anyare sayo?"
Napatingin naman siya at biglang umiling habang nakangiti

"Nothing, don't mind me."

Napakunot naman ako nun. Ang weird talaga nito minsan haysst hayaan ko na nga lang.

Since may meeting ay pinauwi kami ng maaga. Kasabay kung sumakay ng jeep si Crishelle since si Danny naka board lang malapit sa school.
Nang malapit ng bumaba si Crishelle dahil malapit na ang bahay niya ay may bigla siyang sinabi.

"Hara, wag ka sanang magagalit huh.
Pero may inaaccept akong friend request mo. I really feel nga ikaw yung nasa confession niya."
Sabi niya at pumara para bumaba.

Huh? Ano raw? Hindi ko siya gets.

Pag uwi sa bahay sinalubong ako ni Mama tinatanong niya kung bakit ba daw ako maagang nakauwi then sinabi kong may meeting.

It was already 8pm, I am lying on the bed and ready to sleep pero dahil hindi pa ako makatulog nag e scroll ako sa facebook but may nahagip ang mata ko na isang meme napatawa ako kaya eshe share ko sana ng mahagip ng mata ko ang may ari ng shared post.

How come nakita ko ang post ni Ezzy? Tiningnan ko ang profile niya at friends nga. Hindi ko matatandaan na inadd ko siya ng biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Crishelle kanina. Ito ba yung ibig sabihin ni Crish kanina nga inaaccept niya?




(Sorry sa lame update)

Until I Found YouWhere stories live. Discover now