Chapter 49: It Ends Here (Her POV)

58.8K 677 42
                                    

CHAPTER 49

I removed the eye mask that I've used to help me sleep. I slowly opened my eyes and looked at the window beside me. Nakakasilaw ang liwanag sa labas. Ilang minuto na lang lalapag na ang flight ko sa Manila.

It's been more than 2 years since umalis ako at bumalik sa France to continue my dream as a fashion designer. Hinding hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko. Right now I'm one of the most successful fashion designer in the world. Miss ko na ang Pilipinas! Simula ng umalis si Orion para bumalik ng England, I decided to pursue my dream. Finally, dad supported me to pursue my one and only dream

*

"Dad..." Inabot ko agad sa kanya ang isang folder. He scanned it then I saw him frown.

"Resignation letter?" Ini-angat niya ang tingin sa akin, nakakunot rin ang noo niya.

I nodded. "Yes dad. Please payagan mo na ako. I want to go back in France and pursue what I really want... my real passion. I envy Orion, because look at him, he chose the right path, he's very successful. Samantalang ako? Wala akong ipagmamalaki. I will always be a loser. Magiging kahihiyan mo lang ako habang buhay, dad. I don't want that. I want you to be proud of me. Not as an heiress of your company or the next CEO but to become a designer. This is my dream, daddy. Since I was born I think ito na talaga ang para sa'kin. Sana hayaan mo akong maging masaya ngayon." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

I saw him smiled "If that is what you want, my princess." He stood up, then gave me a tight hug. Finally matutupad ko na ang pangarap ko.

*

"Welcome my princess!" Ayan ang bumungad sa'kin pagdating ko sa arrival area ng airport. Isang malaking banner na hawak ng mommy ko. I smiled from ear to ear and removed the square oversized sunglasses I was wearing. Nilapitan ko kaagad si mommy. I missed her so much kahit na binibisita niya ako noong nasa France ako. She helped me with my luggages. Siya lang naman kasi ang nag-iisang sumundo sa'kin ngayon sa airport.

"I missed you, anak." She hugged me.

"Mom naman. Magkasama lang tayo almost 1 month ago." Saad ko tapos ay bumitaw na rin sa pagkakayakap niya.

Agad kaming sumakay sa kotse na dala ni mommy. Ihahatid niya ako sa presscon ko ngayon. Nakakapagod na ang biyahe pero may presscon agad akong dapat puntahan! Oh geez, I just want to go home and rest!

Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay nakarating na agad kami sa hotel kung saan magaganap ang presscon ko. It's all about my spring/summer collection. I know walang spring sa pilipinas pero ang damit na dinesign ko naman ay pwede sa weather ng bansa.

"Janelle, it's good to see you back here in the Philippines. Anong feeling mo ngayon na sobrang sikat ka na as a fashion designer?" One of the press asked me. She's morena and has a long black hair and wearing a formal black dress. She's actually pretty, but you know, I'm prettier.

"I'm really grateful to my dad. If he didn't allow me to do my passion I wouldn't be here. Wala itong kasikatan ko ngayon as a fashion designer. I'm really happy right now because I already achieved my goal."

They asked me a lot of questions like 'What are my inspirations', 'How I am' and many more.

"Janelle. How about your love life? What's your status after your separation with Orion Tantoco 2 years ago? Are you dating anyone?" Tanong ng isang babaeng kasama sa press. Natigilan tuloy ako. Orion... After 2 years ay may ibang tao na naman na nagpaalala sa akin about him. Napalingon na lang ako kay Mav, ang assistant ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Until now affected pa rin ako. I admit, kahit 2 years na hindi pa rin nawawala ang feelings ko for him. It's been 2 years pero mahal na mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal kahit na wala na kaming communication.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now