1

3 0 0
                                    

"Prince!" tawag ko saka iwinawagayway ang kaliwa kong kamay sa ere.

Nakita kong papalapit na si Prince sa room namin kaya kumaripas na agad ako ng takbo papunta sa kanya. Tahimik itong naglalakad habang nasa gitna ng animo'y dagat na napapalibutan ng ulo ng mga tao.

Ang kabaklaan agad nito ang umaninag sa mata ko nang nakita ko siyang inirapan ako. I flashed a smirk before he stirred near me.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na 'wag mo'kong tatawagin sa pangalan na 'yan. You should call me Princess, okay?"

Ginantihan ko lang siya ng irap saka tinapik ang balikat nito. "Ilang beses ko rin ba dapat sabihin sa'yo na chaka nga ang name na 'yan. It's too common, tsk."

Inalis lang naman ng bakla ang kamay ng ate ninyo bago ito pumasok ng room. Of course, I trailed behind him.

"Ang sungit naman nito! Meron ka ba ngayon?" biro ko.

He threw off his almost-emptied backpack onto his armchair, then gave me a scornful glare. "Tumigil ka nga. Ang aga-aga sinisira mo agad ang araw ko, Shanell," reklamo niya saka padabog na umupo.

"Parang hindi ka naman nasanay sa'kin. Ano ba kasing meron? Although sanay akong makita kang nagmumukhang tiyanak tuwing umaga, hindi ko pa rin gets kung ba't ang haba ng baba mo ngayon. Well, mahaba naman talaga pero mukhang may ibang meaning 'yang mukhang 'yan e."

I pulled the armchair from his side, then placed it near me, while Prince was just covering his face. Kumunot ang noo ko. "Buntis ka no?"

May namuong kurba sa dulo ng mga labi nito kaya napatawa rin ako.

"Oh, ayan, tumawa ka na rin sa wakas. Sabihin mo na kasi, ang OA mo, beks."

Prince swatted off the smile plastered on his face under his hands before facing me. "Si Dad kasi."

Pagkabanggit pa lang niya ng 'Dad' ay sumagi na agad sa isip ko na yayamin-problems na naman ang ibubulgar niya sa'kin.

"Bigla na lang siyang nag-announce ng gusto niyang gawin ko," he continued.

Tumango-tango ako habang patuloy na pinapakinggan siya.

"Ang sabi niya dapat daw ako magkaroon ng girlfriend para makapasok sa College for Boys University dahil kung hindi, hindi siya papayag na mag-stay ako sa side ni mama anytime na gusto kong umalis ng bahay."

As if I got frozen, my mouth opened out of the news I heard. Lumutang ang isip ko.

"Ano? Girlfriend?" paglilinaw ko.

Inayos ni Prince ang kwelyo niya habang nakaukit sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na expression. "Absurd, oo."

Tumango ako saka inilapit ang mukha ko sa desk ng armchair niya na para bang nakiki-chismis. My hand propped beneath my chin, I leaned towards Prince. "Alam naman ng Dad mo 'di ba na... you're gay?"

Tiningnan niya ako sa mata bago tumango. "Dati pa, sis."

"So... why would he tell you to get a girl? I mean... pwede ka naman magkajowa ng girls pero the fact na gusto mo talaga ng abs, 'yun ang magiging hindrance mo."

Prince sighed softly, knowing how crazy his father is. "Hindi ko rin gets kung bakit pinu-push niya talaga ako na magkaro'n ng girlfriend e. Elementary palang ako alam kong napagtanto na niya na isang chick ang anak niya. He really won't let me live in peace."

"Kung puwede ka lang sana lumayas," I blurted out. Umiling ako saka ibinalik ang paningin sa kanya.

"Matagal ko na gustong gawin 'yan, Shanell. You know that. But he's never going to let me live with Mom. Wala ring pupulot sa'kin kung aalis ako sa puder niya kasi takot rin si Mama na baka may gawin si Dad na ikakapahamak ko."

MY GAY-FRIEND BOYFRIENDWhere stories live. Discover now