CHAPTER 7

9 1 0
                                    

"Solar POV"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Solar POV"

"Ma'am, Sir" naglingunan kami.

"What?" Taas kilay na tanong ni Shemai.

"A-ah ma'am kasi po"

"What is it? Answer it" pinagmasdan ko ang lalaki, pinagpapawisan siya at napapalunok.

"Shemai chill" sabi ni Hia, tumalikod nalang siya, tinignan ko si Hia.

"Sige na Solar" tumango ako at lumapit sa lalaki.

"Ano po'ng problema?" Tanong ko.

"May ipapakita po ako" sabi niya at tumingin sa isang kwarto, may marka ng CCTV yun.

"Susunod kami" tinignan ko si Polaris at Ellie "samahan niyo 'ko" sabi ko. Walang salita kaming sumunod sa lalaki, binuksan niya ang pintuan ng kwarto, umuna siya at tumungo sa malaking screen. Si Polaris na ang nagsara ng pintuan, nauna na kaming lumapit ni Ellie.

"Ito po ma'am" nakatayo lang silang lahat.

"Sila ba yung mga sinasabing Zombie?" Tanong ni Ell.

"Yes po ma'am"

"May napapansin ka Ell?" Tinignan ko ng kunot noo si Polaris.

"Hindi na sila wild, unlike kanina" sagot ni Ell habang nakahawak sa baba niya at tila nag iisip.

*wang *wang *wang

Naagaw ng tunog ng serina ang atensyon namin. Pinagmasdan namin ang mga Zombie na bigla nalang nagwawala at hindi malaman kung saan pupunta.

"Nagiging ganyan sila pag nakakarinig  ng kung ano o kaya naman ay nakakakita ng mga tao" nilingon ko si Ell. Tama nga siya.

"Ano pong gagawin natin ma'am? Hindi naman po pwedeng dito habang buhay" sabi nong lalaki.

"Alam namin yan, gumagawa na kami ng paraan para maisalba ang mga tao na nandito" sagot ko.

"Basta keep this place safe, isara ang mga dapat isara at wag hayaang mapasok tayo, gumagawa na ng paraan ang mga kasama namin, just bare with it" sabi ni Ell, tumango ang lalaki.

"And" napatigil kami dahil sa biglang pagsasalita ni Polaris "bigyan niyo na ng makakain ang mga tao, I'm sure kanina pa sila nagugutom"

"Yes ma'am" mabilis namang umalis yung lalaki para sundin yung sinabi ni Polaris.

"Let's go" mabilis akong napalingon kay Ell.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Babalik na" tumango nalang ako at sumunod sakanila. Pumunta kami sa mga kasama namin. Tinignan ko sila isa isa. Si Shemai na inaalo ng boyfriend niya at ang iba na nag-uusap, lumapit ako kay Leaf at Luna na nag-uusap.

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon