Chapter 19 (Part 2)

6 3 0
                                    

Chapter 19 (Par 2)

Charity's POV

"Ang kalahati ng Utopia ay isang malaking kulungan, Charity."

I immediately responded, "Well, kung iisipin mo, magandang kulungan naman ito 'di ba? Malaya ka dito."

Umiling-iling siya, "Hindi mo naiintindihan. Kung anong dahilan ng pagdating mo rito, dapat talikuran mo na 'yon at hindi na gawin kahit na kailan." She looked down, "Kapag ginawa mo kase 'yon, lalo kang tatagal dito. At isa pa, kakarmahin ka."

Lalo akong naguluhan. Yung paghiling ko kase ang dahilan kung bakit ako nandito, and sinabi sa'kin ni Timothy kanina na hindi na ako makakahiling sa kanya. So technically, malaya ako.

"So bale, ang kailangan kong gawin para makaalis dito ay hanapin or alamin kung ano ang parusa ko, ganon?" Tanong ko at tumango naman siya kaagad.

"Iyon lamang ang alam kong paraan para makaalis ang mga tulad mo rito." Tumingin siya sa kawalan, "Sinubukan ng mga kakilala ko na gawin iyon ngunit..." I saw tears rolling down her cheeks. "Bigo sila, hindi nila nalaman o nahanap manlang kung anong parusa nila."

"Kung pumatay sila, baka ang parusa nila ay kamatayan?" Naalala ko kase kanina na in-assume niya na nakapatay ako. So baka kaya hindi na sila nakaalis dito is because kamatayan ang parusa nila.

Mukha namang napaisip si Leyalien, "Bale, ang parusa ng mga naka-itim ay kamatayan." Tinignan niya ako, "Pati ikaw. Dito ka rin mamatay gaya nila." Pinunasan niya ng mga luha niya at tumayo. "Nagagalak akong makilala ka, Charity." Sabi niya at naglakad palayo.

I was left speechless. Ano 'yon? Kahit hindi ko naman alam? Kahit hindi ko naman sinasadya? Mabubulok ako dito?

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad-lakad para kumalma. Para kasi akong overwhelmed sa nalaman ko. And you know, the 'Why?', 'What if', and the thought na never na akong makakauwi is ang dami at naghahalo-halo na sa isip ko.

I couldn't blame Timothy naman, pinadala lang naman siya sakin to fulfill what my heart desires.

Napatigil ako sa paglalakad.

Desires.....

Wala naman akong gusto sa buhay.

Mayaman kami, lahat ng luho ko naibibigay.

Baka naman siguro mali yung pinagbigyan nila?

Or maybe, hindi ko naihiling kung ano talaga yung gusto ng puso ko? Kasi hindi ko naman alam kung ano naman talaga ang gusto ko.

I just sighed and shrugged those thoughts off. Kahit ano pang pag-iisip ang gawin ko, never na akong makakauwi. I just need to accept my fate.

I looked up and wondered, may naghihintay ba sa'kin na makabalik? Malayo ang loob ko sa parents ko, di naman ako close sa mga maids sa bahay since ang rude ko sa kanila, and baka nga hindi alam ng mga kaibigan ko ang nangyari sa'kin.

I just closed my eyes and felt tears coming out. Bakit nga ba ako nag-aalala na hindi na ako makakauwi if wala namang naghihintay sa'kin? Iniistress ko lang ang sarili ko; I'm just worried for nothing.

I chuckled at my own stupidity, "Makauwi na nga." I said to myself.

I wiped my tears as I continued to walk. Guess I'll just enjoy my time here. This place is beautiful naman, masyadong maganda para sa isang kulungan.

❀❀❀❀❀

On my way home, nakasalubong ko si Leyalien.

"Bakit ka umiyak? Ang mga sinabi ko ba sa'yo kanina ang dahilan?" Hindi ako sumagot. I just don't want to think about that anymore.

WishesWhere stories live. Discover now