Chapter 18-Ang Magandang Balita

153 23 0
                                    




Ang edukasyon ang pinakamagandang alok na natanggap ko mula sa mga Zaragosa.

Ngunit hindi agad pumayag si Tatay.

Pag-uwi ko ay natutuwang binalita ko sa kanila ang sinabi ni Doña Alba.

Hindi makapaniwala si Nanay sa nangyari.

Wala ni isa sa pamilya namin ang nakapag-aral.

Kung sakali ay ako pa lang ang makakatungtong sa paaralan.

Tahimik si Tatay habang nag-uusap kaming mag-ina.

Nang magtanong si Nanay kung bakit wala siyang kibo, sinabi niya na tutol siya sa gustong gawin ni Doña Alba.

Kailangan daw nang pera para makapag-aral.

Saan kami kukuha noon?

Ngayon nga ay hindi sapat ang kinikita nila para mapakain kaming magkakapatid.

Maging makatotohanan ako at hindi nasa ulap ang isip ko.

Nanlumo ako ng marinig ang sinabi niya.

Nahihiyang tumingin sa akin si Nanay tapos inutusan akong pumunta sa labas para kumuha ng panggatong.

Imbes na dumiretso sa tambakan ng mga kahoy ay tumayo ako sa gilid nang bahay at nakinig.

Pinaglalaban ako ni Nanay.

Magandang oportunidad ito. Sabi niya.

Isang pagkakataon na maaaring hindi na dumating ulit.

Pero nagmamatigas si Tatay.

Huwag daw maging bulag si Nanay sa katotohanan.

Mas makakatulong ako sa pamilya namin kung maninilbihan ako.

Malaki na ako at nasa tamang edad.

May isang kasambahay na matanda na at masakitin.

Baka palitan na ito ni Don Marcelo.

Malaki ang pag-asa na ako ang pumalit dahil bata pa ako at malakas ang pangangatawan.

Napalitan ng pagkadismaya ang saya na kanina lang ay nagbigay sa akin ang panibagong pag-asa.

Hindi ko alam kung paano magkakatotoo ang mga pangarap ko.

Mula nang tinuruan ako ni Stella na bumasa ng alpabeto, sumulat ng pangalan at magbilang ay nabuksan ang aking kamalayan.

May apoy na nabuhay sa puso at isip ko.

Hindi lang pala mga gawain sa bukid at sa kubo ang puwede kong gawin.

Marami pang iba.

Ang sabi pa niya kapag marunong na akong bumasa at sumulat ay may ipapahiram niya sa akin ang mga aklat niya.

May mga kuwento doon na siguradong magugustuhan ko dahil tulad ito sa laro namin tungkol sa Tierra Rosa at Langosta.

"Ang mga tauhan sa kuwento ay hindi galing sa mundo natin kundi sa lugar na puno ng hiwaga."

Lalo akong namangha.

Hindi lang pala sa mga kuwento ng mga matatanda nabubuhay ang tungkol sa mga engkanto kundi nakasulat din sa libro.

Ang maganda pa ay may mga nakaguhit na larawan.

May silid aralan sa bahay ng mga Zaragoza.

Minsan ay naatasan ako na linisin iyon.

Malaki, malawak at naguumapaw sa makakapal na libro ang silid.

Sa apat na sulok ay may naglalakihang mga estante.

UNA ROSAWhere stories live. Discover now