Chapter 47-The Words Of The Dead

142 25 3
                                    




Nang marating namin ang mausoleo ay hiniling ko kay Isabella pati na din kay Lexie at Cecilia na iwanan muna nila ako.

Gusto kong mapag-isa.

Ang katawan ni Francesca ay nakahimlay sa tabi ni Stella hindi sa tabi ni Pedro.

Nang makita ko ang puwesto niya ay inisip ko kung sinadya ba ito.

Hanggang sa kamatayan ba ay ayaw niyang makatabi ang asawa?

Ayon sa kanyang liham, she was very unhappy with Pedro.

There was not a day when my life was not hell.

Ganoon din ang kanyang asawa.

Humingi siya ng tawad noong araw na bigla na lang siyang sumulpot at kinaladkad ni Pedro palayo sa gate.

"Nilagay kita sa panganib at hindi ko iyon dapat ginawa."

"Ako ang nagmaneho pauwi. Hindi kaya ni Pedro dahil bugbog-sarado din siya."

"Kahit galit ako sa kanya, sinabi ko na dadalhin ko siya sa ospital para magamot ang mga sugat niya pero tumanggi siya."

"Matinding pang-aalimura ang inabot ko. Sinabi niya na ang kapal ng mukha ko dahil ako pa mismo ang gumawa ng paraan para puntahan ang kerida ko."

"Hindi na ako nahiya."

"Natukso ako na ikabig ang manibela paalis sa kalsada para mamatay na kaming dalawa ngunit hindi ko magawa."

"Walanghiya na ako kung walanghiya. Wala na akong pakialam. Hindi ko na kayang manatili pa sa piling niya."

"Aurora, pinuntahan kita dahil ng araw na iyon ay desidido na ako na iwanan siya. Pagkatapos kitang kausapin ay balak kong itakas ang mga anak ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit buo na ang isip ko na lisanin ang impiyernong kinasadlakan ko."

"Hindi ko akalain na sinundan niya pala ako."

"Namatay siya ng gabing iyon, Aurora. Binunggo niya ang kotse sa malaking puno malapit sa bahay namin. Namatay din siya kaagad. Ang alam ng mga pulis ay aksidente ang nangyari. Pero alam ko ang totoo. Ito din ang dahilan kung bakit nang pumanaw si Mama ay naisip ko na lumipat kami ng tirahan. Ang puno ay laging nagpapaalala sa trahedya sa aming buhay. Sinusundan kami ng anino ni Pedro at ikinatakot ito ng mga bata. Si Stella lamang ang matapang na hindi naniniwala sa multo bukod sa siya ang pinakapaborito ni Pedro sa lahat ng mga anak namin."

"Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Hindi kasama sa plano ko ang madisgrasya siya. Pero hindi ko naman hawak ang isip niya. Noon pa man ay may problema na siya sa pag-inom. Ito ang nilagay ng mga pulis sa report nila."

"Ang pinagsisisihan ko ay hindi ko naprotektahan ang mga anak ko sa magulong pagsasama namin."

"Nagdusa din sila."

"Kilala mo ang pinakapanganay ko di ba? Si Lamberto? Nang kunin siya sa akin ay hindi ko akalain na bibigyan ako ng Diyos ng limang supling. Ngunit ang kamiserablihan ng aking buhay may-asawa ay nakaapekto sa kanilang pagkabata."

"Pero matatalino ang mga anak ko. Nang magkaisip na sila ay hindi na madaling ikubli ang nangyayari. Ang isang dahilan ay dahil hindi rin kami naging maingat ni Pedro. Hayagan kami kung magtalo. Lagi siyang lasing at harap-harapan ako kung bugbugin."

"Malimit pumasok sa isip ko kung mas nakabuti kaya kung umpisa pa lang ay hiniwalayan ko na siya?"

"Nang dumalaw si Papa ay inamin ko sa kanya ang nangyayari. Nagtataka siya kung bakit ang init ng panahon ngunit nakasuot ako ng long-sleeves. Nililis ko ang manggas at pinakita sa kanya ang mga paso sa braso ko. Ngunit ang sinabi niya ay dumurog sa puso ko. Normal sa mag-asawa ang nagtatalo. Kung may problema ay dapat naming ayusin para sa kapakanan ng mga bata. Isipin ko ang kinabukasan nila. Paano ko sila bubuhayin?"

UNA ROSADonde viven las historias. Descúbrelo ahora