Chapter 9 : Sudden Closure

157 11 2
                                    


"Mukhang napapalapit na kayo nung Azrael sa isa't isa ah?" Pang-uusisa ni Axel habang kami ay naglalakad pabalik sa classroom.

Kagagaling lang namin sa cafeteria, samantalang dumiretso naman si Charli sa kaniyang club.

"Hindi naman," sagot ko na lamang.

Pero ang totoo, mukhang napapalapit na nga talaga kami ni Azrael sa isa't isa. Isang taon lang naman ang tanda niya sa akin, kung kaya't komportable kami sa isa't isa. Madalas kaming nag-uusap tungkol sa iba't ibang mga bagay, pero madalas ay tungkol kay Nikolai.

"Oh bakit ka nakangiti diyan?" Nakangising tanong sa akin ni Axel.

Ngumuso ako. "Anong nakangiti? Hindi—"

Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng matisod ako sa nakausling bato. Hindi naman ako natumba, pero muntik na.

"Hahahaha!" Paghagalpak ng tawa ni Axel habang nakaturo sa akin.

Pati ang mga nakakita ay natawa na rin.

"Buwisit ka!" Sabi ko kay Axel at pinaulanan siya ng mga hampas.

"Ako pa talaga? Ikaw nga itong lutang palagi! Hahahaha!"

Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit agad din iyong naglaho nang makita ko si Azrael na pababa mula sa kanilang building.

"Azrael!" Bati ko sa kaniya at kumaway.

Napatingin ito sa akin, gano'n din ang kaniyang mga kaibigan. Ngumiti si Azrael at naglakad palapit sa akin.

"Hi, Sadie." Sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

Mas matangkad ito sa akin kung kaya't napayuko siya ng kaunti.

Gosh! He's so pogi!

"Uy bro!" Feeling close na bati ni Axel kay Azrael at nakipag-fist bump pa rito.

"Hey," bati ni Azrael sa kaniya.

Siniko ko si Axel. "Huwag ka ngang feeling close."

Ngumisi lang siya at tumingin sa crush ko, I mean, kay Azrael. "Crush ka raw—" Bago pa man niya masabi ang hindi dapat niyang sabihin ay agad kong tinakpan ang kamay niya at pinanlakihan siya ng mata na nagsasabing 'tumahimik ka'.

"Crush?" takang tanong ni Azrael.

Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig ni Axel at humarap kay Azrael. "Wala lang iyon hehe."

"Kumusta ka na nga pala?" he asked me.

"Okay lang, tumaas na ang grades ko. At dahil iyon sa'yo, thank you ah?"

Tumawa ito ng kaunti. "Tinuruan lang naman kita, ikaw itong madaling maka-intindi. I'm so proud of you, Sadie."

Halos manlambot ang tuhod ko sa narinig. Idagdag pa ang napaka-guwapo niyang boses!

"T-Thank you," kinikilig na sabi ko.

"Your face is so red right now, haha." Tatawa-tawang aniya at tinusok ang pisngi ko.

"H-Hala a-ano ba." Pabebeng sabi ko sabay kagat ng labi.

"So cute." Aniya at ngumiti, 'tsaka marahang ginulo ang aking buhok.

Umayos na siya ng tindig at ngumiti. "I'll text you na lang later, mauuna na ako. Bye, Sadie!"

Nakagat kong muli ang pang-ibabang labi ko dahil sa kilig. 'Tsaka ako ngumiti at tumango-tango. "Hmm!"

Pinagmasdan ko si Azrael na bumalik sa kaniyang mga kaibigan. At bago pa man sila tuluyang mawala sa paningin ko ay nakita ko pa ang masamang tingin sa akin ni Marin.

I Met A Ghost Named, LaiWhere stories live. Discover now