Chapter 24

190 2 0
                                    

HINDI pa rin ako hanggang ngayon umuwi. Dito na ako natulog kagabi. Nag-paalam na rin ako kay Wensley na dito muna ako. Sinabihan n'ya ako na umuwi muna ako dahil may klase pa ako. Pero, baka bukas nalang siguro ako umuwi. May pakay pa ako dito.


“Lana, okay ka lang? Ang tahimik mo yata ngayon.” Namilog nalang ang aking mga mata at bigla kong ginalaw ang aking kutsara at tinidor. Para akong nahimasmasan sa pagkatulala ko dito.

“Oum. May naisip lang.”

“May problema ba kayo ni Wensley? O baka nag-away kayo?” Nag-alalang tanong ni Ate Anya sa akin. Umiling ako ng may ngiti sa aking labi.

Actually, binabaan n'ya ako kanina. Nang sinabi ko na hindi muna ako uuwi ngayon. Ewan ko sa kaniya kung bakit mainit ang ulo n'ya. Uuwi naman talaga ako. Ngayon dito muna ako.


“Ahm, okay kami. Oo,” sabay ngilay ko na nginitian naman nila.

“Kailan ka nga pala uuwi?”

“Grabe ka naman, Ate Tanya. Nang kagabi lang parang ayaw mo akong umuwi na dumito muna. Tapos ngayon, gusto mo yata akong umuwi na.” Pahapyaw itong tumawa na nasisiyahan at aliw na aliw.

“Nag-tanong lang naman,” saka tinuloy n'ya ang kaniyang pag-nguya.

“Ahm, ate. Ate Tanya, may lakad ka ba mamaya?” Agad tiningnan ni Ate Tanya si Ate Anya, nagkatinginan silang dalawa.

“W-wala. Dito lang ako.” Nakita ko ang pag-angat ng magkabilang balikat nito at halata sa kaniya na may tinatago, halata ko. Kita ko ring hindi mapakali ang kaniyang mga mata na ang likot ngayon sa paggalaw.


Tumikhim ako. Kaya agad silang bumaling sa akin na nilakihan ko naman sila ng dalawang mata ko na nagtatanong kung bakit. Umiling naman sila.

Natapos ang pagkain namin ng aming almusal. Na ako ang nag-presentang mag-hugas ng aming kinainan.

Na-iwan ako dito mag-isa sa bahay. Dahil umalis ang dalawang ate ko para mag-grocery. Hinintay ko sila hanggang sa maka-uwi dito sa bahay.


Palaisipan pa rin hanggang sa utak ko ngayon ang nabasa kong text kagabi sa cellphone ni Ate Tanya. May bumubulong sa akin na sundan ko raw siya mamayang gabi. Kaya ko kaya? Mukha kasing delikado.

Gusto ko lang mapanatag ang loob ko na ako ang nakabasa no'n. Alam ko naman na nabasa rin ni Ate Tanya. Hindi lang ako sure kung pupunta siya do'n. I felt nervous. Something in my mind, na gustong protektahan si Ate Tanya. Baka anong gawin sa kaniya. Ayaw ko na malagay siya sa kapahamakan.

May naisip na akong plano. Sana hindi ako pumalpak. Pero kabado ako na dehado. What if ako ang mapapahamak? Bahala na si Batman. Susundun ko si Ate Tanya mamaya.


Umuwi na sila. Nag-bonding kami. Ang daming niluto ni Ate Tanya para kainin namin. Nag-enjoy ako sa maraming foods. Dati lang nang nag-aagawan kaming tatlo sa pagkain na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Minsan sakto sa amin, minsan kulang na kailangan talagang pag-agawan.

Ang mas malala, maliit na parte sa akin. Sa kanilang dalawa ay malaki, marami. Dahil daw malaki na sila. Nagpakumbaba ako at hinayaan sila. Gusto ko na nga no'n lumaki na. Para malaki at maraming hati rin ang kakainin ko. Dahil malaki na ako. So funny lang habang iniisip ko ngayon. Wala sa sarili akong napangiti.

Napatingin ako sa kanilang dalawa na busy sa pag-uusap. Hindi nila ako nakita na nangingisay sa ngiti dito.


“Saan ka ba kasi pupunta mamaya? Ang sabi mo may pupuntahan ka.” Biglang salita ni Ate Anya. Matagal bago nakasagot si Ate Tanya. Ngumiti siya at saka nagsagot.

Waitress to Adore ✅Where stories live. Discover now