CHAPTER 19

1K 87 9
                                    

PETER P. O. V

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay marites, tawa siya ng tawa habang hawak hawak ang pamaypay na green at may kinakaing indian mango.

Andito kami ngayon sa kwarto nila ni kill kasama ko si Claire, marites at si gynner. Nanonood kami ng bol–horror ni gynner habang si Claire at sumasayaw–si marites huwag niyo ng tanungin. Malalim ang kanyang iniisip, mas malalim pa sa bangin.

"HAHAHAHA!!!!" nagulat kaming lahat sa biglaang patawa ni marites.

Paypay ng paypay e malakas naman ang Aircon at may electric fan pa. Magastos sila sa kuryente, ang yayaman kasi.

Iangaw ko ang pamaypay sakanya at itinapon sa labas mg bintana pero wala siyang pakealam at kinain ang indian mango na hindi pa nababalatan.

Kinakain niya ang mangga na hindi pa nababalatan?!? Ang lakas naman talaga ni Marites! Kaya bilid ako dito.

Bigla nalang siyang tumayo at tumalon talon. "PETERRR KYAHH!!!" Tinaasan ko siya ng kilay. "What if I'am a princess?" napangiwi nalang ako at nag-ibang direksyon ang tingin.

Nababaliw na nga siya.

Hays........ marites stay strong. I hope you don't change, when you know the truth. Alam naming lahat na ang mommy niya ang may gawa nito, except sakanya.

Ginawa lang naman ni tita sonita ‘yon, para maging masaya siya. Pero pakiramdam ko, hindi siya masaya katulad ng dati. Namiss ko nung nag-aaral palang kami.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sakalin. "BWAHAHAHAHA BAKA MAY POWERS TALAGA AKO!!!"

"UGHH!! MARITESS!! MASAKITTTT!!!" Binitawan niya na ako at pumasok sa cr.

"Tsk! Tsk! Tsk! Baliw na talaga si Vebbiana, kailangan na nating dalhin sa mental." gynner whispered.

Bahagya akong napatingin kay claire. Nakikita ko sakanya si eshang na may pagka-marites. Totoo kaya ang reincarnation? What if totoo pala ‘yon? Tapos si eshang nag reincarnated kay claire?

Arghh!! Namimiss ko na talaga si eshang.

Pinsan nina cyriena at cierra si claire. Lahat sila nags-start sa letter 'c' isa pa, ang tropa ni nathan na si xairo, alam ko pinsan nila iyon.

Cierra klare Siervo, Cyriena klein Siervo, and Christopher killua Siervo, magkakapatid silang tatlo. Wala na si kie....... wala na ang totoong kie.......

Nilibing siya ng wala si veb.

Lady claire co at Xairo Ortiz–pinsan nila kie.

Pagkalabas ni marites ay agad akong napatingin sakanya. Nagbago nga siya pero lalo rin siyang gumanda. Siya na siguro ang most beautiful in the world, tarantada nga lang.

"Tingin tingin mo d’yan? Tusukin ko ‘yang mata mo eh!" tinarayan niya ako at dumiretso sa aparador.

Maldita pa rin.

Napakasuplada!

Hmp!

Malakas siguro si marites sa mga lalaki, pansin ko lang kasi karamihan sa mga kaibigan niya puro lalaki.

Start tayo sa section 7, si killua, lorence, Myko, victor, Jaycer, Gynner, Eraño, Gian, flash, Ivan, kento, Matthew, karl and me.

Grabe, ang saya namin dati, nung dating nag-aaral palang kami. Madaming problema ang dumating sa buhay namin, pero nalagpasan pa rin. Basta tiwala lang!

Next sina; Tyrone, jethro, kael ulit, zedrick, ryker at Alexander.

Ezekiel at Clevion.

Tapos mga tropa ng kuya niya; kairo, xairo, zairo, edwin and jaxon. Kakaunti lang talaga ang mga kaibigan niyang babae kaysa sa mga lalaki.

I know the person behind the mask of killua at kilala siya ni marites. We hope na kapag nalaman niya ay hindi siya magbago.

Planado ang lahat ng nangyayaring ito behind ni mrs. Delos Reyes, ang mommy ni veb. Ang mommy ni veb ang kontrabida sa buhay ni marites.

Wala namang galit si tita sakanya, gusto niya lang maging masaya ang anak niya.

Alam kung minahal at nagkagusto si veb kay tyrone noong nag-aaral palang kami but–kay killua siya bumagsak, at sila ang endgame.

Pero hindi namin inasahan na gagawin ni killua ‘yon.......

He killed his self. Inakala niya siguro na hindi na makakasurvive si marites noon.

Akmang babarilin na ng kuya niya nun si killua, pero sinalo niya ang bala. Ayon ang pagkakaalam ko sa nangyari–tapos, wala pa daw ambulansya, kaya ayon walang kung ano ano, binaril ni kill ang sarili niya.

Akala namin veb can't survive, but she survived.

But kill? He didn't survive.

Nung nalaman ng mommy niya na wala na si kie...... Ang anak niya agad ang pumasok sa isip niya–si veb a. k. a marites.

'Vebbiana Abbiana Monique Delos Reyes.'

Gumawa siya ng plano about kung paano pasasayahin si marites, kahit ayaw namin, kasi alam namin na kapag nalaman ni marites ay sobrang sobrang malulungkot siya. At baka sa sobrang kalungkutan ay magpakamatay, ayaw naming mangyari ‘yon dahil......... Si veb ang buhay at lakas namin. Sakanya kami nagiging masaya.

She's our Princess. The princess that everyone had.

Bukod sa princess at reyna din siya ng mga tarantada! Aba'y ayaw ko ng pinupuri siya, sumasakit ang aking ulo kakaisip kung may mabuti ba siyang ginawa sa buhay niya–napaka kulit kasi! Argh! Nangyari lang naman ‘yon nung broken siya.

Nung nagbreak up sila ni tyrone, matagal ang healing ni veb. At lagi niyang sinasabi sa sarili niya na 'magbabago na siya' at ito na nga, nagbago siya.

From Vebbiana na walang inuurungan, naging tarantadang walang pakealam.

Teka may pake ba ang mga tarantada?

Well, wala pa rin namang inuurungan si marites ngayon. Kahit ano gagawin niya, magaling siya sa martial–sabing huwag mong purihin si veb eh!!

Arghh!!!

Napakamot ulo nalang ako at ibinaling sa pinapanood namin ni gynner.

Napatingin ako kay marites na nakikigaya kay claire. From baliw na naging dancer.

Pa iba iba talaga mood at isip ni Marites. Tignan mo nakangiti ‘yan ngayon, mamaya nakasimangot na ‘yan. Tapos kapag tumingin ka sakanya, halos kakainin kana niya sa sama ng tingin.

Kung ang mommy ni veb ang kontrabida sa buhay niya, well. Si Veb naman ang kontrabida sa buhay namin.

But...... I'm happy. So, so, so happyyyy!!!

Sa section 7 si kie palang ang kauna unahang nagpakasal, ang hari ng mga tarantado.

Hari ng mga tarantado ang tawag ni veb kay killua, at mga tarantado kami.

Sabagay, bagay naman sa amin itawag ‘yon, dahil mga tarantado kami. Tarantado kami pagdating sakanya.

She's the girl that everyone never had. Napakaswerte namin sakanya, dahil nasa kanya na ang lahat.

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Where stories live. Discover now