63

798 55 70
                                    

tw// sexual harassment

note: again, it's better to discontinue reading this story if you are not comfortable.

HEAVEN RAMIREZ

Bumangon ako't sinandal ang likuran sa pader, still wrapping him around my arms.  Mabuti nalang at hindi na siya pumapalag. He's just staying quiet, silently crying on my shoulder.

Ang hapdi na ng kamay ko, lalo na ang balikat ko na unang bumagsak kanina. Kanina wala akong maramdaman sa paglaslas ko, pero ngayon umepekto na siya. Sobrang hapdi! Tiniis ko ito't pinatigil ang sarili sa pag-iyak. I brushed his hair for him to calm down too.

"Joshua," I called his name. "Okay lang bang kahit sa isang araw lang, isipin mong hindi ako nagsisinungaling sa'yo?"

"It's your choice if you want to believe, but can I ask you to choose believing?"

"I'm trying my best to prove myself to you pero masyadong sarado ang isip mo," nag-adjust ako sa yakap nang humapdi na naman ang braso ko. Dumidikit sa tela ng uniform niya ang laman ko.

"Kapag napagod ako, alam kong hahayaan mo lang ako kasi 'yon ang gusto mo. Pero ayaw kong sumuko, Joshua sana ikaw rin," I calmly begged.

"I know your trauma keeps you blinded. Lahat ng sinasabi ko, kasinungalingan sa'yo kasi sinasabi ng trauma mong hindi totoo ang lahat ng lumalabas sa bibig ko,"

I totally get him now. Kaya dini-deny niya ang mga sinasabi ko, kaya feeling niya ay kasinungalinan lang lahat. May trust issues siya dahil sa mga nangyari sa kaniya sa nakaraan. I won't blame him if he's still denial. I must respect him and his decision.

Pero gusto kong magtiwala rin siya sa akin.

"Please, kahit ngayon lang, maniwala ka sa'kin. Hindi ako nagsisinungaling," I told him.

"Mahal kita,"

"Ayaw kitang mawala,"

"Kailangan kita,"

"Aalagaan kita,"

"May pakialam ako sa'yo,"

"M-mahal kita, Joshua,"

Ramdam ko ang pag-iyak niyang muli. I chuckled in pain at saka hinagod ko ang likod niya para patahanin siya.

Napahigpit lalo ang kapit ko sa kaniya nang may marinig akong kaluskos, kasunod no'n ay ang pagdating ng kung sino palapit sa amin. Yumuko lang ako at patuloy na kumapit kay Joshua.

"M-Mister Hong," dinig kong sambit ng isang lalaki. Siguro ay teacher, nang i-angat ko ang mukha ko ay nakita ko sina Jun at Jeonghan, pati ang isang campus director.

"Nagdudugo 'yong likod mo-- Heaven! T-tangina," napangiwi ako nang subukang hawakan ni Jeonghan ang kamay ko.

Nangangamba man, nagsalita ang teacher. "Anong nangyayari rito? It is a restricted area for students--"

"Sir! Hindi dapat 'yon ang iniisip mo ngayon. Paano kung hindi sila nagdalawang isip na tumalon? Kung hindi mo kami hinarang e di sana walang nasaktan, 'di ba po?" Naiinis na sambit ni Jeonghan habang tinatapik si Joshua.

"It is still a restricted--"

Hindi nakatiis si Jun at siya na ang sumagot. "If these two died, we will all blame it on you and your stupid restrictions,"

I never saw him talking back to teachers. Pero alam naman namin sigurong restricted area ito. Still, hindi dapat 'yon ang inisip niya muna. Hanggang ngayon, kahit may mamatay na, reputasyon pa rin nila ang iniisip nila. 

No ShameWhere stories live. Discover now