entry #23

53 7 1
                                    

Dear diary,



Ilang buwan ang makalipas. Akala ko makalilimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Pero nagkamali ako. Mas lalo lang lumala. Hindi na kami gaano nag-uusap pa. Halos nabibilang lang ang pag-uusap namin.

‘︿’

Sa ilang buwan na yun, lagi ko syang nakikita na ibat ibang babae ang kasakasama nya. Mas lumala pa ngayon. Kaya medyo nagtaka na ako. Hindi naman sya ganun noong una e.

Sa ilang buwan na nakaraan, araw araw akong nasasaktan at umiiyak. Ang sakit ng puso, sobra. Ginawa ko lahat para mabaling sa iba ang pansin ko pero wala parin, sya parin ang hinahanap hanap ng puso.

Nalaman ko na din na may liniligawan na sya. Yun ang usap usapan sa buong campus. Kaya ng araw na malaman ko yun. Iyak lang ako ng iyak.

TAGOS NA TAGOS SA PUSO ANG SAKIT.


Sobrang nasasaktan,

Iyang

Diary Ng Walang Jowa (COMPLETED)Where stories live. Discover now