entry #36

63 5 0
                                    

Dear diary,





Isang buwan na syang nanliligaw sa akin. Araw araw hatid sundo nya ako. Walang araw na hindi nya pinaparamdam na kung gaano nya ako kagusto. Nang dahil dun, lalo ko syang nagustuhan.

Ngayong araw na din na ito. Ngayon ko na sya sasagutin. Napag isip isip ko na ayoko na itong patatagalin pa.

Gusto ko syang suprisahin. Masaya akong hinanap sya sa buong school. Excited na akong sagutin sya. Nakangiti pa ako ng araw na yun.

Nagpunta ako sa garden. Medyo kinakabahan ako ng araw na yun. Ewan ko kung dahil sa excited o meron pang iba. Hindi ko alam.

Pero unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng makarating ako sa garden. Para akong bunuhusan ng malamig. Para akong hindi makagalaw.

Nagsisinauna na din ang luha ko na mahulog. Ang sakit sakit na makita ang mahal mo na may kahalikan na babae. Si Madison pa ang babaeng yun, ang kanyang ex. Parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko.

Agad akong tumakbo palayo sa kanila. Hindi ko na sya pinansin nung nakita nya akong nakatingin sa kanya.



Feeling betrayed,

Iyang

Diary Ng Walang Jowa (COMPLETED)Where stories live. Discover now