Unang Liham

13 0 0
                                    

                             ☀️🕊️




Dear Tatay,

      Hello po, alam ko na hindi n'yo pa po ako kilala kaya magpapakilala muna ako sainyo, ako nga po pala si Sola, Solana Mayve  po ang tunay kong pangalan, ang ganda po nang pangalan ko diba? Sabi po kase saakin may ispisyal na kahulugan daw po iyon, 'yong nagpaanak po kay Nanay ang nagbigay saakin nang pangalan na iyon kase wala daw pong maisip si Nanay noon. Anak n'yo nga po pala ako.

      
      Eight years old na po ako, Kakatapos ko lang po magbirthday tatay, malungkot po ang birthday ko dahil hindi po ata naalala nila Nanay ang birthday ko. Malungkot lang po ako nang unti dahil wala po akong cake katulad no'ng birthday nila Ate Isabella at Mirabelle, bukod po doon ay nag-away po sila ni Amang. Okay lang po kahit hindi nila ako binati, nagdasal pa din po ako at nagpasalamat kay Papa God dahil binigyan niya po ako nang panibagong taon.

        Ito po ang unang sulat ko po para sainyo at gusto ko pong ibigay saiyo lahat ng masusulat ko kapag nagkita po tayo. Kapag nagkita po tayo gusto po kitang yakapin dahil miss na miss na po kita kahit hindi pa man tayo nagkikita.

        Lagi ko pong hinihiling na sana magkita na tayo, kahit po sinasabi ni Nanay na ayaw mo saakin dahil hindi n'yo  raw ako gustong maging anak hindi po ako naniniwala sa kanya. Kahit po lagi siyang galit at lagi niyang sinasabing ayaw niya saakin bilang anak niya ay mahal ko pa rin siya. Okay lang po ako Tatay, sabi po noong Ale sa simbahan kapag po may tao raw pong galit sainyo ay ipagdasal mo para maalis ang galit sa mga puso nila kaya po pinagdadasal ko po si Nanay, pati na rin po sina Ate Isabella at Ate Mirabelle at Amang. Sana po maalis na ang galit sa mga puso nila. At pinagdadasal ko po na sana magkita na tayo.

                                                    love,
                                           Solana Mayve



Tinago ko na agad ang diary ko dahil narinig ko na ang boses nila Amang at Nanay. Umupo lang ako sa sahig na hinihigaan ko at naghihintay na tawagin nila ang pangalan ko, nasa labas sila at mukhang nagaaway na naman ata sila at mukhang lasing na naman si Amang.

"ANO BA RODDY! WALA KA NA NGA BINIBIGAY DITO SA BAHAY PARA SA PAGKAIN TAPOS MAKIKITA PA KITANG LASING?!" rinig kong sigaw ni Nanay.

"ABA PUTANGINA KA!! ASAWA LANG KITA KAYA WAG NA WAG MO AKONG SISIGAWAN HA! TSAKA ANONG WALANG BINIBIGAY? HINDI BA KAKAINTREGA KO LANG SA'YO NO'NG SAHOD KO KAHAPON?! SAAN MO DINADALA ANG PERA HA? NANLALAKI KA BA HA?!!" tinakpan ko ang tenga ko dahil sa takot sa sigawan nila Nanay at Amang.

"WAG MO AKONG PAGBIBINTANGAN HA!!"

"BAKIT HINDI HA, AKALA MO BA HINDI NAKAKARATING SAAKIN ANG USAP-USAPAN DIYAN SA LABAS NA MAY NAKA KITA SA'YONG MAY KASAMA KANG LALAKI NOONG ISANG ARAW?!!"

"ANO BA! NASASAKTAN AKO BITAWAN MO NGA AKO!! ARAY KO WALANG HIYA KA TALAGA!!"

Mas lalo akong natakot dahil narinig kong may nabasag na gamit sa labas kasunod ng sigaw ni Nanay. Gusto ko siyang tulungan pero natatakot lang ako dahil baka parusahan na naman ako ni Amang katulad nang dati, masakit sa katawan ang bakal na sinturon niya at ayaw ko nang maulit iyon dahil matagal bago naghilum ang mga sugat ko.

Gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako kumakain mula kaninang tanghalian dahil hindi ako natirhan ng ulam nila Ate maski ngayong hapunan kaya hinihintay ko sana sila Inay na dumating pero mukhang hindi na ako makakain dahil sa away nila. Tanging ang isang pirasong pandesal lang na natira nila Ate ang kinain ko buong araw. Matutulog nalang siguro ako tsaka sigurado bukas makakain din ako ng almusal dahil magtitinda kami ng Sampaguita sa simbahan. Nagdasal muna ako muna ako at nagpasalamat bago matulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at umalis nang bahay para kumuha ng panindang Sampaguita, maraming tao ngayon dahil linggo kaya siguradong kikita pa rin ako kahit paano.

"Ate bili po kayo..Ate sampong piso lang po, sige na bili na po kayo."

Inaalok ko bawat dumadaan papasok sa simbahan.

"Pabili na ako ineng, dalawa." agad kong binigyan ng dalawang Sampaguita ang Ale.

"Maraming salamat po." sabi ko nang ibigay niya saakin ang bente na bayad niya.

Palipat-lipat ako ng pwesto hanggang matapos ang buong misa sa simabahan, naupo kami sa gilid ng simbahan habang binibilang ang mga kinita namin sa pagbebenta.

"Mas madami kay Sola tingnan n'yo oh." sabi ni Boboy.

"Syempre masipag ako eh, tsaka kakain ako ngayon kase hindi ako nakakain kahapon eh, gutom na nga ako." hinimas ko ang tyan ko dahil kumukulo na talaga siya sa gutom.

"Alam mo Sola salbahe talaga 'yang mga Ate mo, kung ako magsusumbong na ako sa Inay mo." sabi ni Buknoy.

"Kahit naman magsumbong si Sola hindi naman siya papansin ng Nanay niya dahil mas kampi 'yon sa mga Ate niyang masasama ang ugali." sabat ni Boboy.

"Ano ba kayo, kahit naman ganon' sila saakin mahal ko pa din sila." pagtatanggol ko, pero sa totoo lang nalulungkot ako dahil tama ang sinabi nila.

Hindi ako pinakilinggan ni Nanay kapag magsusumbong ako sa kanya tuwing inaaway ako nina Ate, madalas ako pa ang pinapagalitan niya kaya hinahayaan ko nalang sila Ate.

Kumain kami sa Gotohan ni Aling Tessa pagtapos magbilang ng kita namin, naka isang daan ako kaya pinalagyan ko ng itlog ang goto. Busog na busog ako pagkatapos naming kumain. May otsyenta pa akong tira dahil tigbente lang naman ang goto. Dumaan muna ako sa bakery para bumili ng tinapay, tinatabi ko ang tinapay na binibili ko tuwing linggo dahil kapag inuubusan ako nina Ate ng pagkain ay iyon nalang ako kinakain ko. Kailangan ko pa siyang itago sa damitan ko para wag makita nina Ate.

Wala na sina Nanay at Amang pagkauwi ko kaya marahan akong pumasok sa maliit na kwarto ko at maingat na tinago ang tinapay roon. Lumabas muna ako para uminom ng tubig pero nakasalubong ko si Ate Isabella.

"Asan ang pera mo?" inilahad niya saakin ang palad niya. Umiling lang ako.

Alam kong kukunin na naman niya ang pera ko.

"Asan sabi ang pera!!" galit niyang tanong habang mahigpit na hawak ang buhok ko.

"A-ate nasasaktan po ako." umiiyak na sabi ko.

"Masasaktan ka pa lalo kapag hindi mo binigay saakin ang pera mo." banta niya.

Masakit ang anit ko dahil masyadong mahigpit ang hawak ni Ate Isabella doon. Sinubukan ko sanang alisin ang kamay niya pero hindi ko maalis.

"Anong nangyayari sainyo?" tanong ni Ate Mirabelle, kalalabas lang niya sa kwarto, sinubukan kong magmakaawa habang tinitingnan siya pero hindi niya ako pinansin.

"Eh ito ih, imbes na ibigay nalang sana ang pera kailangan munang galitin ako!" ines na sabi ni Ate Isabella mas nanggigil siya kaya napaiyak lalo ako ginawa niya dahil ang sakit na nang buhok ko.

"Asan ba ha, akin na nga." wala na akong nagawa nang kapkapan ako ni Ate Mirabelle, nakuha niya ang sengkwenta na itinabi ko sana.

Binitawan ni Ate Isabella at buhok at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig, tahimik akong umiyak dahil baka lalo lang silang magalit saakin.

"Sa susunod kapag sinabi kong ibigay mo na ibigay mo na agad ha, wag mo nang pinagiinit ang ulo ko! Naiintindihan mo ba?!" sigaw niya kasabay ng pagangat sa baba ko.

"Sagot! Naiintindihan mo ba ako?!" mabilis akong tumango kaya binitawan niya na ako bago umalis.

"Hugasan mo lahat ng hugasin d'yan at maglinis ka na rin!!" utos ni Ate Mirabelle bago sumunod kay Ate Isabella palabas.

Mabilis nila akong iniwan kaya hinayaan ko munang umiiyak ang sarili ko dahil hindi naman nila ako marinig. Lagi nalang silang ganito saakin. Wala akong magagawa dahil mas matanda sila saakin kaya gustuhin ko mang sabihin sa kanila na nasasaktan nila ako ay hindi ko kaya.

Sabi nila ang magkakapatid dapat nagmamahalan, mahal ko naman sila pero hindi ko alam kung mahal nga ba nila ako.

Dear DaddyWhere stories live. Discover now