Ika-apat Na Liham

1 0 0
                                    

                              ☀️🕊️



Two and a half years later....



"Sister Joyce gagamutin po uli ba ako mamaya?" tanong ko kay Sister Joyce na naka bantay saakin.

Lumapit siya saakin at hinaplos ang buhok ko bago tumango.

"Oo Solana, kailangan mo iyon para gumaling kana." malumanay na paliwanag saakin ni Sister.

"Pero po Sister, di ba noong nakaraang taon pa po ako may sakit, bakit po hindi pa po ako gumagaling?" inosenteng tanong ko habang naka tingin sa kanya.

Nakita ko na malungkot ang mga mata ni Sister Joyce kaya hinawakan ko ang mukha niya.

"Sister Joyce, wag ka nang malungkot. Alam ko naman pong ginagawa niyo nila Mother Anne ang lahat para po gumaling na ako, kaya ngiti kana." ngumiti ako sa kanya, bago siya ngumiti ay nalaglag muna ang isang butil ng luha mula sa mata niya.

Ayan, masaya na si Sister Joyce. Lahat kase sila ay nakikita kong malungkot ang mga mata tuwing bumibiseta sa akin dito sa hospital.

Ako hindi naman ako masyadong malungkot dahil lagi rin ang dinadalaw ng ibang mga bata na kalaro ko sa bahay-ampunan. Lagi kaming naglalaro pero dahil may sakit ako ay sobrang bilis ko mapagod, kaya minsan hindi na kami naglalaro nagkekwentohan nalang kami. Minsan rin ay pagod ang katawan ko dahil hindi ko kayang umalis sa higaan ko dito sa hospital. Sabi ni Sister dahil daw iyon sa sakit ko.

"Sister Joyce pagkatapos ko po bang gamutin bukas pwede na po ba akong bumalik sa ampunan? Ayuko na po kasi ng mga gamot dito, ang panget po nang lasa nila tsaka po Sister ayuko na po sa kwarto na ginagamutan saakin. Kase po pagpasok ko doon strong pa po ako tapos paglabas ko super weak na po ako, tsaka Sister tinginan mo po 'yong buhok ko oh, malapit na pong maubos." inalis ko ang bonit na suot ko at pinakita sa kanya ang natitirang buhok ko. Natawa pa ako dahil iilan nalang iyon.

"Pero po gusto ko nang gumaling para po maka paglaro na po uli ako sa labas, makatakbo na rin po ako sa ilalim ng arawan. Masaya po 'yon Sister, tsaka 'yong araw po kapag nakikita ko ibig sabihin no'n na may panibagong bukas. Kaya masaya po ako kapag nakikita ko na ang araw, maliwanag po." masigla kong kwento kay Sister habang naka tingin sa labas ng bintana.

Paglingon ko kay Sister ay may inalis siya sa may mata niya.

"Ah, napuwing lang ako.. Hayaan mo kapag magaling kana, pwede kana uling makapaglaro sa labas kasama ang mga kaibigan mo sa bahay-ampunan. Pwedeng-pwede kana uli makipaghabolan sa ilalim ng sikat nang araw." hindi ko mapigilang mapangiti at masabik dahil sa sinabi ni Sister Joyce.

"Sister pwede pong paabot ako no'ng diary ko, gusto ko po kasing sulatan si Tatay. Kase po hindi ko kaya magsulat pagkatapos kong gamutin ulit kase manghihina na naman po ako no'n kaya ngayon lang." lagi kase akong nanghihina kapag natatapos na akong gamutin, sabi naman nina Doc na ganon' daw talaga para daw gumaling na ako nang tuluyan.

"Iiwanan muna kita, babalik nalang ako kapag gagamutin kana para kasama mo ako, ayos ba?" mabilis akong tumango.

"Ayos po Sister Joyce!" masigla kong sagot. Nagbabye muna ako sa kanya at hinintay siyang maka labas ng pinto bago kinuha ang diary ko.







  Dear Tatay,
  

            Hello po Tatay, si Solana po ulit ito. Gusto ko na pong sulatan ka uli dahil mamaya po ay gagamutin na naman raw po ako sabi ni Sister Joyce. Malungkot po ako dahil pagkatapos ko gamutin mamaya ay mahina na naman po ako at susuka tapos po magsh-shake na naman po ang hands ko kapag sinulatan ko ulit na sulatan ka matapos ko pong gamutin.

         Sabi po ni Sister Joyce na kapag daw po gumaling na ako ay pwede na po uli akong bumalik sa bahay-ampunan, makakalaro na po uli ako kasama ng mga kaibigan ko doon. Sabik na po ulit akong maka labas dito sa hospital dahil po sobrang tagal ko nang nandito. Gusto ko na po ulit magcelebrate ng Christmas, New Year at pati na rin po nang birthday kasama sila, malungkot po kase kapag nandito lang sa hospital.

         Kahit po natatakot ako tuwing gagamutin na ako, iniisip ko nalang po na kapag gumaling na ako ay nakakapaglaro na ako sa arawan at magkikita na po tayo. Kaya strong na po ako Tatay. Kaso po Tatay minsan ayaw na po ng katawan ko, masakit po kase, minsan nga po napapagod na po ako.

        Tsaka bakit po kaya ganon' Tatay? Sila Sister Joyce at Mother Anne pati na din po ang ibang Sisters sa bahay-ampunan, lagi ko pong nakikita na malungkot ang mga mata nila kahit naka ngiti naman po sila tuwing binibiseta po nila ako.

       Siguro Tatay kapag nakita mo po ako ngayon pagtatawanan mo po ako dahil mukha po akong alien dahil paubos na po ang buhok ko. Pero sabi nina Sister Joyce ay maganda pa rin daw po ako kahit wala na raw akong hair. Happy din po pala ako dahil binigyan po ako ng mga kaibigan ko ng bonit na madami para raw po madami akong gamitin. Tsaka po palagi po nila akong dinadalaw at kinikwentohan. Namiss ko na nga po sa bahay-ampunan, miss ko na po sina Sister, Mother, ang mga Ate namin, mga kaibigan ko pati na rin po ang magbilad sa ilalim ng araw tuwing umaga.

        Lagi ko pong sinasabi kay Papa Jesus na pagaanin na po ang pakiramdam ko at alisin na po ang nararamdaman ko para po maka labas na po ako rito sa hospital. Gusto ko na po kasing maramdaman ang sinag nang araw sa balat ko. Hindi pa raw po kase ako pwedeng mapagod kaya palagi lang muna po akong naka upo o naka higa, pero po okay lang Tatay dahil kapag raw po gumaling na ako hahayaan na raw akong nina Sister na maglaro sa ilalim ng araw. Basta may araw po happy na si Solana. Naka ngiti na.

         Katulad po doon sa libro, im happy when there's a sun, it made me feel warm and blue.

      So when you missed me, look up at the sky and give me your brightest smile.

                                              Natutuwa,
                                                 Solana

Dear DaddyWhere stories live. Discover now