KTK 28

91 3 2
                                    

M E S S E N G E R

01-05

5:45 PM

Azriel Slade Silverio
Active Now

Kailea

Hoy!

Bakit ba ang sungit mo?

Nakakahiya kay Kaz

Nag-hi pa sa 'yo

Tapos kinakausap ka pero ayaw mong pansinin

Azriel

Anong ayaw pansinin?

Sumasagot naman ako, ah?

Kailea

Kahit na

Halata pang ang ikli ng sagot mo

Baka akalain niya masungit ka pa

Azriel

Ano naman ngayon kung masungit ako sa paningin niya?

Eh, sa wala ako sa mood, eh

Kailea

Kahit na

Sana man lang kunwari masiyahin ka

Azriel

Bakit ko babaguhin 'yung ugali ko para sa iba

Kailea

Hindi sa gano'n

Malay mo guato ka papa nung tao

*Gusto

*Pala

Ano ba 'yan puro typo!

Tapos ma-turn off sa 'yo kasi ang sungit mo

Azriel

Okay lang

Hindi ko naman hiniling na gustuhin niya

Kailea

Ano ba 'yan, Azriel

Ano bang nangyari?

Kanina ka pa badtrip

Azriel

Wala, mababaw lang

Magpahinga ka na, Kailea

'Di ka pa ba pagod?

Kailea

Hindi pa naman

Ano nga 'yonnn!

Kwento kaa

Azriel

Wala

Kailea

Isa

Azriel

Naiinis lang ako

Kasi kanina niyo pa siya kinakausap

Tapos ako hindi niyo na pinapansin

Ginawa niyo nalang akong taga-buhat ng mga pinamili niyo

Kailea

Luh?

Nagtatampo ka ba? HAHAHAHAHA

Azriel

Sige, tawa pa

At hindi ako nagtatampo

Bakit ako magtatampo?

E di siya nalang kausapin niyo palagi

Okay lang naman sa 'kin

Kailea

Okay daw pero ang cold naman sa chat

Azriel

Ganito naman talaga ako mag-chat

Wala namang naiba

Baka akala niyo lang

Kasi masigla si Kazalea

Kailea

Nagtatampo ka, eh HAHAHAHA

Azriel

Hindi nga sabi!

Kailea

HAHAHAHA

Cute mo, Azriel
Seen 5:52 PM

Knead to Know (Book 1)Where stories live. Discover now