KTK 97

93 2 4
                                    

M E S S E N G E R

03-19

9:01 AM

Juliana Salonga
Active Now

Keia

Sa 'yo ko lang sasabihin 'to, ah?

I mean, kay Kaz din, pero hindi pa sa ngayon

Kasi nalilito ako

Aware naman ako na minsan, hindi pang-"kaibigan" 'yung ginagawa at turing ni Azriel sa 'kin

Okay, 'wag ka munang magreply

Minsan din, napapansin ko na 'yung ibang tingin niya sa 'kin

Pero pinipilit kong i-ignore kasi nga bestfriends kami

Pero minsan kasi, hindi ko mapigilan

Na?? parang?? gustuhin?? siya??

Sobrang konti na lang sasabihin ko na talaga

Minsan, kapag napapansin kong iba na 'yung trato niya sa 'kin

Naiisip ko na parang gustong-gusto ko nang subukan

Kaso nakakatakot

Kasi what if mabait lang pala talaga siya

What if kaibigan lang din 'yung turing niya sa 'kin

Na what if ako lang pala 'yung nag-aasume na may ibang meaning 'yung tingin at mga kilos niya?

What if gusto namin 'yung isa't-isa, ano nang mangyayari sa friendship namin

Lalo na kung ano

Kung hindi pala magwork

Kaya sobrang nakakatakot kasi nakakapanghinayang 'yung mawawala

Julya

May tanong ako sa 'yo

Isang tanong, isang sagot

Gusto mo ba si Azriel?

Keia

Magsisinungaling lang ako kapag sinabi kong hindi

Julya

Wow, isang tanong, isang sagot nga, eh

Keia

E di oo!

Bwisit kasi 'yung lalaking 'yon!

Masyadong mabait

Julya

Gusto mo pala 'yung tao

Okay fine, sasabihin ko na 'yung alam ko

Alam kong may gusto si Azi sa 'yo

'Wag mo nang tanungin kung paano ko nalaman, babae

Dahil sobrang halata naman

Pero ayun nga

Gusto niyo naman pala 'yung isa't-isa

Kaya anong pumipigil sa inyo para maging masaya?

Para maging masaya sa piling ng isa't-isa?

Kasi hindi ko magets 'yung point

Oo sige, sayang 'yung friendship

Pero what if magwork?

What if hindi naman pala dapat magworry kasi kung sakaling maging kayo man, magiging okay 'yung samahan niyo

Na maggo-grow kayo 2gether

Oo, takot ka kasi baka masira 'yung friendship niyo

Pero, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?

Keia

Julya

Julya

Ano?

Takot ka ba talagang mawala 'yung friendship niyo?

Alam kong may ibang dahilan, Keia

Keia

Si Cindy

Julya

Sabi na, eh!

Si Cindy?

Siya 'yung babaeng niligawan ng gusto mo

NILIGAWAN

AYAN, PAST TENSE

Sinabi niya ring hindi na niya gusto 'yung babae, 'di ba?

Natatakot ka kasi bumalik na si Cindy?

Bakit?

Porket ba bumalik na siya rito ibig sabihin bumalik na rin 'yung feelings ni Azi sa kanya?

Na bumalik siya sa buhay ni Azi?

Hindi naman, 'di ba?

Keia, past na lang 'yon si Cindy

Ikaw 'yung gusto ni Azi

Kaya nga habang maaga pa, itinigil na niya 'yung panliligaw nang marealize niyang iba pala talaga 'yung gusto niya, 'di ba

Kasi ayaw niyang makasakit

Oo, siguro nasaktan si Cindy

Pero, 'di ba mas aasa lang siya kung pinagpatuloy ni Azi kahit wala naman pa lang feelings

Pag-isipan mo 'yung sinabi ko

Alam kong madaling sabihin, mahirap gawin

Pero try niyong mag-usap?

Hindi 'yung dinadaan sa charot 'yung harot

Kilala ko rin si Azi, Keia

Alam kong seryoso siya sa 'yo

Baka nga ikaw lang 'yung inaantay niya, eh

At babae, sabihin mo na sa kanya kung sino ba si Westley sa buhay mo

Manliligaw?

Feeler nito
Seen 9:17 AM

Knead to Know (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon