Chapter 9

18 0 2
                                    

C9

NIALL POV

Hindi ako makapaniwala na nakarating sila sa Laguna kung hindi ko nabasa ang notification ko sa bank na binigay kong ATM kay Irene ay hindi pa rin namin malalaman kung nasaan sila. Ang ipinagtataka ko pa ay kung paano niya nalaman ang pagmamaneho ng sasakyan. Ang alam ko hindi siya marunong mag drive nito.

Nang matunton namin sila ay hindi rin namin inaasahang tatakbo sila kaya mabilis kong sinundan si Irene papuntang rooftop. Nang makarating ako sa rooftop ay hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa sa isang lalaki. Tinadyakan niya ito namimilipit naman ito sa sakit hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod siya dahil ang cool niyang tingnan. Ngunit kumunot ang aking noo ng makitang may lumapit pang tatlong lalaki sa kanila. lalapitan ko na sana siya pero bigla akong nagulat ng makitang tinadyakan niya ang isang lalaki sa mukha. Mabilis naman siyang tumakbo kaya sinundan ko siya habang sumunod din sa kanya ang mga kasamahan ng mga lalaking tindyakan niya kanina.

Napansin ko siyang lumiko sa isang hallway kaya sinalubong ko siya at mabilis na hinawakan ang kanyang braso, ngunit bigla siyang napayakap sa akin. Ramdam ko naman ang bilis ng kaba sa aking dibdib habang yakap siya. bigla ko namang naramdaman ang kakaibang init ng aking katawan ng isinubsob niya sa aking dibdib ang kanyang mukha.

“Anong ginagawa mo?” wika ko habang pinipigilan ang sariling yakapin din siya.

“Huwag kang maingay sir, may humahabol sa akin.” aniya, habang nakatuon ang aking atensyon sa kanyang daliri na nasa aking labi.

Damn this woman, why she always make me amaze. Sa isip ko habang nakatitig sa kanya na nagmamasid sa paligid.

Unang beses ko pa lang siyang nakita ay napansin ko na ang kakaibang galaw niya, lalo na noong naghubad siya sa aking harapan ang akala ko noon ay isa rin siya sa mga babaeng naghahabol sa akin noon. Pero hindi ako makapaniwala ng dinala ko siya sa condo ko at natikman ko ang kanyang suntok.

Simula noon ay hindi na siya maalis sa isip ko lalo na noong makita ko siya sa mansion namin. Ramdam ko rin ang inis niya sa akin kaya lalo ko pa siyang ginagalit. Sa tuwing namumula siya sag alit ay lalo akong nakakaramdam ng tuwa.

Nang makarating kami sa condo ko ay sinubukan ko siyang takotin na ipapadakip ko siya sa pulis kapag hindi niya ako sinusunod. Sumasakit na kasi ang katawan ko sa tuwing nananakit siya. 

Kaya naisipan kong tawagan ang dalawa kong kaibigan ng ayaw na naman niya akong sundin. Ipinagluto niya kasi ako ng pagkain na hindi ko naman alam kung ano ito.

Nang dumating sila ay tiningnan muna namin si Irene na kumakain sa mesa habang nakapatong sa upuan ang isa niyang paa. Napailing naman si Ledo habang nakatitig sa kanya.

“Are you sure dude that she can’t obey you?” ani Kevin.

“She looks like a simple woman.” wika ni Ledo. 

“That stubborn dude, we can really taste the beating kapag hindi niyo galingan.” wika ko sa kanila.

“Iyang babaeng ‘yan sir hulihin mo ‘yan.” ani ko, habang nakikita ang gulat na mukha ni Irene.

“Anong mo? Dapat niyo.” bulong naman sa akin ni Kevin.

Pero biglang nanlaki ang aking mga mata ng makita siyang lumuhod sa aking harapan. Habang umiiyak. Kita ko naman ang pigil na pagtawa ng dalawa kong kaibigan.

“Paano ‘yan mukhang nagsisisi na naman,” wika ni Ledo habang pinipigilan matawa. Kaya siniko ko siya, dahil kapag nahuli kami ni Irene malalagot kaming tatlo.

“Huwag kayong maniwala diyan sir. Mamaya hindi na naman ‘yan susunod sa akin.” wika ko habang natutuwa ng yakapin niya ang aking hita. Hehehe tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo.

My Cool Sweetheart Where stories live. Discover now