Deib's pov

0 0 0
                                    

Deib's POV

"Dongsaeng, pasuyo muna ako kay ranleigh ah." Nagmamadaling sabi ni nonna. Tinignan ko si ranleigh na kumakain ngayon sa hapag.

"San kaba pupunta?" Kinuha niya ang susi ng kotse bago ako sinagot.

"May problema kasi sa hospital e" Napakamot ako sa batok dahil sa sinabi niya.

"Bye anak" hinalikan niya muna si ranleigh bago ako hinarap.

"Sorry donsaeng, day off kasi ni manang ngayon tapos busy si mommy kaya ikaw nalang tinawagan ko." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Ano pa bang magagawa ko e nandito na.

"Uuwi din ako agad pag naayos ko na ang problema sa hospital" Nagmadali siyang lumabas ng bahay.

Tch, ano naman kaya ang pwedeng gawin dito?

"M-m" Lumapit ako kay ranleigh

"Anong sabi mo?"

"M-ma-"

"Teka sandali" umayos ako ng tayo ng maramdamang nag vibrate ang cellphone ko.

"Yes, babybabe?" Sagot ko dito.

"Asan ka?" Tanong ni taguro sa kabilang linya.

"I missed you too taguro"

"..."

"Nandito sa bahay nila nonna." May narinig akong sigaw sa kabilang linya kaya nailayo ko ang telephono.

"Tch, ano yun?" tanong ko. Mahabang katahimikan bago sumagot si taguro.

"Papunta na ko jan" sasagot pa sana ako ng bigla niyang patayin. Napakabastos talaga.

 BDMO•[HIH]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant