Chapter 3

1.1K 48 4
                                    

"So ito lang ang ginagawa mo? Naglalakad dito sa mall?" Tanong ni Saint sa kanya. Nasa moa na sila at inis parin siya dahil sumama ito.

"Alangan namang gumapang ako habang naglalakad sa mall duh." Pilosopo niyang sagot na ikinailing nito.

"Gutom ka naba?" He ask iiling na sana siya nang kumulo ang tiyan niya at alam niyang nadinig nito iyon dahil napangiti ito. "Gutom ka na nga." He said.

"Eh ano ngayon sayo?"

Napailing ito bago tumingin sa paligid. "Ayun." He said at sa gulat niya ay hinawakan nito ulit ang kamay niya. "Libre kita pero mcdo lang ha." Sabi nito.

Gusto man niyang umiling ay di niya magawa dahil naka focus lang ang mga mata niya sa kamay niyang hawak nito. Mainit ang palad nito at sakop na sakop ang kamay niya.

"Hanap ka nang upuan,  ako na ang oorder nang kakainin natin." Sabi nito bago siya binitawan.

She stood there and watch him instead of looking for a seat. Nang lumingon ito ay tinaasan niya ito nang kilay na ikinangiti nito bago umiling tsaka ito naglakad palapit sa kanya.

"Halika ka na nga. Sabay nalang tayong maghanap nang upuan. Sama nalang kita baka mawala ka pa." He said bago siya hinawakan sa kamay at hinila papila sa counter.

Hindi na siya pumalag dahil may mga taong napapasulyap sa kanila. Nang makaorder ito ay tsaka lang siya nito binitawan, at pinauna siya sa paghahanap nang mauupuan nila.

Nang makaupo ay ito mismo ang naglagay nang pagkain sa harap niya, hinimay din nito ang manok sa plato niya bago ito ngumiti at kumain. Bakit ba ito laging nakangit? Nakakainis ang ngiti nito.

Nakailang subo na ito nang mapansin nitong di siya kumakain.

"Kain na. Gutom ka na diba?" He ask.

Bumuntong hininga siya bago kumain narin. And the whole time they're eating ay tahimik lang silang dalawa. Tila nakikipagramdaman.

"May gusto ka pabang puntahan?" Tanong nito kaya napatingin siya sa relo na suot at napabuntong hininga.

"Umuwi ka na." She said bago kumuha nang isang libo sa wallet niya at inilagay ito sa mesa tsaka siya tumayo at walang paalam na umalis.

She wanna go to the seaside area. Alas syete na nang gabi ay mailaw na doon.

"Hoy sungit hintay."

Agad siyang napasinghap bago bumaling sa likod at nakita si Saint na tumatakbo palapit sa kanya. Nang huminto ito ay huminga muna ito nang malalim bago hinawakan ang kamay niya at lagay doon nang isang libong iniwan niya sa mesa.

"Libre ko ang hapunan natin. Tas oa ka isang libo para sa isang manok at kanin?" Sabi nito bago inayos ang suot na backpack. "So saan na tayo ngayon? And nope di pa ako uuwi hanggat di ka uuwi." Kaswal nitong sabi na para bang magkaibigan sila.

Napakurap siya bago ito inirapan tsaka siya tumalikod. Bahala na ito kung gusto siya nitong sundan.

Nang makarating sa seaside ay nagbayad agad siyang para makasakay nang Ferris wheel. When its her turn ay tiningnan niya ang likod niya bago pinagtaasan nang kilay si Saint tsaka siya nagsalita. "Sakay." She said na agad nitong sinunod.

They're just quite, hindi niya alam kung anong ginagawa nito pero siya ay nakatingin lang sa kawalan. This is what she always do. Ang tumingin sa kawalan.

"Beautiful but sad."

Napalingon siya kay Saint na nakangiting nakatingin sa kanya. "Did you say something?"

Umiling ito. "Wala."

Tinitigan muna niya ito nang sandali bago siya tumingin sa labas.

"Isla." Tawag nito pero di siya lumingon. "Dasal ko sa panginoon na kung ano man ang bumabagabag diyan sa puso at isip mo , ay sana di ka pabayaan ni Lord."

The heck? Is he praying? He is fcking praying base sa mga kamay nitong magkadaupang palad at nakapikit na mga mata.

And when he open his eyes and look at her ay agad siyang nag iwas ng tingin kasabay ng pakiramdam na pag iinit nang mukha.

Tangina?

Meant for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon