Kabanata 7

45.7K 2K 980
                                    

GREEN

Halos gumapang na ako pababa ng hagdan dahil sa sobrang antok. Madaling araw na akong natapos mag laro ng ML kagabi at halos tatlong oras lang ang tulog ko.

Linggo ngayon at wala akong ibang gagawin kung hindi ang humilata at mag laro.

Hindi pa rin nakakauwi sina mama kaya siguro hindi pa rin nila alam ang nangyari sa'kin.

Si Red naman, halos sya na lang parati ang usap-usapan sa QU.

Naghahasik ng kalandian ang kapatid ko.

Buti nga parati syang sinusupalpal ni ma'ameh.

Deserve nya yun.

Wala syang karapatang landiin si ma'ameh.

Ang nakakainis lang dahil halos lahat ng student sa QU ay trip na trip ako. Ano bang meron sa'kin ha?

Nung isang araw nga naglalakad lang naman ako sa building ng engineering ng biglang may pumatid sa'kin. Seryoso ba sila jan? Tapos nung tinanong ko kasalan ko raw kasi nakatingala ako habang nag lalakad.

Ang sama ng ugali.

Por que cute ako tapos sila hindi. Awts gege.

Tapos heto namang si Phaniah na panay ang utos sa'kin kapag nakikita nya ako. Ginawa akong alalay, kaya naman pagod na pagod ako isang buong linggo.

Mas gugustuhin ko na nga lang na huwag maging bless basta makaiwas lang kay Phaniah. Sumasama yata lalo ang ugali nya sa'kin. Mind you, girlfriend pa kuno yan ni blue pero kung tratuhin ako parang others.

To think na future sister-in-law nya ako tapos ginaganyan nya lang.

Wow.

Pasalamat sya maganda sya.

"What happened to you?" Inaantok na nag angat ako ng tingin kay Blue.

"Bluueeee." Para akong tangang kumapit sa braso nya at halos lumambitin na. Sabog na sabog pa ako, hindi lang utak kundi pati sarili ko.

Mukha akong nagahasa ni ma'ameh Turner, ehe.

"Did you play online games all night?" Pumukit ako dahil sa antok, naramdaman ko na lang na umangat ang mga paa ko at yakap yakap ko na sa leeg si Blue. Binuhat nya ako papuntang kusina.

"I'm soooo sleepy, Blue." Inilapag ako nito sa dining area bago pumuntang ref at kumuha ng fresh milk.

"Then you should have sleep more." Kumuha sya ng baso at pinunuan ito ng fresh milk bago ibinigay sa'kin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kapatid. Ngiting ngiti ako ng iabot nya sa'kin ang baso na puno ng gatas at agad itong ininom.

"What do you want to eat?"

"Kahit ano.." mabilis kong sagot. Uminom akong muli ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Phaniah na prenteng naka upo sa dining chair namin at pinag mamasdan ako ng mataman.

Halos maibuga ko ang iniinom na gatas.

May lumabas pa nga yata sa bibig ko, mabilis ko itong pinunasan gamit ang manggas ng pantulog ko na agad ko namang pinagsisihan.

Queen's little nerdWhere stories live. Discover now