Chapter 1: Prologue

31 4 0
                                    


Prologue:

Tayong lahat ay naghahanap ng "TRUE LOVE"
Ngunit saan nga ba natin Ito mahahanap?
Kung minsan,nasa harapan mo na pala siya,
Hindi mo pa nakikita...yun ay dahil nasa iba ang atensyon mo.

Pagpapakilala...

Henry Avierre..

Magandang-araw,ako nga pala si Henry...
Ang aking mga magulang ay mayayaman,makapang-yarihan,magaling sa negosyo...ibinibigay nila ang lahat ng gustuhin naming mag-kapatid...lahat na-ibigay nila...pero na lang ang pagmamahal ng magulang, maging masaya kasama ang pamilya...kung kailan kailangan namin sila...ang mga magulang namin...Doon naman sila wala...pero kapag may kailangan sila..sila mismo ang lumalapit sa amin...at kapag hiningan ka na nila ng pabor...kailangan mo iyong sundin...sa ayaw mo at sa ayaw mo...dahil wala ka namang pagpi-pilian at wala ka ring mapapala kahit na kontrahin mo man ang desisyon nila...ganun sila kahirap kalabanin..

Henry's P.O.V

"Sir!Sir!" Tawag sa akin ni Elaine,isa sa mga makukulit kong estudyante...
"Oh,Bakit?"
Tanong ko sa kaniya
"Sir!May asawa na raw po ba kayo?" Tanong niya sa akin
"Hahahaha,bakit mo naman naitanong yan ate?Mukha na ba akong may asawa?"
Tanong ko ulit sa kaniya
"Ah,hehe...hindi naman po sa ganoon,ano nga po ba Sir?" Sabi niya
"Wala pa akong asawa o kahit na nobya man lamang" simple kong sagot sa kaniya,habang naglalakad na ako palapit sa kaniyang upuan...(na nasa likurang bahagi ng classroom nila) dahil alam kong i-interogahin pa ako nito ng medyo...matagal..
"Weh?Hindi nga?Totoo ho ba iyan Sir?wala ho ba talaga kayong Girlfriend?" Tanong pa niya
...sinasabi ko na nga ba't magtatanong na naman ito nang magtatanong...
"Oo nga!ang kulet!Totoo iyon,wala pa akong nobya dahil hindi naman ako nagmamadali" sagot ko sa kaniya...

"Bakit naman?Beki kayo Sir?Huwag naman po sana!Mababawasan ang populasyon ng mga straight na gwapo!"
Nag-uusisang pahayag niya...

"Hindi.Ako.Bakla.Oh sige na tapusin mo na iyang sinusulat mo at malapit nang mag-time"
sabi ko na lang sa kaniya at naglakad ako ulit papuntang harapan para ayusin na ang mga gamit ko...pagkatapos ko rito sa klaseng ito ay wala na akong susunod na klase...nang mag-time na ay lumabas na ako at pumunta na nang filipino dept. para ayusin ang mga iiwanang kong mga gamit doon...pagkatapos ko roon ay umalis na ako..Naglalakad na ako palabas ng eskwelahan...nang biglang

"Sir!Umilag po kayo!"
Narinig kong sigaw ng isang estudyante...pagkalingon ko ay may isang bagay na tumilapon papuntang mukha ko....at hanggang sa nawalan na ako ng ulirat...

Fight For True LoveWhere stories live. Discover now