Chapter 6

683 16 0
                                    

Panibagong araw na naman ng trabaho ko ngayon. Pero kakaiba na sa resto kasi nandito na si Boss Charles, ang dati kong kababata. Akalain mo nga naman na sa tinagal tagal ng panahon ay magkikita pa pala kami. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin noon pero ngayon mukhang okay na din naman siya. Sana nga bumalik na ulit ang pagiging magkaibigan namin.

Simula nung nandito na si Charles sa resto ay nagiba na ang mga kilos at ugali ng mga tao. Ewan ko ba kung ang iba ay pakitang tao lamang oh sadyang nahawaan sila ng kabaitan ni Charles. Sabagay ay bata palang kami mabait na talaga siya. Ngayon nga lang ay napansin kong parang naging iba na talaga siya dahil madalas kasi na may kausap itong iba't ibang babae. Minsan nga ay dinadala niya pa sa opisina niya. Kaya ganun na lamang ang irita ni Ms. Lyra, siya yung lantaran na may gusto kay Charles.

"Huy par, pinapatawag ka nga pala ni Boss sa opisina niya" biglaang sambit ni Fred ng susuotin ko na sana ang helmet ko dahil may deliver ako ngayon.

"Ha eh mag dedeliver na ako eh" sabi ko na nagkakamot ng ulo.

"Saglit lang daw. Sige na at may deliver din ako" sabi niya at umalis na nga. Ba naman tong si Charles kita ng nasa trabaho. Ang dedeliveran ko pa naman ngayon ay yung napakasungit na matandang hukluban. Malate lang ng isang minuto eh tatalakan na ako. Pero syempre bilang isang mabuting manggagawa hindi ako pumapatol.

Wala na nga akong nagawa at bumalik na ulit sa loob. Kahit magkababata kami ay hindi ko naman pwedeng suwayin si Charles lalo pa't marami na din ang nagbago sa kanya.

Kumatok muna ako bago pumasok sa opisina niya.

"Boss pinapatawag mo raw ako?" Sabi ko ng makapasok na. Naabutan ko itong may kausap sa cellphone at mukhang may kalandian siya halata kasi sa mga ngiti nito.

Bigla namang nagbago ang ngiti niya. Ngiting ewan. Hindi na iyong parang nanlalandi.

"Yes Kassandra. Come sit here" sabi niya sabay turo sa upuan sa harap niya.

"Wag na po Boss. Ang totoo niyan may dedeliveran pa po kasi ako" magalang kong sabi dito.

Bigla namang nagbago ang itsura nito at naging seryoso. Napatikom naman ako ng bibig. Wala na akong nagawa kundi umupo na. Baka kasi sisantehin niya pa ako ng dahil lang sa hindi ko pag upo.

"Wag kana magalala sa dedeliveran mo. Kinausap ko na yun kanina at si Fred na ang magdedeliver. And please Kassandra, Charles nalang ang itawag mo sakin kapag tayong dalawa lang " bumalik ulit ang ngiti nito.

"Okay Boss este Charles. Pero napakasungit ng matandang yun." Sabi ko ng nagtataka.

"Don't worry. I already manage it" sabi niya sabay kindat sakin.

"Baliw!" Sabi ko tumayo sana ako para kutusan siya ng maalala ko nasa loob pala kami ng resto.

"Nga pala Charles bat mo pala ako pinatawag?"

"Oh that" sabi niya. Tumayo ito at may kinuha sa cabinet.

"Here" sabay abot niya sakin ng tatlong box na nakabalot.

"Para san to?" Kunot noo kong tanong dito.

"That's my gift for you, for Tophe, and for your mother" abot tenga ang ngiti niya. Agad ko namang binalik ang mga iyon

"Nako Charles wag na. Sobra sobra na yung mga regalong natanggap ko nung Christmas party. Hindi ko yan matatanggap" sumeryoso na naman ang mukha niya. Ibang iba na talaga si Charles ngayon. May awra na itong nagpapatiklop sakin ngayon.

"Just accept it. Wag mo naman sanang tanggihan." Lumungkot naman ang mukha niya. Nakonsenya naman ako kaya kinuha ko nalang ulit.

"Oo na. Kulit mo padin Charles. Salamat dito." Bumalik sa labi niya ang ngiti. Nginitian ko naman ito pabalik.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now