Chapter Fourteen

327 18 2
                                    


TAHIMIK na nakatanaw lang sa labas ng bintana si Rei sa loob ng kanyang silid. She had thought about what happened to her earlier and how she felt scared. Para bang bigla ay nag-alala siya sa kanyang buhay. If it had happened to her before she met Sebastian, wala siyang magiging pakialam kung mapapahamak siya. But now...sinulyapan niya ang kanyang braso na may benda. May anim na stitches doon at nararamdaman pa niya ang hapdi. Now, she's scared.

Is this how it feels to live? Is this how it feels to have someone she cares more than herself? Hindi na niya kailangang lingunin kung sino ang pumasok sa silid nang marinig niya ang pagbukas at pagsara niyon. Tumabi sa kanya ang binata.

"Are you sure you don't need to stay in the hospital?"

Umiling siya at tiningnan ito. Nasa mukha nito ang pag-aalala.

"Okay lang ako."

"I know that it's not the right time to ask you about this but..." his voice trailed off.

"Kung tama ako ng hinala, nagpaimbestiga na si Mamita tungkol sa akin. Obvious naman, eh, hindi ko binabanggit kahit na kanino ang nakaraan ko. Now that she knows, alam kong sooner or later, gagamitin niya 'yon laban sa 'kin. And Seb, ayokong maapektuhan ka dahil do'n."

Hindi ito sumagot at sinundan ng tingin ang dereksyon kung saan nakatutok ang kanyang mata—sa garden na tila kay payapa. Ito na nga marahil ang tamang panahon para malaman nito ang nakaraan niya na matagal niyang tinakasan.

"Seb, I have to tell you something. Bago mo pa malaman 'to mula kay Mamita."

Hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang braso saka siya ipinaharap dito. Parang may bikig ang kanyang lalamunan pero kailangan na niyang sabihin rito ang nakaraan niya.

"This is the first time I'm telling someone about this, ang akala ko ay si lola Edita ang una at huling taong makakaalam ng nakaraan ko." Mahina niyang wika na ang boses ay kababakasan ng kakaibang uri ng lungkot.

"Rei, don't force yourself."

"Pero gusto kong sa akin mo malaman ang totoo."

Huminga ito nang malalim saka tumango at hinintay siyang magsalita.

"I was abused growing up, Seb. Walang araw na hindi ako binubugbog ng tatay ko. At wala ring araw na hiniling ko na sana ay may ginawa manlang ang nanay ko. Dumating pa sa punto na, nakatulog na ako sa loob ng sako na itinali niya sa puno ng mangga. I was bleeding, hungry, and badly injured. Iyon ay noong nalaman niya na kumupit ako ng limang piso sa bulsa ng pantalon niya."

Sinikap niyang hindi maluha ngunit kay hirap sa dibdib na balikan ang masalimuot niyang nakaraan.

"You don't need to tell me about this right now..." alo nito sa kanya.

Umiling siya. "Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat."

Iniupo siya nito sa gilid ng kama at tumabi ito sa kanya. Matagal na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago siya muling magsalita.

"May kapatid ako, Seb, si Ate Mildred. She was very protective of me. Hindi niya hinahayaan na maiwan ako sa kubo na kasama ang tatay. Kahit na umakyat kami ng bundok para mangahoy, palagi niya akong sinasama. Kapag bigla na lang siyang tinatawag ng tatay habang nasa bundok kami, sinasabi niyang 'wag akong matakot at babalik siya. Kapag bumabalik naman siya ay palaging umiiyak. Napapatahan ko lang siya kapag niyayaya ko siyang maligo sa ilog."

Hinawakan ni Sebastian ang kamay niya. "Don't tell me that..."

Tumango siya, ang sakit-sakit sa dibdib ng kanyang mga naranasan. Hindi niya kailanman nagawang magkuwento kahit na kanino dahil natatakot siya sa maaaring panghuhusga na matatanggap niya. Not everybody will understand.

The Billionaire's Fake Wife (Completed)Where stories live. Discover now