PT. 21

71 33 0
                                    

This chapter contains a bit mature scenes. Please situate that before you read this chapter, you're open minded and 18years old above. Mature enough to not be ignorant.

-A

Wala sa sariling naigulo ni Hanz ang buhok niya dahil sa frustrasyon. Tiim bagang siyang nag iisip tungkol sa pagitan ng tama bang umuwi para tulongan si Manang Tess na asikasuhin ang dalaga o manatili at isakatuparan pa ang hinihinging kahilingan ni Elaine mula sa kanya?

Tatlong minuto na ang nakakararaan simula nung matapos ang usapan nila ng katulong. He's like, lakad doon at lakad dito. Nagtatalo ang isip niya.

Pagkatapos ay muling nag ring ang cellphone niya, it was not the maid, kundi ang body guard ng village. Si Manong Roger.

"Hello, Sir. Magandang gabi po, sana hindi ako nakakadisturbo sa inyu ngayon, si ma'am Elaine kase... Lasing at gustong lumabas ng village. Eh sa situwasyon niya po, hindi ko po siya mapapayagan baka mapano pa siya sa labas. Mag a-alas dose na rin. Pa pick up nalang po ng kaibigan niyo po, sir. Tumawag din kase ako sa bahay nila, tanging katulong lang po ang nandun ngayon... Hindi nga daw po kase nito kayang pigilan si Ma'am baka mawalan daw po siya ng trabaho." Mas lalo pa yata siyang namomoroblema, dahil sa pag report nito sa kanya.

Napahugot siya ng isang malalim na hininga bago inuudyok ang sarili na sagotin ito. "Sige po, papunta na po ako diyan."

"Okay sir."

IN THE MIDDLE OF THE NIGHT, wala na sa tamang huwisyo si Elaine. Tuloyan na ngang nilamon ng kalasingan at kahit ano-ano nalang ang kanyang mga sinasabi. Naiiling na nga lanh ang guwardiya sa kanya dahil may pagkakataon na sumasayaw siya, kumakanta. Tapos tatawa, then iiyak na parang sawi sa isang pag ibig. Sinigurado talaga ng guwardiya na hindi siya makakalabas, kahit na ito pa mismo ang nahihiya sa mga pinanggagawa niya.

Kahit kase gabi, may mga labas pasok pa rin na sasakyan sa village. Buti nalang at hindi na nito pinapansin si Elaine.

"Manong guard!" Pasuray-suray na tawag ni Elaine sa guwardiya. Naglalakad ito papalapit sa guwardiya.

"Ano po 'yun, ma'am?" Tiyaka naman tumigil si Elaine sa tapat nito at umikot.

"Mwaganda pow ba ako?" Sa isipan ni Elaine, naglalaro pa din doon ang mga imahe ng dalawang tao na nakita niyang nagkikiskisan ng mga balat kanina sa live. Dahilan ng pagpa-palasing niya.

"Oo naman, Ma'am. Isa po kayo sa mga magagandang babae na nakikita ko." Pagsabi ng totoo ng guwardiya sa naging tanong niya.

She smiled, and eventually laugh. "Gawnun po ba... Hehehe! Shalamawt!" Mukha kamong kinikilig at may pahawak-hawak pa siya sa tungki ng buhok niya.

Then her emotion changed, "Pero... Manong... Kapalit-palit ba ako?" Tapos naging emosyonal na naman.

"Naku, ma'am. Hindi po!"

"Eh, bakit ganun... Sinabi niyang mahal niya ako pero po..." Tapos suminghot-singhot siya at lumuha na nga ng tuloyan. "B-Bakit nasa p-piling s-siya... ng i-iba" Ang makita si Hanz na kasama si Skye kanina ay nakakapang-durog ng puso.

Hindi niya ma explain 'yung sakit ng pagka-loko. Sabi nito mahal siya nito. Pero bakit nito hinahawakan si Skye na kagaya ng paghawak nito sa kanya noon? Bakit kahit hindi sila pwede ay patuloy niya pa ring minamahal si Hanz? Naiinis siya sa sarili niya, dahil kahit siya mismo ay nalilito at hindi magawang maintindihan ang takbo ng isip at ng puso niya.

Napaupo siya sa kalsada, habang ang mga kamay ay nakahawak sa dibdib niya. Pinagsasasampal, kinukurot. Sobrang sakit ng ginawa ni Hanz sa kanya. Pinaniwala siya, at naniwala naman siya. Di'ba bongga? Isang bagsakan ang sakit.

SINFUL AFFINITY (completed)Where stories live. Discover now