PT. 27

78 26 0
                                    

Nang makauwi sa bahay niya si Elaine ay napapansin ng mga taong kasama niya sa bahay ang katahimikan niya. Usually, bumabati siya sa mga ito kapag nakauwi na sa bahay. Kakamustahin at tatanongin kung kamusta ang araw nila sa bahay habang wala siya.

Pero ngayon ay napakaiba. She's silent at diretso ang tungo sa kuwarto.

At dahil 'yun sa pinag-usapan nila ni Skye kanina habang nasa byahe at hinatid ito sa bahay nito. How could Hanz love her? That's insanity. Bakit naman daw siya maniniwala? Kung mahal nga siya nito, he should've treat her in a way na mararamdaman niyang mahal talaga siya nito.

Ni ilang linggo nan ga ba silang walang komunikasyon? Isa? Dalawa? No, it's already one month. Ni kahit sa simpleng tinginan nga ay hindi sila nagtatagal eh. At sa huli ay nagiiwasan lang without any word.

Sa bagay, di'ba 'yun naman ang gusto at ginusto niya? After all, ang nangyari sa kanilang dalawa ay mali na sa una pa lang. It was just a pure lust. Kung hindi rin dahil sa gabing 'yun... hindi pa sana 'yun masusundan. Simula kase nun ay hinahanap-hanap na niya.

Ugh, bakit na naman ba ganito siya mag-isip? Nagiging immature na naman siya. Can't she just dig and see better para magkaroon naman siya ng magandang dahilan?

Napabuntong hininga nalang siya bago pumasok sa kuwarto at itinapon ang bag sa swivel chair niya sa study. She even wore her uniform off shamelessly tiyaka ng makahubad ay agad na nagpakababad sa shower.

Maganda naman si Skye and why the hell he broke her up? Hindi kaya may punto ang sinabi sa kanya ni Skye kanina? Talaga bang hinahanap-hanap siya ni Hanz sa tuwing magkasama ito at si Skye?

O baka, dahil 'yun sa mga sinabi niya noon sa storage room?

"Damn! Stop thinking about him!" she hissed at makailang ulit na napapailing. Para lang maiwawala sa isip niya ang mga pinag-usapan nila ni Skye kanina.

Bakit naman siya maniniwala dito? Baka tinutulongan lang nito si Hanz na ayusin ang relasyon nila as friends at sa pamamaraan na 'yun ay naiisip ng mga ito na madadala siya.

Pwe, she isn't a fool para lokohin nila. At baka nga may hint na si Skye tungkol sa unrequited love na meron siya para kay Hanz at tini-take advantage 'yun?

But even she tried to forget, hindi pa rin niya mapipigil ang utak niya sa kakaisip. Hanggang sa natapos nalang siyang maligo at nakapagbihis na. Para nan ga yata siyang baliw, nakikipagtalo sa sarili niya.

At isa pa, she's mad at him dahil pinaparamdam ni Hanz sa kanya nung araw na 'yun sa eskwelahan na isa siyang bagay na basta-basta lang inaangkin. She felt so small and humiliated. Pakiramdam niya ay naiwawala niya pati ang dignidad niya bilang isang babae.

Pero sa kabila ng nangyari, hindi niya pa rin maipagkakaila na nagustohan niya ang ginawa nito. He even take the responsibility and chase her to the hospital. Tunay na nakakahiya ang situwasyon na 'yun at naririnig niya rin ang usapan nito at ang doctor. Para maitago ang pagkapahiya, she hid behind him at ito na mismo ang sumalo sa hiya na dapat siya ang sasalo.

From medicine and the effort to take care of her as done by him. He was genuinely silent while doing those. Pakiramddam ni Elaine ay natatakot rin itong kausapin siya. Subalit sa kabila rin ng pag-aaruga nito sa kanya ay walang araw na hindi niya ito binabato ng mga masasakit na salita. Pushing him to get himself away from her.

Does he really love her or siya lang talaga itong bulag at hindi na-appreciate ang ginagawa ng lalake sa kanya?

Hindi na niya talaga alam.

Ang magkasunod na katok mula sa labas ng kanyang pintuan ay siyang nag-agaw sa atensyon niya.

"Bukas 'yan." She said while she's in front of her vanity table. Drying her wet hair.

SINFUL AFFINITY (completed)Where stories live. Discover now