Chapter Twenty-Seven

45 0 0
                                    

Sam

Were here sa Australia at last country na ng world tour nila Mia bago sila bumalik ng US.

"Ash, gutom na ako" I said habang nakaupo dito sa sofa sa tinutuluyan namin.

"Mag-antay ka, kung hindi ka maharot kagabi hindi tayo tatanghaliin ng gising" Masungit na sabi n'ya sa akin habang nagluluto ng almusal namin.

"Yeah she is right, napaka ingay mo kagabi Sam" Dagdag ni Mia na nasa tabi ko at gutom na rin.

"I'll help you na kasi sa pagluluto" Protesta ko sakanya.

"Nope, ni hindi ka nga makatayo kanina, not gonna happen" I sigh in defeat, well totoo naman, nanghihina ang mga tuhod ko kaninang umaga dahil nahulog ako sa kama kagabi sa kakulitan ko.

"So ano na plano mo Mia, patapos na world tour n'yo" Tanong ko sakanya.

"Papahinga muna kami, three months rest muna. Pero for me its not a rest, I have new endorsements and photoshoots that I have to attend to" Tumango naman ako sakanya.

"Oo nga pala, Abby and Marie will fly here sa Australia, dito sila magpapakasal. So anytime this month darating na sila" Yes, ikakasal na ang best friend ko sa mahal n'ya. I'm just so happy for her, finally after all the on and off status nila sila pa rin hanggang dulo.

"Oh shoot! I need to tell that to my manager, I forgot their wedding!" Naiinis na sabi ni Mia at tumayo na nagtungo sa kwarto n'ya.

After breakfast umalis na si Mia, magrerehearse na naman sila for the show tonight. Kaya naman kaming dalawa lang na naman ni Ashley ang naiwan dito.

"Ash, I'm going out, maglalakad lakad, sama ka?" Umiling lang s'ya sa akin habang nakatitig sa TV, nanonood na naman s'ya.

Hinayaan ko na s'ya at ayaw na ayaw n'yang naiistorbo kapag ganyan s'ya na nanonood ng paborito n'yang palabas.

Kinuha ko ang hoodie ko, wallet, headphones at cellphone ko.

Tamad ako maglakad sa totoo lang. Pero isa ito sa mga naging escape ko kapag malungkot ako, kapag nalulunod ako sa mga nasa isip ko. Kapag naiisip ko si Pia.

First year na umalis kami sa Pinas ay sobrang naging mahirap sa akin, lalo na kay Ashley at Mia.

Madalas nila akong madatnan na lasing na lasing sa bahay namin, muntik na rin akong maaksidente sa gaguhan ko. Lasing na lasing ako, at tumawid ako on a green light, mabuti na lang at hindi ako nabangga. Ashley and Mia is fuming mad at me at that time. Kung pwede lang nila akong patayin that time ginawa na nila.

I am so thankful kay Ashley, she never left. She would go to me right away kahit na may trabaho s'ya, kahit sobrang busy n'ya sa meetings and all. There is a time pa nga muntik na mawala ang trabaho n'ya sakanya dahil sa akin.

Kahit si Mia, she sometimes ditch her rehearsals or go straight home just to take care of me. Hindi ko nga alam kung paanong nakayanan ng atay ko ang tatlong buwan na puro alak lang ang iniinom ko, parang naging tubig ko na ang alak.

Pinuntahan pa ako ni mom sa US just to scold me, and what she told me really changes everything.

Flashback...

Napakasakit ng ulo ko, galing ako sa inuman kagabi at hindi ko na alam paano ako nakauwi o anong oras ako nakauwi.

Babangon na ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa nito ang nanay ko.

"Mom? Anong ginagawa n'yo dito?" Gulat na tanong ko sakanya.

Hindi n'ya ako pinansin, pumasok lang s'ya na may dalang pagkain at nilapag ito sa kama.

Tangled HeartsWhere stories live. Discover now