LOL 6 ▶ The most

147 30 2
                                    

~ALEXA FAITH~

"Goodbye Alexa" sabi ng lalaki sa harap ko

Pilit ko siyang tinitignan pero malabo talaga. Hindi ko siya makita at hindi ko din siya makilala.

"Alexa..." sabi ulit niya

"Sino kaba?" tanong ko pero ang sagot niya lang ay 'sorry' at umalis na

Hinabol ko siya.

"Oy Faith!"

Malayo na siya sa'kin pero pilit ko pa din siyang hinahabol.

"Isa! Hahalikan talaga kita!"

"Sandali lang!" sigaw ko at huminto naman siya "Sino kaba?" tanong ko ulit

"Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi ka pa nagising, hahalikan na talaga kita!"

"Umalis kana" sabi niya at parang nakaramdam ako ng awa sa boses niya

"Isa!"

"Sasamahan kita" sabi ko naman

"Dalawa!"

"Hindi pwede" sabi niya at tuluyan na siyang nawala

Bigla nalang akong nagising. Malabo pa yung paningin ko at hindi ko alam kung nasan ako.

"Tatlo" sigaw ng kung sino man

Tatayo na sana ako sa pagkakahiga pero nagulat nalang ako ng may impakto na papalapit sa mukha ko.

Kaya ginamit ko yung buong lakas ko para lang masapak yung mukha ng impaktong epal na 'to.

"Aray ang sakit ha!" reklamo niya habang hawak yung mukha niya. Sino pa bang pinaka-epal sa mundo? Si Zac lang naman eh

"Manyak" sabi ko sa kanya

"Ang tagal mong gumising eh! Akala ko napatay na kita!" sabi niya pero inirapan ko lang siya

Ako mamamatay? Baka unahin ko pa siya.

"Sabi ko na nga ba effective yung pabilang-bilang ko ng tatlo eh. Pero sayang, sana hindi ka muna gumising para na-kiss man lang kita" sabi niya at nagpout pa kaya napabangon naman agad ako at bigla bigla nalang sumakit yung ulo ko

"Ok ka lang? Ayan, magpaulan ka pa ha" sabi ni epal habang nakaakbay sa'kin at inaalalayan akong umupo.

Nasa clinic ng school pala ako. Ngayon ko lang napansin.

"Bitaw!" sabi ko kaya bumitaw naman siya. Dapat lang noh.

"Sorry po Madam. Ikaw na nga po inaalalayan, ikaw pa po galit Madam. Sorry po ulit ha...Madam" ok, naiinis na talaga ako. Onting onti nalang, papatayin ko na 'tong lalaking 'to

"Shut-up!" madiin na sabi ko kaya napahawak na naman ako sa ulo ka na sumakit bigla

Inalalayan na naman ako ni epal, pero inalis ko agad yung kamay niya.

Bigla nalang pumasok yung nurse na ngayon ko lang napansin na kanina pa pala wala dito.

"Ms. Adriano, sumasakit ba yung ulo mo?" tanong niya

Ayy hindi, yung tuhod ko talaga yung masakit. Nakahawak kasi ako sa ulo ko kaya yung tuhod ko yung masakit. Hay nako!

"Ms.Adriano?" tanong ulit nung nurse at tumango naman ako

"May high fever ka. Masyado ka palang fragile. Madali kang magkasakit. Tsaka kaya pala sumasakit yung ulo mo kasi hindi ka agad uminom ng gamot tsaka nabinat ka din. Sana hindi ka nalang muna pumasok"

Living On LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora