LOL 29 ▶ Heart beats fast (2)

96 24 10
                                    

~ALEXA FAITH~

Badtrip si Zac! Nambwiset na, nanghalik pa! Sa lips pa!!!!! @#$@%#$!!!

Pero bakit, biglang bumilis yung tibok ng puso ko? As in mabilis talaga!!!! Oh my.

Ngayon ko nalang ulit naramdaman yun.

Ganitong-ganito din yung naramdaman ko nung nagustuhan ko si Stephen.

So...it...means...no way! Hindi! Erase!

Tsaka, ngayon ko lang napansin. Masyado ko ng pinanghahawakan yung promise niya sa'kin. Yung promise niya na hindi niya ako iiwan.

Pero ano bang meron kami, para hindi niya ko iwan? Wala naman diba?

Tsaka masyado niya ng binibigyan ng kulay yung buhay ko na dapat ay si Stephen yung gumagawa.

Yung dating ako, onti-onti ng bumabalik ulit.

Ano ng nangyayari sa'kin?

"Ma'am, may bisita po kayo" sigaw nung maid na nasa labas ng pintuan ng kwarto ko

"Sino?" tanong ko

"Zac daw po"

At eto na naman yung puso ko. Ang bilis na naman.

Naalala ko na magpapractice pa pala kami.

Tsaka ayokong isipin niya na pabebe ako dahil lang sa paghalik niya.

"S-sige, pababa na" ba't ako nauutal?

Lalabas na sana ako, pero dinala ako ng paa ko sa salamin.

Bakit ako nako-conscious?

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago lumabas ng kwarto.

Nakita ko siya na nakatayo sa sala.

Bigla ko na namang napigilan yung paghinga ko gaya nung unang araw na nakita ko siya. Yun yung araw na naweirduhan ako sa sarili ko.

"Sorry na Faith" sabi niya pagbaba ko

"Uhm...sige...ano...ok lang. Tara sa music room nalang tayo" sabi ko pero hindi ko siya tinitignan sa mata

Naiilang naba 'ko?

Pumunta na kami sa music room.

Halos hindi ko makanta yung pinapractice namin kasi saktong-sakto yung lyrics sa'kin. Nasasapul ako.

"Faith, nakakailang ulit na tayo" seryosong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya...Pero umiwas ako bigla

"Sige aayusin ko na" sagot ko

Nagpiano na ko, at nanginginig yung kamay ko na napansin ata ni Zac.

"Ok ka lang Faith? May problema ba?" nagaalalang tanong niya

"Ah...eh...iinom lang ako" sabi ko at lumabas muna

Ano'ng nangyayari sa'kin?

Uminom muna ako ng tubig, yung malamig na malamig dahil feeling ko sobrang init.

Ano'ng ginagawa mo sa'kin Zac?

Pagbalik ko, inipon ko lahat ng lakas ng loob ko. Hindi ko pinakita na sobrang naiilang ako sa kanya ngayon.

Hanggang sa natapos na namin ng maayos yung kakantahin namin.

"Ang galing mo mag-piano Faith! Tapos ang galing mo pa kumanta!" sabi ni Zac

"Ah eh, thanks" sabi ko nalang pero hindi tumitingin

Ang tagal niyang hindi nagsasalita kaya napatingin ako sa kanya at sakto nakatingin din siya sa'kin.

"B-bakit?" naiilang na tanong ko

Masama yung tingin niya sa'kin kaya kada abante niya ay umaatras ako.

"Hoy Zac!" sigaw ko pero lumalakad pa din siya papunta sa'kin

Aabante siya....

Aatras ako...

Abante...

Atras...Lunok...

Abante...

Atras--teka, hindi na ako makaatras.

Inilagay ni Zac yung dalawang kamay niya sa gilid ko kaya nakulong ako.

Todo titig naman siya sa'kin kaya napapalunok ako.

"Faith..." panimula niya

"B-bakit?" nauutal na tanong ko

"Natatakot kaba sa'kin?" tanong niya pero hindi ako sumasagot

Medyo nilapit niya yung mukha niya sa'kin kaya nararamdaman ko yung paghinga niya.

Yung puso ko gusto na kumawala!

"Natatakot ka eh. Asan na yung dating Faith na matapang?"

"Tigilan mo nga ko! Hindi ako n-natatakot noh!" sigaw ko at sinubukang umalis pero mas inilapit niya pa yung mukha niya na konting galaw ko matutuka niya na ko!

"Naiilang kana ba sa'kin Faith?" tanong niya with seductive tone "Naiilang kaba dahil kiniss kita kanina? Gusto mo isa pa?" tanong niya ulit kaya nagsitayuan lahat ng balahibo ko

Lalapit na siya kaya bigla nalang akong pumikit ng maigi. Wala naman na 'kong magagawa.

"Hahahahaha!" rinig kong tawa niya kaya napadilat ako "Hahahaha! Nakakatawa yung itsura mo Faith. Kung alam mo lang! Hahahaha!" sabi niya ulit kaya pinaghahampas ko siya, yung solid!

"Hahahaha! Tama na, tama na" sabi niya at hinawakan yung magkabila kong kamay "Pinagtritripan lang kita eh. Tska tama na nga, magpapractice na tayo ng model mo"

Inirapan ko nalang siya at bumitaw sa pagkakahawak niya.

Sinunod ko naman yung mga pinapagawa niya.

Yung chin up.

Chest out.

Stomach in.

Straight body.

Pati na din yung maglalakad sa linya para daw maganda yung paglakad.

Yung, may libro sa ulo.

Etc. Etc.

"Ayos na Faith, may kulang na lang" sabi niya

"Ano?" tanong ko

"You need to smile" sabi niya

"Kailangan pa ba nun?" tanong ko

"Yup. Kung gusto mong manalo, dapat lagi kang ngumiti. Kahit fake lang"

"Ok. I will try"

"Don't try, do it"

____________________________________

A/N:

Waaah! Nag-kiss na talaga sila! Ehmehgesh!

Next chapter ay yung contest na kaya basahin niyo ha!

May idea naba kayo para sa kakantahin nila? May mga clue na nga ako eh. Hulaan niyo nga.

Btw, salamat sa mga tumulong sa'kin na mamili ng kanta. Mwuah mwuah!

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Happy Reading! ;)

Leave COMMENTS!

VOTE & SHARE!♥

LOL ツ

Living On LoveWhere stories live. Discover now