3

790 43 2
                                    

luca pov

lawrence, lorenzo kayo na bahala dito sa bahay ah, aalis na ako nasa taas lamang ng ref ang baon nyoo para mamaya............. ani ko sa kanila

opo kuya!.............balik na sigaw ni lorenzo, tuluyan na akong umalis ng bahay dahil maaga pa akong papasok at 6 am na mamayang 7 am ang start ng pasok ko dahil pang umaga ang shedule na meron ako

ang mga kapatid ko naman ay mamayang 8 am pa ang pasok nila, sasakay lang naman sila sa tricycle papunta sa school nila, mag luluto nalang sila ng baon nila dahil mas nabubusog sila doon

sumakay na ako sa tricycle at sinabi na ihatid ako sa terminal ng mga bus

kung noon ay jeepney ang sinasakyan ngayon ay mini bus sya na maliit na naka aircon, meron pa kaseng bus na malaki ehh para sa mga byaheng papuntang probinsya yon

ilang minuto lang ay dumating na kami sa distinasyon na aking sinabi, pag kababa ko agad akong nag bayad kay kuya driver bago sumakay  sa bus

umupo ako sa pinaka unahan dahil malapit yung aircon dito, lahat naman sa loob na ito at may aircon na nakapaligid pero sa akin gusto ko malapit sa akin

nag bayad na ako kay kuya ng pamasahe ko at sinabi kung saan ako baba, nag bigay sya ng ticket sa akin bago ako lagpasan nito



minutes past.............

huminto na ang sinasakyan kong bus sa tapat ng mall at agad akong umakyat sa overpass patungo sa mall


ng makarating na ako sa shop, agad akong nag tungo sa loob ng locker room namin, binuksan ko ito at agad na kinuha ang aking uniporme sa loob at nilagay doon ang aking mga gamit

matapos kong mag bihis sa banyo namin dito ay lumabas na ako at inayos ang aking sarili bago nag tungo sa aking puwesto

nakita ko na agad sila jessica na inaayos ang mga nagulong produkto doon sa shelves habang ako naman ay lumapit na sa aking puwesto at nag simula na ang aking saking trabaho



ngiti doon..........

ngiti dito..............

paliwanag sa ganito..................

ngiti doon.............

ngiti dito.......

paliwanag sa ganito.......

paulit ulit lang ang aking ginagawa dahil yun naman talaga ang aking ginagawa

lumipas ang  anim na oras na ganun ang nangyari at sa wakas ay makakauwi na ulit, si adeline naman ang kapalitan ko sila naman yung mga pang gabi habang kami ay pang umaga

bumalik na ako sa locker room namin habang kasama ang iba, nag tungo na ako sa banyo para mag palit ng damit at para makauwi na din




.............bahay..............

agad kong inayos ang aking sarili pag  kauwi ko, nag luto na ako ng tanghalian dahil alam kong pauwi na din sila lorenzo galing school

nag luto lang ako ngayon ng adobo dahil ito lang naman ang mabilis lutuin at nilatag na sa mesa ang mga gagamitin naming kagamitan sa pagkain

dahil mamaya ay aalis din ako at pupunta sa warehouse ni sir talia para mag trabaho sa online bussiness nya sa cosmetics

nakita ko sila lawrence na pumasok dito sa kusina namin, agad silang umupo kaya ganun din ang ginawa ko at nag simula na kaming kumain

kamusta na?..........tanong ko sa kanila habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain

ok naman kuya, medyo napagod lang kami sa practice kanina sa basketball.............ani sa akin ni lawrence habang si lorenzo naman tuloy lang sa pag kain

ganun ba, sige pag katapos nito ay mag pahinga na kayo.............ani ko sa kanila, tumango nalang sila at tumuloy na sa pag kain


hanggang sa matapos ang aming tanghalian, pumunta na sila sa aming kuwarto para doon mag pahinga dahil alam kong napagod sila sa kanilang ginawa sa school

agad kong inayos ang mga pinag kainan namin at nilinisan ito bago ilagay sa mga lalagan nito


matapos kong gawin ang lahat nag tungo na ako sa maliit namin sala at nanood muna sa aming telebisyon habang nag papahinga at makabawi ng lakas mamaya dahil alam kong mapapagod ako mamaya





3 hours later.........................



tinignan ko ang oras at sakto lamang para ako'y mag handa sa aking pag alis, nag tungo na ako sa aming kuwarto at nakita ko ang aking mga katapid na mahimbing natutulog suot ang kanilang pambahay


nag tungo na ako sa aking kabinet at kumuha ng aking susuotin sa aking pag alis papuntang trabaho

ganito ang routine ko tuwing lunes at wednsesday pero araw araw akong may pasok sa shop ni sir talia, lunes at wednesday lang ako may pasok doon sa warehouse ni sir

matapos kong maligo at mag handa ng mga gamit ko agad akong umalis at hindi na nakapag paalam sa aking mga kapatid, ayaw ko silang gisingin s mahimbing nilang tulog




habang sakay na ako ngayon ng bus, narinig ko ang aking selpon na tumunog kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignan kung sino ang tumawag

sinagot ko na ito at tinapat sa aking tenga

hello po, sino sila?- ako

anak- sa kabilang linya

natigilan ako at biglang pinatay ang tawag, agad kong inioff ang selpon ko at binalik ito sa aking bulsa

hindi ako puwedeng magkamali, sa anim na taon na lumipas ngayon lang sya mag paparamdam, bakit iniwan na ba sya ng asawa nya???

bakit kapa nag paramdam??? papa..........












pag kadating ko sa warehouse ni sir talia, nakita ko ang mahabang pila mula sa labas ng malaking gate, grabe sampong metro ang haba

sinalubong ko si kuya berto na isa sa mga guard ng warehouse na ito

ikaw pala luca, pasok kana.......aniya sa akin tumango naman ako sa kanya

bakit ang daming nakapila sa labas kuya berto?.............tanong ko sa kanya

ahh ayan ba, nag pakuha ulit si sir talia ng mga empleyado dahil nag kukulang na daw kaya kailangan na....................sagot nya sa akin hindi na ako sumagot at tumango na lamang bago pumasok sa loob


pumunta na agad ako sa puwesto, nakasalubong ko pa sila gerome at albert na katabi ko lang ng puwesto

sa trabaho ko kase ay puwedeng iisa lang tulad ng una kong pasok nasa shop ako pero inalok kami ni sir france na puwede kaming mag half kaya piniliko yung half para dagdag ng seldo, meron din naman sa  shop lang o kaya dito sa warehouse mag tatrabaho tulad nila gerome at albert

nandito na pala si ms luca!!.............pag paparinig ni gerome, napailing nalang ako dahil na sisimula na naman syang asarin ako

anong ms ka djan lalaki po ako............ani ko sa kanya, tinawan lang nila akong dalawa

na merong pusong mamon.............dugtong ni albert na kinasang ayon naman ni gerom natawa nalang ako sa kanila at nag paalam na pupunta sa office para kumuha ng papel kung saan nakalagay ang mga order

pag pasok ko sa loob ng office nakita ko si sir france na merong hawak na phone meron siguro syang kausap, lumapit na ako sa isang babae na busy sa kanyang ginagawa

excuse me po mam, kukuhain ko na sana po yung mga papel po ng order?...........ani ko sa kanya, binigay nya sa akin yung mga papel na hindi ko na mabilang sa dami


pag kaabot nya agad akong napasalamat at nag paalam na, bubuksan ko na sana yung pinto na maunahan ako ng kung sino, sa pag kabigla nahulog ko yung ibang papel sa sahig

natigilan ako habang nakatingin sa matangkad na lalaki sa aking harapan, grabe yung titig nya piling ko tagos sa aking puso



nice to meet you ,  mi esposa..........................

tbc

You rape me! Mr. possessive man ( COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon