Chapter 46: JS prom

398K 8.6K 367
                                    

Chapter 46: JS prom

--

"ano hindi ka na pupunta sa JS natin mamaya?!" lakas naman ng boses neto ni sarah, ang aga aga eh. Nakaka bingi eh

"oo nga.. wala na ko gana, wala din naman si miggy mamaya eh! hayss.."

"alam mo ang gaga mo eh nuh? ako pinilit mo pumunta tas ikaw hindi na pupunta?"

"tse! kahit hindi kita pilitin pupunta ka pa din naman kasi okey na kayo ni kevin.. alam niyo mga bakla, buo na yung desisyon ko eh.. hindi na talaga ako pupunta.."

"hay nako! bahala ka! sayang naman last na nating JS to eh!"

"alam ko pero wala eh, hindi din ako magiging masaya dun mamaya.."

"alam mo apple hayaan mo na lang si tin, sige na tin pumunta ka na kala miggy, alam naman naming nag mamadali ka ng pumunta dun eh.."

"haha! buti naman nakahalata na kayo! sige na ha bye!"

"ingat bakla! i kamusta mo na lang kami kay pudge mo!!"

Hays.. sa totoo lang gusto ko naman talaga pumunta sa JS eh, syempre last na kaya yun. Kaso kung mamalasin naman, ngayon pa nag kasakit si miggy, pinipilit nga niya na pumunta kami mamaya pero advise ng doctor niya na mag pahinga lang siya sa bahay. Ayoko naman na pumunta dun na wala siya.. ayoko na ma feel bad siya, ako nag sasaya dun tapos siya nag iisa sa condo may sakit di ba? ang malas naman, sa condo na lang niya ko mag JJS! haha!!

"pudge?" pumasok agad ako sa condo niya, may susi naman ako eh.

"miggy? andito ka ba?"

Pumasok ako sa kwarto niya nakita ko natutulog siya. Buti na lang nag dala ako ng lugaw, iinom na pala siya ng gamot mamaya.

"pudge, gising ka muna.. nag dala ako ng lugaw oh.." nilagay ko sa tray yung lugaw, tubig tska yung gamot niya.

"tin? bakit andito ka, hindi ka ba papasok?"

"okey lang nag excuse na ko kay mam.. aalagaan na lang kita dito, tumayo ka na, kain ka na oh, para maka inum ka na ng gamot.." umupo siya tapos naka tingin lang siya sakin, luh? anyare? "oh bakit?"

"hindi ko na kelangan ng gamot, andyan ka na eh!" ehh nu ba yan! aga aga naman.

"haha! kaya nga mag pagaling ka na! para maka punta tayong JS mamaya!"

"kung pwede nga lang sana eh.. okey lang pupunta ka naman dun mamaya eh.." ay mali ata yung nasabi ko! amp naman!

"ahh hindi hindi.. hindi na ko pupunta.. dito na lang ako mamaya, ice ba yun? haha.."

"tin... gusto ko pumunta ka mamaya, last na JS mo na yun eh, gusto ko naman maramdaman mo yun kahit wala ako dun eh, dont worry okey lang ako dito.. isa pa may tiwala naman ako sayo eh.. tska ang tagal mo na kayang sinasabi sakin na pnagarap mong maging Prom Queen di ba?" Oo yun talaga yung pangarap ko matagal na.. hays alam mo miggy kung selfish lang ako gagawin ko talaga yun kaso hindi eh. kaya ko i sacrifice yung pangarap ko na yun para lang sayo.

"alam mo pudge, nag JS na naman ako last year kaya okey lang ako dito.. isa pa hindi naman ako magiging masaya dun kasi wala ka.. okey? kaya dito na me.. yung prom queen? wala na yun nuh! tska hindi din ako mananalo dun! ahaha!" nakita kong nalungkot siya sa sinabi ko. Hindi pala ako magaling na artista :-(

"kapag hindi ka pumunta.. makokonsensya ako.. kaya please pumunta ka na mamaya pudge? alam ko mag eenjoy ka dun kahit wala ako.. magiging prom queen ka pa kaya! di ba?"

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon