Chapter 18: kiss under the rain

550K 12.8K 2.4K
                                    

Chapter 18: 

kiss under the rain

 

--

"oh bakit naka ang asim ng mukha mo ang aga aga eh?"

"ah wala naman alyssa..." sa totoo lang meron talaga. hays

"hoy flat! wag ka na nga mag sinungaling, yung mukha mo parang pasan mo yung langit at lupa eh, ano ba problema mo ha?" epal talaga to si dante, sabi ng wag flat itawag sakin, na aalala ko lang si miggy eh. hays

"eh kasi si mama at papa gusto makilala yung boyfriend ko eh.."

"oh yun naman pala eh? eh di ipakilala mo si miggy" biglang tumingin sakin si alyssa parang gulat na gulat siya sa narinig niya. "si miggy boyfriend mo?!" bakit kaya parang gulat na gulat to si alyssa?

"ha? ah oo bakit alyssa? masama ba maging boyfriend ko si miggy?"

"ah hindi nuh, wala yun tin.. hehe" ngumiti siya kaso parang iba yung ngiti niya, hindi ko naman maipaliwanag kung ano yun.

biglang dumating yung teacher namin kaya nanahimik na kaming tatlo nila dante, masungit daw kasi tong bagong teacher eh. sabi ni Ms. Cruz dapat daw ma impress ko yung mga teachers dito sa Don mariano. Sus kung ako lang ayoko nga, ano nag papakahirap dito tapos sila nag papakasarap dun? kaso iniisip ko baka mamaya maganda yung performance dun ni maureen, matalo pa niya ko. Ewan ko ba naiinis ako sakanya! hindi naman ako insecure dun eh, hmm siguro  nagseselos lang ako. Tapos lagi pa sila mag kasama ni miggy ngayon. huhuhu T___T selos much.

"okey class dismiss.." hala dismiss na pala, ano ba yan kakaisip ko kay miggy at maureen, hindi ko na napansin yung oras. badtrip nawawala na ata ako sa sarili ko. Lintek kang bakulaw ka, kasalanan mo to eh!

"oh tin tara punta tayo kala miggy, sa school nyo.. di ba papakilala mo siya sa parents mo? sasamahan ka namin ni baby.." hala siya oh! sasamahan pa talaga ako, tska sinong baby?

"baby? may boyfriend ka alyssa?" 

"oo si dante.." NGANGA. si dante?? bakit naman ganon hindi halata na sila? hindi sila sweet eh. kaya pala nasabi ni dante na mas lalaki pa sakanya yung girlfriend niya, si alyssa pala yun, kahit maganda si alyssa para siyang lalaki kumilos eh.

"ay mali pala tin, ex-boyfriend na lang pala.. hehe" ay ex na lang pala, adik to si alyssa. tinignan ko yung mukha ni dante, bigla siyang sumimangot. haha ang cute naman niya kapag ganun.

"tsss. tara na nga, pupuntahan ko din dun si ate..." naglakad si dante sa harap namin, parang galit na ewan, lakas din maka mood swings ah? sumunod na nga lang kami ni alyssa sa kanya..

habang naglalakad kami ni alyssa sinusundan si dante, na kwento niya sakin na nag dodota din pala siya, nagulat ako at the same time humanga, ang galing kasi eh, astig! babae siya pero marunong siya mag dota. matagal na pala sila mag totropa nila miggy maureen tapos minsan nakaka sama nila si kuya at kevin. Nabuwag lang daw yung tropa nila nung nag away si miggy at kevin. Tanong siya ng tanong sakin kung anong klase daw bang boyfriend si miggy, syempre kahit ganto kami ni miggy puro positive mga sinabi ko about him.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon