Chapter 13

2.4K 103 312
                                    

italic = flashback

RYUJIN

"So, you mean, you started of with being bed buddies?" tanong ni Lia.

Nandito ako ngayon sa condo niya e. Tambay daw kami at marami raw akong utang na kwento.

Syempre, kinwento ko sa kanya. Sinabi ko na rin na nagsimula lahat noong may nangyari sa'min ni Yeji noong party niya.

Pero syempre, nagpaalam naman ako kay Yeji. Tinanong ko muna siya kung pwede ko bang ikwento kay Lia, at sabi niya, wala naman daw siyang nakikitang problema doon.

Tsaka alam naman ni Lia buong buhay ko. Ganun kami ka-open sa isa't isa e.

Two weeks na rin mula noong umamin ako kay Yeji. 

Wala naman din gaanong nagbago sa'min. Tumatambay pa rin ako sa condo niya kapag free kaming dalawa o kahit hindi. Doon na kasi ako gumagawa ng mga projects ko sa school sa condo niya.

Ang pagkakaiba lang siguro, hindi kami nagsex ever since umamin ako.

Pero mas naging intimate ata.

Puro kami cuddle.

Naging sobrang clingy sa'kin si Yeji at ganun din ako sa kanya. Well, naghahalikan kami, pero hindi aabot sa sex. Puro lambing lang.

"Pwede mo naman sabihing fuck buddies," sagot ko kay Lia at tumawa.

"When did you realize na you like her na?"

"I think naattract na ako sa kanya noong una pa lang," sabi ko. "Lumalim lang 'yung nararamdaman ko nung naging friends kami."

"..na nagsesex," dugtong ni Lia sa mga salita ko. "Pero it's actually so new?"

"Ang alin?"

"Wala, I know her and naging close kami noong freshmen years pa lang, and alam ko rin sino mga nakalalandian niya," sabi ni Lia at nagkibit balikat. "Though she really find girls amazing and attractive, sabi niya sa'kin na hindi raw talaga niya makita sarili niya na mafall sa babae romantically. Ano ba sabi niya sa'yo? Did she tell you na she likes you too?"

"Hindi.." sabi ko. "..pa? Ewan ko. Naguguluhan din siya sa nararamdaman niya. Hindi niya raw alam kung like niya ako romantically."

"Pero you still hangout na kayo lang?"

"Oo," sagot ko. "Tambay sa condo tapos-"

"-Tapos sex?" singit ni Lia at binatukan ko naman siya. Pasmado bibig e.

"Tingin mo sa'min? Araw-araw nagsesex?" sigaw ko sa kanya. "'Di pa namin ulit 'yan ginawa mula nung umamin ako. Pero mas naging clingy siya, ganun."

"Ah, mukhang gusto ka na rin niyan."

"'Di tayo sure," sabi ko. "Pero sana nga."

"Parang you're ready to risk it all sa kanya ah," pangaasar ni Lia. "Kaya pala hindi na nagpareto kay Aaron."

"'Di ako pumayag e," pagmamayabang ko. 

"Sus, wala namang label." sabi ni Lia at sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang!"

"Kanina pa pasmado bibig mo ah!" sigaw ko sa kanya. "Aalis na pala ako."

"Aga pa ah," sabi ni Lia sa'kin. 

"May date kami," sabi ko at tumayo na para ayusin ang mga gamit ko. 

"Saan?"

"Sa mall lang," sabi ko at ngumiti. "Gusto niya mag arcade e." 

"Wow, arcade. Please lang 'wag gumawa ng kung ano-ano sa arcade," pagbabanta ni Lia.

"Parang gago!" sigaw ko. "Linisin mo nga 'yang utak mo!"

Alone, Together | RyejiWhere stories live. Discover now