RYUJIN
Hindi ako nakasagot agad at tinitigan lang siya nang matagal. Baka kasi jinojoke time ako nito.
"But if-" Magsasalit na sana siya kaso inunahan ko.
"Seryoso ka?" tanong ko.
Hindi ko naman kasi ineexpect na itatanong niya 'to. Kahit naman mahigit isang buwan na kaming exclusive sa isa't isa, hindi naman ako nagmamadaling lagyan ng label kasi baka nga hindi pa okay sa kanya.
Umirap siya. "Do I look like I'm joking? Kung ayaw mo, edi-"
"Seryoso ako nung tinanong ko if seryoso ka," sagot ko sa kanya. "Commitment 'to. Sure ka na talaga sa'kin?
"I'm serious," sambit ni Yeji. "To tell you honestly, it's been a while mula noong iniisip ko 'to. I really want to be with you. I want a relationship with you."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kaya nagulat ako nang ilagay niya ang dalawa niyang kamay sa pisngi ko at hinarap sa mukha niya. Nang magkatitigan na ang mga mata namin, mabilis niya akong hinalikan sa labi.
"I told you, I'm sure of you," sabi niya at hinalikan ako ulit ako nang mabilis. "I don't want to rush things kasi kahit ako, marami pa 'kong need ifigure out. Everything is new to me. But, I think hindi naman makaapekto if we'll put a label between us. Ano sa tingin mo?"
Nanlambot ako sa sinabi niya. Sigurado din naman ako sa kanya e. Hinihintay ko lang din maging ready siya.
"Kailangan ko pa bang sumagot?" tanong ko at tumawa. Bumitaw siya sa paghawak sa mukha ko at umirap.
"Words, Ryujin," sambit niya. "Words."
Kinuha ko ang kamay niya at in-intertwined ito sa kamay ko. "'Pag nagyes ako, wala na bawian 'to. Sure ka na talaga?"
Tumawa siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "I love you."
"Ano?" nagulat ako sa sinabi niya. First time niya 'tong sabihin sa'kin e.
"Sabi ko, mahal kita."
"Ano ulit?"
"Ulit-ulit? Ayaw ko na-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya kasi hinila ko siya at niyakap ko nang mahigpit.
"Aray!" sabi niya.
"Mahal din kita," sambit ko. "Sobra." dugtong ko at hinalikan ang noo niya.
Pagbitaw namin sa yakap ay nagngitian kaming dalawa. "So, tayo na?" tanong ni Yeji. "I mean, we're acting like a couple na rin naman noon pa. So I don't think may meaning pa sa'yo 'to pero sa'kin kasi, meron."
"Syempre, iba pa rin 'to. Iba pa rin 'yung landian lang sa may label 'no," sabi ko. "May tanong lang ako."
"Ano 'yun?"
"Isisikreto ba muna natin?" seryoso kong tanong sa kanya. "Sa'kin naman kung saan ka komportable ay doon din ako."
"Bakit natin itatago?" tanong niya at kinurot ang ilong ko. "It's not like it's a crime."
"Alam mo naman, ano, syempre, kilala ka na, ano, straight, ganun," nauutal kong reply sa kanya. "Baka people will talk ganun."
"Do I need their permission kapag nakipagrelasyon ako sa girl?" sabi niya. "If they will talk, for sure, masakit 'yon. Pero, wala naman silang ambag sa buhay natin. Noong na-realize ko na I like you, I already know that in this relationship, we cannot please everyone. Ang importante sa'kin," tumigil siya saglit at hinalikan ako sa pisngi. "ikaw at ako."
Ngumiti ako sa kanya. "Tayo."
"Right," sabi niya at nginitian din ako. "tayo."
Tumayo na ako habang hawak ang kamay niya. "Tara na," sambit ko. "Late na rin e."
BINABASA MO ANG
Alone, Together | Ryeji
RomanceRyujin went to Lia's birthday party unaware that she would have a one-night stand with Yeji, Lia's friend. What could possibly happen if they both agree that this isn't going to be a one-time thing? But, only to remain as friends. [ Taglish AU ]