Chapter 7: Rocket

48 2 2
                                    

"Tumpak!" Biglang sabat ng isang boses na alam kong pamilyar sa akin

Namilog ang mata ko nang narinig ko ang boses ng lalaking pinaka ayaw kong makita sa tanang buhay ko.

Dahan dahan akong lumingon sa gilid ng locker ko, at pansin kong nasa tabi na sya ng pinto ng locker ko, yumuko ako at napatingin sa puting sapatos na suot din ng lalaking nasa gilid nitong locker ko ngayon.

"Omg! Tine! Tumumpak yung sinabi kong pangalan! May sumagot saken..." Alaine na halos mabaliw kakatili sa likod ko

"Hi. I'm Rocket." Rinig ko ang yapak ng mga sapatos ng walang yang lalaking toh papalapit sa kaibigan kong si Alaine.

"Alaine Buenaventura Montemayor, isa sa pinaka maganda at sweet na babae sa balat ng earth." Alaine


"Nice meeting you Alaine." Rinig ko ang boses niya sa likoran ko "How about you, care to tell me you name, miss?" Rocket

Sinarado ko ang pinto ng locker ko ng padarag. Nilock ito, at marahas na lumingon sa kanya.

"Get.Lost." Kalma kong sinabi sa kanya, na mayroon seryosong mukha, at nilagpasan sya para umakyat sa second floor ng building namin. 

Mabilis kong tinahak ang hagdan papuntang classroom habang nkasunod si Alaine sa akin na talak ng talak na akala mo nabastos mo ng husto ang boyfriend nya kasi hindi ka nakipagkilala.

"Alam kong kagagaling mo lang sa heartbreak at ayaw mong ma-involve sa mga lalaki ngayon..." Alaine

Sa puntong toh napalingon ako sa kanya, tinignan ko sya ng mariin at namilog ang mata ko ng mapansin kong naka sunod pa rin si asungot sa amin.

"Ops. Legal ba yun marinig? Goods pala yang friend mo Alaine, maaaring ligawan. Single na." Asungot

"Akala ko naman ako na ang bet mo, ito palang broken friend ko. Sya, mabuti nalang at di ako umasa..." Alaine

"OO! Wag na wag kang aasa sa asungot na yan dahil yan... yang mukhang yan..." sabay turo ko sa pinaka ayaw kong tao na makita sa tanang buhay ko... "yan ang mukha ng..." 

"Taong iibigin mo buong buhay mo." Singit ng asungot na lalaking ayaw na ayaw kong makitang nka ngisi... sheeshh! makamatay yung ngiting yun ah, sa isip ko

Langyang buhay! Late na nga ako nagkaroon pa ako ng time na i-appreciate ang ngiti ng mokong na toh. Galit kong sabi sa sarili ko ng palihim.

"Tingnan mo toh oh, lampas langit yung confidence mo noh? Kala mo wala kang niloko. Pwes, pwede ba, mamaya na tayo maglokohan kase late na kami ng kaibigan ko eh, oo noh, kaya pwede, kung hindi ka naman nag aaral sa school na toh, tsupeee! Alis." Sabay talikod ko at hawak sa kamay ni Alaine.

"At ikaw naman, Alaine, wag kang tutunga tunganga sa harap ng lalaking yun, yang ganyan mong mukha eh maloloko kang malala ng lang yang yun... atsaka ano bang ginagawa ng walang hiyang taong yun sa school natin?!" Satsat ko sa kaibigan kong hinahatak ko papuntang classroom.

tikhim ng isang lalaki ang narinig ko.. namilog ang mata ko at dahan dahang humarap sa lalaking tumikhim. dali dali ko namang inalis ang kamay ko sa kamay nyang hinawakan ko.

"ahh, ehh, been telling my team to be here around this time kasi ito lang yung oras na pwede namin practisan yung court nyo, its just we want to see if we can adjust sa court nyo easily since sa court namin hasa kami doon, kaya we asked to practice here, same din sa varsity players nyo who've been practicing sa school namin last week." untag niya

"and I thought you want me lost too, but you dragged me here, ito ba yung classroom mo?" he asked and chuckled a bit

Damn! Gusto kong bigwasan sarili ko, paano nangyaring sya yung nahila ko at hindi si Alaine?

"Honest mistake, hindi ko sinasadyang mahila ka, I thought it was Alaine's hands... allergy pa naman ako sa mga taong manloloko, may alcohol ka ba?" Tanong ko sa kanya

He smiled at me, tumango at hinaloghog ang bag niya then gave me a bottle of alcohol...
"Eto oh, itago mo yan ha, maraming beses mo pang hahawakan ang kamay ko, kaya sige lang mag alcohol ka, at papatunayan ko sayong ni minsan hindi kita niloko..." malungkot ang mata niyang nakatitig sa akin habang nakangiti, "I'll see you around Tine." Sabay takbo nya palayo sa akin.

Nakatunganga akong nakatingin sa kawalan noong hindi ko na tanaw ang likod niya, naisip ko kung ano'ng ibig sabihin ng mga katagang binitawan niya. Papatunayan niyang hindi niya ako niloko, kitang kita ko naman na niloko niya ako noon. At dahan dahan kong naalala ang nangyari sa amin noon...

"Hoy! Ikaw ha! Akala ko ayaw mo sa lalaking yun eh ba't sya yung hinila mo?!" Sigaw ni Alaine sa akin na syang nagpagising sa akin sa aking malalim na iniisip.

"At bakit nakatunganga ka dito na parang tanga? Friend ha, hindi kita kinaibigan dahil sa maganda ka pero ayoko naman ng kaibigang tanga." Alaine

"Nagsalita ka pa talaga, tinawag mong tanga? Sino ako? Eh batukan kaya kita?" Biro ko sa kaibigan sabay hila ko sa kanya papasok sa classroom namin.

Sunod sunod ang klase namin at halos di ko namalayang tapos na lahat ng subjects ko, tatlong subject na pang umaga lang naman ang meron ako sa araw na toh, at sa hapon nasa coffee shop naman ako para magtrabaho. May ilang oras pa naman ako para mag pahinga bago ang shift ko kaya uuwi na muna ako sa bahay para makapag bihis.

"Alaine, mauna na ako sayo ha, kelangan ko pang umuwi para makapagpahinga muna ako bago yung shift ko sa cofee shop." Sabi ko kay Alaine habang nagliligpit ng gamit

"Ingat ka, wag mo masyadong pinapagod sarili mo girl, yang ganda mo today irampa mo yan oh. Tsaka salamat sa pakopya kanina sa surprise quiz ni Miss Tañeda. May pasok pa ako hanggang alas tres eh, baka tumambay ako saglit din sa coffee shop mamaya, puntahan nalang kita doon." nakangiting sabi ni Alaine sa akin

"Sige. Ililibre kita, basta pahiramin mo ko sa notes mo sa Bio natin ha, may long quiz pa tayo sa Sabado kaya kelangan ko ring mag aral, or scan mo nalang yung notes mo para mabigyan mo ko nang kopya." Ako

"Isang please muna?" nakangising sabi ni Alaine sa akin.

"PLEASE PO, OPO. Oh sya sige na, Alaine, aalis na ako ha." Ako

"Bye, Tine!" Sigaw ni Alaine sa loob ng classroom. Nakalabas na ako kaya yung sigaw nlng ni Alaine ang narinig ko.

Bumababa ako sa building namin nang may nakita akong kagulohan malapit sa entrance ng building namin, may mga varsity players na alam kong hindi sa school namin galing dahil iba ang uniform. Lumapit ako ng kaonti para makita kung ano ang kagulohang nangyayari.

Namilog ang mata ko nang nakita kong naka upo sa sahig si Jared na akmang susuntukin ni Rocket. Dali dali kong hinablot ang kamay ni Rocket na akmang isusuntok niya kay Jared. Nagulat din sya nang nakita niya ako, pero mas nagulat ako noong nakita kong may dugo ang gilid ng kanyang labi, may pasa sa pisngi, at may onting dugo sa ilong.

"What are you doing?" Biglang tanong niya sa akin.

"Stop it, will you?" Sabay bitaw ko sa kamay niyang muntikan nang isuntok sa mukha ng lalaking minsan ko na ring minahal. 




Unexpectedly InloveWhere stories live. Discover now