Chapter 26

41 5 59
                                    


Tracy's Point of View

Sobrang dami lang ang nangyari sa isang araw na iyon.

Gusto ko si Sunny pero sa tingin ko hindi pa ako handa na mag-take risk ulit sa relasyon.

Masyado akong nadurog sa past relationships, and I can't afford to lose Sunny just because I'm scared.

Siguro tsaka na lang pag buo na ako.

Sabi nga nila, kapag para sa iyo.

Para sa iyo.

Ano bang problema mo? Hindi ba malinaw sayo na gusto kita? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Gusto kita Tracy. Ang gulo mo. Nung isang araw lang sinabi mo na gusto mo ako? Hinalikan mo pa nga ako eh. Ano yun? Fling lang? Tangina mo pala eh. Pinaglalaruan mo feelings ko. Sige mabuti pa nga huwag na tayo mag-usap. Kahit kailan. Huwag ka na magpapakita sakin. BYE.

Habang binabasa ko ang message niya hindi ko mapigilang masaktan.

Seryoso ako sakaniya at hindi totoong pinaglalaruan ko lang ang feelings niya.

Pero sa tingin ko, mabuti na ngang ganoon ang isipin niya para mas madali niya akong makalimutan.

Ok.

Matipid kong sagot dito. Nakita kong mag-tatype pa sana ito pero bin-lock ko na.

Wala na din namang saysay kung titignan ko pa ang messages niya, baka magbago pa ang isip ko kapag nangyari yon.

"Hi." Napalingon ako nang makitang si Tiara pala.

Anong ginagawa niya dito sa resto-bar?

Kasama niya kaya si Sunny?

Sana hindi.

Pero sana oo.

Miss ko na talaga siya.

"Hey, ikaw lang mag-isa?" Tumango ito at umupo sa katapat kong upuan.

"Anong atin?" Nandito ako ngayon sa resto-bar kung saan ko unang nakita si Sunny.

Huling punta ko na dito kaya susulitin ko na.

Iinom ako hangga't gusto ko.

"It's about Sunny. Nag-usap na kami ni Reese at napag-desisyunan naming kausapin siya. At maybe ayusin kung ano ang problema niya sa amin. May nasasabi ba siya sayo?" Good thing nagkusa na sila.

Kilala ko naman kasi si Sunny, hahayaan niya lang ang sarili niya na masaktan kaysa saktan niya ibang tao.

Nakakainis bakit ba kasi ganun siya?

"Hindi namin pinag-uusapan yan. As long as we're together hinahayaan ko siyang kalimutan ang problema niya panandalian. I just let her open up things na kumportable siyang pag-usapan namin. Hindi ko siya pinipilit."

Sagot ko.

"Siguro dapat nga ganyan ang ginagawa namin sakaniya. Baka kaya siya hindi nagsasalita kasi lagi naming pinapangunahan ang feelings niya." Dagdag pa ni Tiara.

Exactly.

Kaya di siya kumportable sainyo.

"Thank you for being a good friend kay Sunny kahit na sa sandaling panahon lang kayo nagkakilala, nakuha mo agad ang kiliti niya." Ngumti ito sa akin.

Nakikita ko sa mga mata ni Tiara ang pagka-dismaya at pagka-lungkot dahil humantong pa sa pagiging distant (ni Sunny) bago nila ma-realize.

"No. Thank you. At least aware na kayo. Malamang matutuwa niyan si Sunny." Sagot ko.

"Actually, may hihingin sana akong favor para bukas." Napalunok ako nung sabihin niya ito.

Ayoko kasi na ipadaan niya pa sa akin o di kaya magsabi siya nang kahit na anong pabor na mag-iinteract kami ni Sunny.

Hindi ko pa kasi siya kayang harapin ngayon.

"Samahan mo sana ako bukas. Kahit hintayin mo lang ako sa abas ng cafe. Wala kasi si Reese may trabaho. I know hindi tayo close pero sana pumayag ka na. Nahihiya kasi ako na mag-isa lang."

Sabi nito.

"Sige. Basta sa labas lang ako. Hihintayin na lang kita sa kotse." Sagot ko sabay lagok ng beer.

Hindi na naman nagtagal si Tiara dahil maghahanda daw siya para bukas sa pag-uusap nila ni Sunny.

Ako naman tamang kain lang sa pulutan.

Siguro naka-tatlong order na din ako ng sisig.

Paborito ni Sunny.

Tangina lahat na lang ba ng maeencounter ko ngayong araw panay Sunny.

Nakakainis.

Nandito nga ako para kalimutan na siya pero parang mas naaalala ko pa siya.

Gago mo Tracy.

Nagising ako sa isang tawag.

Mula kay Tiara.

Shit anong oras na pala.

Nawala sa isip ko.

Sobrang sakit kasi ng ulo ko.

Tangina inom pa Tracy.

"Sorry. I'll be there in less than 30 minutes." Sabi ko dito sabay baba ng tawag.

Dumiretso na ako agad sa banyo para maligo.

"Sorry talaga. May trabaho ka ba? Baka ma-lelate ka na." Sabi ko.

"No, it's okay leave ko talaga ngayon. So, tara na papuntang coffee shop?"

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Kinakabahan ako bigla kahit na alam kong sa labas lang ako ng coffee shop maghihintay.

Gusto ko siyang makita na ayaw.

Tangina gulo mo Tracy.

Nag-park na kami sa gilid ng coffee shop.

Kitang-kita ko si Sunny.

Ang ganda niya pa rin.

Sobra.

"Mauna na ako ha. Diyan ka lang." Paalam sakin ni Tiara, pero nakatingin pa din ako sakaniya hanggang ngayon.

Mabuti na lang at tinted ang kotse ko hindi niya ako makikita mula dito.

Habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayo hindi na napigilan ng luha ko na umagos.

Isa lang ang naiisip ko ngayon.






Miss na miss ko na si Sunny.




———

<3

Save MeWhere stories live. Discover now