Ikalabing-isang Kabanata Sa Tuktok ng Kapangyarihan

49 2 0
                                    

Matagumpay ang lahat. Nagawa niya ang kanyang mga plano sa loob ng isang. Ang magtayo ng kanyang kaharian sa lupa. Literal. Siya lamang naman ang pinakamakapangyarihan tao sa buong Pilipinas. Nakatira sa palasyong sumusulyap sa ilog ng Pasig at pinaliligiran ng mga sundalo, tagapayo at mga maimpluwensiyang mangangalakal upang siguraduhin ang kanyang kaligtasan at pananatili sa kanyang puwesto. Alam naman niyang may mga kapalit ang pagsisilbing ito, pero kung sa pakinabang lang ay mas lamang ang nakukuha niya sa kanila. Sa lahat ng mga naging pangulo ng Pilipinas, siya ang may pinakamalakas ang karisma. Landslide victory noong eleksyon. Halos isang milyon ang lamang sa kalaban. Madami siyang naging tagasuporta. Simula sa mga sektor ng negosyo, mga artista, kapwa politiko at pati ang mga lider ng iba't ibang relihiyon. Kapag siya ay nangangampanya noon, lahat ng tao ay tumatahimik upang makinig. Tinagurian na nga siyang "Darling of the Masses." Bukod sa karisma, si William Sitanco ay isang eligible bachelor. Sa edad na 35, isa siya sa mga naging batang pinuno ng bansa. Sa itsura ay hindi rin siya pahuhuli. Kahit hindi gaanong matangkad ay kitang-kita ang pinaghalong Kastila, Intsik at Pinoy sa kanyang itsura. Mapupungay ang mga mata, balingkinitan at may biloy na nakikita lamang kapag siya ay ngumingiti. Bata siyang tingnan sa kanyang edad, at ang kapansin-pansin sa kanya ay ang kanyang matalinong paggamit ng mga salita. Sa kanyang mga talumpati ay hindi siya gumagamit ng kodigo. Kabisado niya ang kanyang sasabihin. Matatas siya sa ibang wika hindi lamang sa Ingles at Filipino. Siguro ay nakuha niya ang kakayahang ito ng minsang maging Ambassador siya. Sa lahat ng anggulo ay perpekto si Willy.

Nakaupo siya sa kanyang study room upang-ireview ang mga batas na kinakailangan ng kanyang approval. Inaalisa niya ang mga ito upang masigurado ang kanyang personal na interes. Napansin niya ang batas sa upang maging legal ang aborsyon sa bansa. Napangiti siya rito. Hinayaan niyang bukas ang telebisyon habang ginagawa niya ito. Abala ang media sa paparating niyang sona. Bawat istasyon ay may haka-haka kung ano ang magiging laman ng kanyang privilege speech. Malaking porsyento ang nagsasabing natutuwa sila sa mga nagawa ng Pangulo sa unang taon niya sa panunungkulan. Lalo itong dumagdag sa kumpiyansa niya sa sarili. Na kaya niyang gawin ang kahit ano. At walang sinong pwedeng bumangga sa kanya, dahil tao mismo ang may gusto sa kanya. Ang kanyang mga mamamayan. Mga puppet na madaling kontrolin. Maya-maya ay may narinig siyang mahinang katok at bumukas ang pinto. Ang DOH secretary.

"May good news ka ba sa akin?" nakangiting tanong ni Willy.

"Yes, sir. Okey na po yung mga vaccine na ipapamigay natin sa mga health centers. Sa makalawa ay mas marami na ang mapapabakunahan nito. Sa mga susunod pang linggo ay mas marami ang makaka-recover sa dengue. Siguradong tataas na naman ang performance level nyo nyan."

Binitawan ni Willy ang papel na kanyang hawak. Umayos ng pagkakaupo at sumandal sa kanyang malaking silya. Inilagay ang dalawang kamay sa kanyang batok at ipinikit ang mata. Nag-relaks ito.

"Yan ang gusto ko sa iyo, Manuel. Pulido kang magtrabaho. Mabilis kung umakto. Ginagawa ng tama ang lahat. Dahil din sa iyo ay naging matagumpay ang ating mga plano sa loob lang ng maikling panahon. "

"Oo naman, sir. Mukhang nagkamali ang iyong kapatid sa iyong kakayahan..."

Napadilat si Willy. Ibinagsak niya ang kamao sa lamesa. Umuga ang mga picture frame na nakalagay dito.

"Hindi ba't sabi ko sa iyo huwag na nating pag-usapan yan? Alam mong mali ang kapatid. Mas magaling ako sa kanya! Mali siya, mali!" namumulang sabi ni Willy.

Hindi natinag ang DOH secretary. Sa halip, hinawakan nito ang ulo ng Pangulo. Hinaplos niya ang bumbunan nito.

"Relaks lang. Huwag daanin sa init ng ulo. Sa dami ng ating nagawa ay napatunayan mo na ang iyong sarili. Uminom tayo at ipagdiwang ang ating tagumpay."

Kumalma si Willy. Ang mala-demonyong pigura ay napalitan muli ng kanyang maamong mukha. Naupo siyang muli at huminga ng malalim. Inabot ni Manuel ang baso ng whiskey. Isang lagukan nya lang ito. Nilagyan pa muli ni Manuel ang baso ni Willy. Ngayon ay humigop lamang siya.

"Ilang linggo na lang pala ay SONA ko na. Marami-rami na rin akong maipagmamalaki sa bayan. Siguro naman ay titigil na yang mga oposisyon na yan na ipatanggal ako sa pwesto. Ano ba naman ang kayang gawin ni Autencio laban sa akin? Wala siyang ebidensya na sangkot ako dun sa anomalya na naganap sa may Quiapo. "

"Ang baklang iyon. Walang ibang ginawa kundi tumalak sa TV. Akala mo kung sinong malinis. Ang balita ko ay may kabit yan. Si Monica." Susog ni Manuel.

"Ah, si Monica. Ang matamis at mabangong si Monica. Kamusta na nga siya? May balita ka ba?"

"Busy yun sa mga kliyente nya. Madaming mga personalidad ang nagkakandarapa sa kanyang alindog. Maganda siyang asset, hindi ba?" pabirong tanong ni Manuel, sabay inom ng kanyang mamahaling alak.

"Tama. Isang diamante sa putikan. Pagkatapos ng aking sona ay magbabakasyon ako kasama si Monica. Sa palagay ko'y matatanggal niya ang lahat ng stress ko sa pagmamaniobra ng bansang ito. Do me a favor. Pag nakita mo siya, sabihin mo tawagan ako."

Tumawa ng malakas si Manuel. Umiling-iling.

"Wala ka talagang kadala-dala. Alam mo naman sigurong mainit ang mata sa iyo ng mga paparazzi. Kahit saang lungga ka ng Pilipinas ay matatagpuan ka nila. Hindi ba't muntik ka ng mahagip ng kanilang lente dun sa Bora? Mabuti na lamang at napatahimik natin ang mokong na yun."

"Hahaha. Habulin nila ako hanggang impyerno. Wala silang magagawa. Kaligayahan ko ang nakataya dito. Ikaw na kaya ang maging pinuno ng ilang milyong mareklamong Pilipino?"

"Madali naman nating mapapatahimik si Autencio. Iutos mo lang yan kay Virgo, isang bala lang yan sa kanya." sabay gawa ng baril sa kanyang kamay at kunwaring babaril.

Tumayo ang Pangulo. Inunat ang mga binting nangalay sa ilang oras na kakaupo. Tumalikod siya kay Manuel. Bahagyang pinagmasdan ang kanyang portrait na nakasabit sa gitna ng kanyang opisina. Ito ay isang regalo ng kilalang national artist sa pagpipinta. Binigay sa kanya ito sa araw ng kanyang panunumpa. Mas lalo siyang naging matipuno sa painting, kung titingnan ay mukha siyang isang hari.

"Hindi ako gagawa ng mga bagay na dudungis sa aking pangalan. Sa ngayon. Darating din ang araw na mawawala rin ang aking mga kaaway sa natural na paraan. Alam mo yan, Manuel."

Tumango lang ang kausap. Naiintindihan na niya ang nais sabihin ng kanyang amo. Na matutong mag-antay sa tamang pagkakataon. Huwag gamitin ang bugso ng damdamin, kundi ang lohika. Nag-vibrate ang kanyang cellphone. Binasa niya ang mga mensahe. Patuloy pa rin ang balita sa telebisyon. Hanggang sa napunta ito sa isang balita na nangyari sa may Quezon City. May natagpuang mga bangkay sa isang eskinita, at isang puting van. May nakita ring isang batang babae sa crime scene na natuluyan ng nabaliw. Suspetsa nila na na-trauma ito sa nakita. Nahagip ng camera ang mga bangkay na parang mga tuyot na puno. Napapatitig ng matagal si Manuel. Hindi niya napansin na nakatingin na rin ang Pangulo sa TV. May pagkabahala sa kanilang mata.

"Anong...?"

HelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon