Kabanata Onse

0 1 0
                                    


Narrator's Pov.

Naglalakad ang babae patungo sa kaniyang maliit na bahay, may mga larawan na iba't- ibang anyo na nakasabit sa kanyang plywood na dingding. Nagdadala siya ng pagkain sa isang mangkok na may ulam, at pumasok siya sa isang sikretong lugar.

Nagdala rin siya nang ilaw, at madilim ang kaniyang nilalakaran. Masaya siya dahil makikita na naman niya ang kanyang pinakamamahal niya, hindi niya mawari kong ano ang gagawin. Di rin niya alam kung ano ang kanyang susuotin bago siya pupunta sa kanyang pinakamamahal, pero ang napili na lamang niyang suotin ang kulay itim na damit at itim na mahabang palda hanggang tuhod nito.


"Makikita na naman kita, mahal ko" masayang sabi ng kanyang isipan.

Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nag- iisip anong sasabihin, kinakabahan kasi siya kapag nakikita niya ito.

Nang makarating na siya ay binuksan niya ang isang pinto, pumasok siya doon at isinara ulit ito. Naglakad ulit siya patungong kaliwa, ngumiti siya nang malapad ng makita niya ang taong nakaupo sa isang kama.

"Mahal ko" sabi nang babae at inilagay niya ang mangkok sa isang maliit na mesa.


Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ng kanyang pinakamamahal at hinalikan sa pisngi, tiningnan niya ito nang mabuti bago nagsalita.

"Kumusta ka na, Mahal ko? May dala pala akong pagkain para sa 'yo" kinuha niya ang mangkok at kumuha ng pagkain para subuan niya ito.

Ngumanga naman ito habang nakaupo at tulala, di niya pinansin ang babae na sinusubuan siya dahil alam niyang may tinatago ito sa kanya. Unti- unti na rin bumabalik ang kanyang mga alaala, anim na taon ng tinatago sa kanya ng babae.


"Mahal, pasensiya ka na ha di muna kita palalabasin dito kasi- baka mapahamak ka sa labas. Mahirap na mamimiss pa naman talaga kita, pag nawala ka sa'kin di ko kakayanin " niyakap niya ang lalaki at hinalikan sa pisngi.


Di mawari nang lalaki kung bakit di siya nakaramdam ng galak ng makita niya at nahalikan ng babae, parang nandidiri siya nang maramdaman niya ang labi sa kanyang pisngi. Bigla siyang tumayo at naglakad- lakad, parang may kulang sa kanyang alaala na di niya alam kung ano ito.


Nagtaka ang babae sa kanya pero naintindihan niya kung bakit nagkaganito ang kanyang mahal, nilagay niya ulit ang mangkok sa mesa at tumayo.

"Mahal, okay ka lang ba?" Tanong ng babae, pero di siya pinansin nito at lakad pa rin ng lakad.


Nang mahawakan ng babae ang balikat ng lalake ay huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kaniyang mga mata, napansin ng babae ang pagtingin nito pero binabalewala na lamang niya at naisip niya na lang na napagod siya sa pagbabantay sa kaniyang mga kalaban sa labas.


"Matulog ka muna Mahal ko, baka pagod ka na. Halika" hinawakan ng babae ang braso ng lalake at dahan- dahang pinaupo at inihiga sa kama nito, pagkatapos ay kinumutan niya ang lalake hanggang sa leeg nito.

"Babalikan kita dito, mahal ko. Kaya matulog ka muna at ipaghahanda ulit kita ng masarap na pagkain" ngumiti siya nang matamis, hinihimas niya muna ang buhok nito bago hinalikan sa noo.


Kinuha na niya ulit ang mangkok na wala nang laman at lumabas na, napangiti siya ng matamis nang maalala niya ang tingin ng lalake sa kanya. Di na lang niya pinansin ang pagkakahulugan ng mata sa lalake, masaya na siya ng pinansin siya nito.


"Sa akin ka lang mahal ko at walang makakaagaw sayo" desperada nitong sabi habang naglalakad sa madilim na lugar.


-----

𝖳𝗁𝖾 𝖧𝖺𝗅𝖿 𝖲𝗇𝖺𝗄𝖾 (𝗢𝗻-𝗴𝗼𝗶𝗻𝗴)Where stories live. Discover now