Kakatapos ko lang makipag meeting kasama ang pamilyang hurrington na nag paplano na mag invest sa cobb suites medyo natagalan lang kami dahil inantay pa namin ang isang miyembro ng kanilang pamilya.Nang matapos ay dumiretsyo kaagad ako sa sasakyan ko. Plano kong mamasyal ngayon at mamili ng bagong bag dahil masyado ng gamit na gamit ang tote bag na binili ko pa sa AUH.
Ganito na lang ang eksena ko tuwing uuwi galing trabaho. Kung hindi mamimili ng damit o sapatos ay mamasyal ako sa park, it's eaither mag jojogging ako o mag babasa ng libro. Kaso may plano na ako ngayong araw, bibili ako ng bag at bagong libro bago dumiretsyo sa bahay para mag luto ng dinner.
Hindi ko na iniistorbuhin si gwen at kalei dahil may mga responsibilidad na sila, Alam ko namang one hundred percent silang sasama saakin pag inaya ko sila pero ayokong kunin ang oras na iyon na pwede naman nilang ilaan sa kanilang mga anak.
Orion in the other hand already in a relationship with mischa martin, Paminsan minsan kaming lumalabas ni mischa para mag kape, na busy lang siya this past few weeks dahil katuwang na niya si orion sa isa nilang branch sa makati.
Well, Hindi ko naman maaya si lilia dahil malaki na ang tyan nito at natatakot naman akong mapano ito dahil may dinadala ng bata. Kaya no choice ako kung hindi ang mag lakad mag isa sa kung saan saan, anyways I'm not complaining or what! Nag eenjoy naman ako, Ika nga nila It's better to be alone rather than surround yourself with fake people.
Yung mga totong kaibigan at pamilya ko kasi may sarisarili ng buhay at ako responsibildad ko ang sarili ko. At least ang problema ko lang sa ngayon ay kung anong magandang shade ng lips stick, kung anong bago at magandang quality ng bag, bagong labas na libro, flavor ng wine at iba pa!
Hindi naman ako sobrang gastos when it comes to material things may limit naman ako at paminsan pag hindi naman worth it ay hindi ko na rin pag aaksayahan ng pera.
Nang matapos ako mamili sa isang kilalang botique ay nag tungo pa ako sa isa para tumingin ng magandang dress at halos atakihin ako sa puso ng humarang sa harapan ko si tita vienna.
Tita vienna: Ohh goodness my luxxery!
Huling kita pa namin ay noong birthday ni vene. Nung nakauwi ako ay siya naman ang bakasyon niya sa new york at hindi ko nabilitaan na nakabalik na siya.
" Good to see you tita, kamusta ka na po? "
Tita vienna: I'm very well anak, Nag dinner ka naba? Let's go! Marami tayo dapat pag usapan.
Wala na akong nagawa kung hindi ang mag pahatak sa kanya sa isang fine dining restaurant. Hindi pa kami nakakaupo ay inabot na niya ang black card niya sa isang server. Meaning we can order whatever we want at nakakahiya naman dahil si tita vienna pa ang mag babayad.
Tita Vienna: don't give me that look luxxery, I will pay for our dinner! Nako po ngayon lang kita nakitang bata ka!
Sinundan namin ang isang server sa isang private room. Sa chandelier pa lang ay masasabing exclusive lang ang kwartong ito sa mayayaman at kung wala kang three hundred thousand na dala ay wala kang karapatang umapak rito.
Sinimulan ng Iserve ang mga pagkain simula sa appetizer hanggang sa main dishes. Walang ginawa si tita vienna kung hindi paulanan ako ng papuri.
Tita Vienna: Nabalitaan ko nga na umalis ka papunta sa ibang bansa! Dyusko po sasakit ang ulo ko sainyo ni venezio! Hindi niyo gayahin si kalei at gon, si gweneth at clifford .. happy family kayong dalawa naman ni venezio more work more fun! Nasasayang ang panahon.
Na samhid naman ako sa narinig kaya pasimple kong kinuha ang wine glass at uminom. Hindi ko naman masagot ang sunod sunod niyang bira saakin dahil totoo naman iyon.