1. Ang Babae sa 309

293 9 1
                                    

"Shaen, di pa ako makakapagpadala dyan. Kapapangak ko palang, pasensya na. Lock down din dito kasi."

"O...Okay lang, Ate." 

"May naitabi ka pa naman, diba? Gamitin mo muna."

Napasuklay siya ng buhok sa sinabi ng kapatid. Alam niyang hirap din ang Ate Shaina niya doon sa ibang bansa. Walang trabaho ngayon yung napangasawa nito. Naging magastos dahil nagka-complications pa ang pamangkin nung ipinanganak. Hindi maganda kung papasamain pa niya ang loob ng ate niya.

"Kaya pa naman, Ate," sambit niya.

Pero ang totoo. Hindi. Hindi na.

Hindi na talaga.

Hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng pera.

Marami na siyang utang ngayon sa iba't ibang lending apps. Pati na sa mga kaklase niya meron din. Maski nga sa mga professor niya ngayon. Nakakahiya na nga.

Paubos na rin yung supply niya pagkain, galing pa yun sa paayuda ni Mayor last week. Instant mami na nga lang ang nakain niya buong araw. Hindi niya alam kung paano pa niya masu-survive ito.

"Sige na, Shaen. Magpapadala ako kapag nakaluwag-luwag na dito. Ingatan mo ang sarili mo ha."

"Ok Ate, pahinga ka na."

Napasubsob siya sa lamesa sabay sara ng laptop. Mabuti nalang talaga at mabait yung taga 307 at binigyan siya ng wifi password pansamantala. Naputulan na siya dahil di niya nabayaran yung bill nung isang buwan.

Shit na yan. Ba't ang dami kong problema.

Napukpok pa niya ang laptop ng palad sa sobrang sama ng loob.

Ay tanga.

Agad siyang dumiretso ng upo nang maalala na hindi nga pala sa kanya ang laptop na yon, baka nasira na. 

"Hay dyusmiyo. Isosoli pa kita kay Megan." Buti nalang talaga may isa siyang kaibigan na madatung at nagpahiram sa kanya noon. Kailangan pa naman din niya yon sa online class.

Ang malas lang kasi.

Nanakawan siya. Three months ago.

Dahil gusto niya kasing makatipid sa renta ng apartment na tinutuluyan kaya pumayag siyang dumito yung bestfriend niyang galing probinsya.

Ayun, nadisgrasya dahil nagtiwala.

Mabait naman si Leslie nung mga unang mga linggo. Kaso isang araw bigla nalang itong nawala na parang bula. Kasabay noon, nalaman niyang natanggay na yung laptop na ginagamit niya sa school. Yung wallet, yung ipon niya, IDs, pati na rin yung ibang personal documents. Pati cellphone pinatos pa.

Magnanakaw pala ang gaga. Halos walang tinira.

Natangay din nito yung pambayad niya ng tuition para sa sem na yon. Mga halos fifty-thousand pesos din. Hindi niya alam kung saan kukuha nang pamalit. Nag-aalala siya hindi na siya makapag-finals kung di pa nababayaran.

Tapos malaman-laman niya na ginamit din pala ang identity niya para umutang kung kani-kanino. Ilang araw nang may pumupunta doon para singilin siya. Buti nalang inaalerto na nya yung baranggay tungkol sa nangyari. May record na rin ang mga pulis.

Kaso hindi niya masabi sa Ate niya ang naging problema. Mag-aalala pa yon ng sobra. May mga kamag-anak sila sa probinsya pero malamang wala rin ang mga yong maitutulong. Sa Ate niya rin naman umaasa ang mga yun nang padala.

Kaya ito, tiis-tiis muna hanggang makaraos. Naghahanap na siya ng trabaho din. Kaso nga dahil sa pandemya, mahirap. Naibenta na rin nga niya yung ibang natitirang gamit para lang makatustos sa pang-araw-araw.

"Ay, shit. Gutom na ako.." angal niya nang malakas.

Nakarinig siya ng mga mabibigat na yabag. Mukhang galing yon doon sa taas na unit.

Napatingala siya at napangiwi. Kasalanan din niya, dis oras na ng gabi, nag-iingay pa siya.

Di pa niya nakikita yung mga nakatira doon pero nauna pa yon sa kanila. Ang sabi sa kanya nung taga kabilang unit, matandang lalaki daw. Tahimik lang dati. Pero nitong mga nakaraang araw, lagi nalang siyang nakakadinig nang naglalakad.

"May food kaya siya?" aniya. "Baka pwedeng makikain. Pero Shaen...nakakahiya."

Wala na. Malala na talaga. Dala na siguro nga ng gutom kaya niya kinakausap ang sarili.

Napalingon siya nang biglang umilaw yung cellphone sa isang sulok. Pinahiram lang din yun sa kanya nung isang mabait na kaklase. Kaso may problema na sa battery, di niya matanggal sa charger. Humakbang na siya papalapit at tiningnan kung may message na dumating.

Your next payment is overdue. Ensure timely payment to avoid additional charges.

Napahilamos siya nang mukha. Akala niya ayuda, sa lending app na naman pala. Di na niya alam kung paano pa niya mababayaran yun. Di pa nga siya bayad sa apartment, medyo mahigpit pa naman yung landlord niya sa upa.

"Hay, pera....where na ba u?" Sabay hinga nang malalim.

Napatingin siya doon sa laptop ni Megan. Naalala niyang inaya siya nito once sa raket. Magpadala lang daw siya ng picture kung game na siya. Magpapahiram din ito ng malinaw na video cam.

Alam naman niya yung sinasabing raket noon, hindi siya ganoon kainosente. Ikinuwento na ni Megan sa kanya na may mayamang foreigner dito na nagpapadala ng allowance kaya lagi itong may datung.

May histura naman siya kahit papaano. Spanish tatay niya kaya mixed ang features. Mas lumamang nga lang ang pagiging Pinay dahil morena ang kutis. 

Pero yun nga ang gusto nung mga yon, mukhang exotic? Napailing siya sa naisip.

Kaka-nineteen niya palang. Nagkaboyfriend siya once nung highschool pero hanggang kiss lang ang experience. Di niya alam kung kakayanin ba yon ng sikmura.

Wala na siyang choice na ngayon. Kailangan niyang tibayan ang loob. Para din naman sa future niya ito.

"Kailangan ko ng pera!"

Nagulat nalang siya nang may nadinig na nahulog. Napatingala uli siya sa kisame at napakunot ng noo.

Yung nakatira sa taas na unit na naman.

"Naku, sorry na po," nasambit niya. Naiingayan talaga siguro sa kanya. Grumpy talaga siguro ang mga matatanda.

Bumalik ang atensyon niya sa phone at hinanap na sa messenger si Megan. Sana lang open pa ito sa alok nito noon.

Magtitipa na sana siya nang may naramdamang kakaiba. Pakiramdam niya tumayo lahat ng balihibo niya sa balat. Nanlamig din ang pakiramdam. Parang may presensya ng masamang espiritu.

Sa tagal niyang nakatira doon ngayon lang may nagparamdam sa kanya na multo.

Tumingin siya sa paligid. Wala namang kakaiba. Wala namang gumgalaw.

Tok Tok Tok

Napatalon siya nang may kumatok sa pinto. Tatlong beses pa. Malakas at sunod-sunod. Tapos may kulay itim na papel na lumusot sa awang noon sa ilalim.

"Shuta...ano yon?"

Tumayo na siya at dahan-dahang lumapit. Napalunok pa siya nang makitang sobre yon.

Agad niya yung pinulot. Baka may datung. Disappointed pa siya dahil wala nung binuksan. Isang puting papel ang laman noon. 

Sulat.

Kulay pula ang tinta at mabango. Amoy scented paper na stationary. 

409

Napakunot siya ng noo nang mabasa yon. Napatingala naman siya. Galing yon doon sa taas na unit.

Inikot niya ang papel at binasa ang nakasulat sa likod.

How much do you need?

409Where stories live. Discover now