FIVE : 24 STUDENTS

72 25 3
                                    

GIA's P.O.V

Nandito ako ngayon sa ground floor para kumuha ng mga Zest O para sa aming magkakaklase. Araw-araw akong bumababa para kumuha nang mga iba't ibang klase ng mga inumin katulad na lang ng yakult, delight etc. pero depende 'yan kung pupunta ang truck na naghahatid nang mga juice dito para sa mga students.

Kukuha ako nang 25 Zest O para sa aming lahat. Zest O ngayon ang dinala dito sa school, paborito pa naman naming lahat ay 'yong yakult at 'yong iba ay delight pero okay na 'yan.

Binibilang ko bawat kuha ko nang Zest O,"24," kukuha pa ako ng huling Zest O.

Pagkakuha ko ng isa ay dumating si Mr. Ang na may dalang malaking notes at syempre ang paborito niyang dalhin ang kanyang pamalo este wooden stick na palagi niyang dala saan man siya magpunta.

"Anong section mo?" tanong niya.

"Class C po," hinanap pa niya ata sa malaki niyang notes ang section namin.

"Class C..." bulong niya habang naghahanap.

"24 students lang ang Class C, bakit kumuha ka pa nang isa?"

"25 po kami sa class room, hindi 24,"

Pinalo naman niya ako agad ng wooden stick niya sa balikat ko. Ang sakit ah. "Tinuruan mo pa ako eh nakasulat nga dito. Talaga naman ang mga kabataan ngayon,"

Hinimas ko ang balikat ko sa sakit. Palagi na lang siyang namamalo ng mga estudyante akala mo naman ang poging teacher eh parang inubos pa niya ang isang daang rice cooker nang kanin dahil sa katabaan niya.

"Kaya naman pala nagkukulang ang mga inumin dito. Kayo pala ang kumukuha ng isa!" suway pa niya sa akin.

"Ibalik mo 'yang isa," utos pa niya. Binalik ko naman 'yon agad sa dating lalagyan nito. Wala naman akong magawa dahil siya ang teacher at ako isang magandang estudyante dito na pumapasok araw-araw para sa kalokohan este para magaral.

Naglakad naman siya pabalik sa dinaanan niya kanina. Sinamaan ko siya ng tingin habang naglalakad siya. Nakatalikod naman kaya hindi niya ako nakikita. 25 naman talaga kami eh, malabo na ata mata niya at siguro naduling siya at napagpalit niya ang number of student sa ibang section sa Class C.

"Gia, anong nangyari? Bakit nakabusangot ka diyan?" tanong sa akin ni Luna na kagagaling lang sa taas.

"Wala, tara na umakyat na tayo sa taas baka kanina pa nagrereklamo ang mga kaklase natin, "

"Sige, tara na," kinuha ko na ang juice tray at sabay na kaming umakyat papunta sa class room namin.

SHIN's P.O.V

Pagpasok namin ni Kenzo ay nadatnan namin ang mga kaklase namin na nagaagawan sa electric fan na nakasabit sa itaas. Mainit na kasi ang panahon ngayon. May kanya-kanya na rin silang mga hawak na Zest O.

"Dito niyo naman itapat ang electric fan,"

"Dito naman sa amin oh,"

"Huwag nga kayong madamot, pamilya tayo dito 'di ba?"

"Para namang pagmamay ari niyo niyang electric fan,"

"Kung pwede lang maghubad dito, gagawin ko na,"

"Ang init sobra!"

"Parang gusto ko tuloy na maligo sa maraming yelo,"

Samu't saring reklamo akong naririnig mula sa kanila. Halos mabali at mahulog na ang electric fan dahil sa kanila. Tumingin ako sa iba pang naming kaklase na tulog at ang iba ay nakaupo lang.

"May umalis ba sa inyo habang nasa laro tayo?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Wala, kumpleto tayo hanggang sa matapos ang laro. Bakit?" pabalik na tanong sa akin ni Ley.

"Sampu lang daw tayo kanina, kaya baka may umalis na sa inyo na hindi natin alam," sagot ni Kenzo.

"11 tayo, namali lang siguro sila ng bilang," natatawang sambit ni Yen.

"Anong hinahanap mo, Jea?" tanong ko sa kanya ng napansin ko na parang may hinahanap siya.

Panay alis at balik siya sa upuan niya at parang may hinahanap sa kung saan, sa mga iba't ibang upuan at ilalim.

"Iyong juice ko, may kumuha ba sa inyo?"

"Tig iisa tayong juice 'di ba? Sino may nadalawang nainom na juice?" tanong ni Zumi.

Wala namang umimik kaya ibig sabihin isa-isa kaming may hawak. Binigay na rin kasi sa amin ang juice namin.

"Ilan ba ang kinuha mong juice, Gia?" tanong ko naman kay Gia.

"24..." parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya.

"Bakit 24 lang? 25 tayo dito sa Class C," reklamo ni Yen.

"Kaya nga pero... sinabi ni Mr. Ang, 24 lang daw ang students ng Class C," sagot ni Gia.

"Wait bibilangin ko, one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, fifteen, sixteen, eighteen, nineteen, twenty, twenty one, twenty two, twenty three, twenty four... twenty five," pagbilang ni Elvi sa aming lahat na nandito sa loob ng classroom namin.

"25 naman tayong lahat at hindi 24, baka namali nga talaga sila ng bilang kanina at baka antok pa si Mr. Ang,"

Tumahimik ang lahat. Nagkatinginan kaming lahat na para bang iisa lang ang nasa isip namin. Hindi sana totoo ang iniisip namin ngayon.

Pagkatapos ng kalahating segundo ay bigla umingay ang paligid na para bang hindi sila naniniwala sa mga iniisip namin.

"Hayysstt. Huwag nga kayong ganyan, masiyado naman ninyong sineryoso ang mga nangyayari," natatawang wika ni Yen.

Agad akong naglakad palabas ng classroom. Pupuntahan ko ang teachers office namin kung saan nandoon ang official number of students ng mga sections.

Pumasok ako at bumati sa mga teachers na nandito at sinabi ang pakay ko dito. Sila Mr. Ang, Mr. Cruz, Ms. Aragon at Mrs. Lee. Hinayaan naman nila akong gawin ang gusto kong gawin dito. Sinabi ko rin na saglit lang ako dito.

Humarap ako sa mga listahan ng mga number of students at hinanap doon ang Class C. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nasa pangatlong linya kami.

Sinundan ko ang linya na 'yon papunta sa kanan at nagulat ako sa nabasa ko kung ilan nga talaga kami sa Class C.

24.

Totoo nga ang sinasabi ng ibang tao na 24 lang kami. Ibig sabihin lang nito ay isa sa amin ang hindi nakikita ng mga tao at tanging kaming mga Class C students at si Mr. Monje lang ang nakakakita sa kanya. So, sino siya at bakit nilalagay niya ang Class C sa magulo at anong dahilan?

The Mystery In Class C | ✓Where stories live. Discover now