SPECIAL CHAPTER

49 10 0
                                    

Kahapon ay ginawa na namin ang lahat. Lahat ng libingan ay nailipat na sa maayos na libingan sa sementeryo. Ang mga libingan ay pinagsama-sama na sa iisang musileyo at ang abo ko naman ay i-dinisplay sa libingan nila Dia.

Ngayon naman ay inaasikaso ko ang mga gamit ko dito sa dorm namin ni Zea bago kami grumaduate mamaya.

Nakita ko naman ang tumblr ko. Inisip ko bigla na ibigay na lang ito kay Zea para may magamit siya sa tuwing iinom siya ng kape niya habang nagre-review para sa work life niya soon.

"Masaya ako dahil matutupad niyo na ang pinapangarap ninyo. Sana makakuha na agad kayo ng trabaho," wika ko kay Zea nang maramdaman ko siya sa likod ko. Kapapasok niya lang dito sa dorm.

"Malungkot nga lang kami dahil wala ka na sa tabi namin sa araw na magkakatrabaho na kami," sagot niya.

Hinarap ko siya at ngumiti sa kanya ng napakatamis, "Kahit naman hindi niyo na ako makikita. Nandito pa rin ako sa tabi ninyo palagi, ako ang magiging guardian angel ninyo,"

"Siya nga pala, itong mga box ay mga gamit ko. Sa bawat box na 'yan ay sa inyo. Tig iisa kayong lahat. Siguradong magagamit ninyo 'yang mga gamit ko balang araw. Hindi ko naman magagamit ang mga 'yan eh," saad ko.

"Pangako, iingatan namin 'yang mga gamit mo katulad ng pagaalaga mo sa aming lahat," sagot niya.

Ibinigay ko naman sa kanya ang tumblr na kanina ko pa hawak, "Naalala mo pa ba 'to? Sa 'yo na 'to," kinuha niya naman 'yon agad.

"Salamat, palagi ko 'tong dadalhin saan man ako magpunta para maisip ko palagi na nandiyan ka lang sa tabi ko,"

*Knock... knock*

Pumasok si Gia sa dorm namin, "Magsisimula na ang graduation. Tara na, guys,"

Sabay-sabay na kaming lumabas ng dorm at pumunta sa class room. Napagdesisyonan naming sa class room kami magga-graduate para makasama ako. Ngayon ko na mararamdaman at mararanasan ang maggraduate, sobrang saya pala sa pakiramdam.

Mabilis lang na nagbigayan ng diploma. Masaya kaming nagku-kuwentuhan ngayon. May mga masasarap na pagkain na hindi ko naman makakain.

Napagdesisyonan rin ni Mr. Monje na isama sila Dia at ang iba ko pa naming kaklase dati na grumaduate dahil katulad ko ay hindi rin nila nararanasan ang grumaduate.

Parang nagreunion lang ang mga estudyante ng Class C ngayon at estudyante ng Class C 5 years ago.

Masaya rin kaming nagpicturan. Hanggang sa lahat na kami ay pinicturan ni Mr. Monje for memories kahit na alam nang lahat na hindi kami masasagap ng camera.

Ibinigay ko na rin kay Shin ang ginawa kong album kung saan nagpicture kami sa polaroid noong Halloween Party namin. Kahit hindi ako nasasagap sa picture ay nandoon naman ang pangalan ko.

•••••

"Palagi ninyong bibisitahin ang musileyo namin hah," paalala ko sa kanilang lahat.

"Pangako namin 'yan. Palagi rin naming papalinisan 'yon," sagot ni Jea,

Lumapit naman sa akin sila Gia, Celine at Elvi na ngayon ay umiiyak na, "Luna, mamimiss ka namin. One year lang ang pagsasama natin pero sobrang sakit kung aalis ka na ngayon,"

"Huwag nga kayong tatlo umiyak. Nahahawa kami sa inyo eh," reklamo ni Yen.

Lumapit naman si Ley at Yen sa akin at umiiyak rin sila, "Luna, sorry," sabay nilang wika.

"Guys, aaminin ko na. Ako ang lahat may gawa ng nangyaring prank, ginawa ko 'yon kasi para dumami ang mga subscribers ko," pag-amin na rin ni Ley sa kanilang lahat.

"Bwiset ka. Ikaw lang pala, sinisisi pa namin sila Luna," paghampas ni Yen kay Ley.

"Sorry na nga," pagpout pa ni Ley kay Yen.

"Hayaan mo na, Ley. Nangyari na. At tsaka ako ito dapat na magsorry sa inyo dahil naging irresponsable akong president sa inyo, naaksidente si Celine dahil sa kapabayaan ko sa inyong lahat," wika ni Shin.

"Luna, sorry rin. Pinangunahan ko ang galit ko kaysa intindihin ka," sambit naman ni Yen. "Sorry rin kay Kim. Sinisi ka namin na ikaw ang multo at hindi kami naniwala sa 'yo na si Luna nga talaga ang multo," dagdag niya.

"Bata pa lang ako, alam ko na kung sino ang totoong buhay. Nararamdaman at nakikita ko ang mga multo," sagot ni Kim na seryoso pa rin hanggang ngayon.

"Luna, sorry. Gumawa pa ako ng paraan para malaman nila na isa kang multo. Sorry kung nasasaktan ka dahil sa akin," sambit naman ni Kenzo.

"Alam mo na rin dati pa?" tanong ni Elvi kay Kenzo.

"Noong nagpahula kayo sa tarot cards ko. Doon ko lang nabasa na hindi pala isang taong buhay si Luna at doon na ako naniwala sa sinasabi ni Kim," sagot niya.

"Ley, ikaw rin ba ang gumulo sa demo ko?" tanong ni Yen.

"Hindi ah," sagot kaagad ni Ley.

"Eh. Sino?" nagkatinginan silang lahat na para bang iniisip nila na may iba pang multo dito.

"Hayssttt, tama na nga kayo," basag ni Celine sa katahimikan. Sabay naman kaming tumawa dahil natakot na naman namin si Celine.

"Kami 'yon. Gusto lang naman namin na i-prank ka pero hindi naman namin alam na magagalit ka talaga ng sobra at sinisi mo pa ang mga kaklase mo," pag-amin ni Bryce.

"Humihingi rin kami ng tawad sa inyong lahat kung natakot namin kayo nakaraan. Sa gubat at sa CR," wika naman ng isa naming kaklase na multo.

"Kayo rin ba 'yong nagpapatunog ng kadena sa dorm namin ni Luna? Palagi ko kasing naririnig 'yon mula umaga hanggang gabi," tanong naman bigla ni Zea.

"Kami 'yon. Sorry hah, hindi naman namin intensiyong takutin ka. Sadyang maingay lang ang mga kadena na nakatali sa amin sa tuwing gagalaw kami," pagamin rin ng dalawa kong kaklase na multo na ikinatawa nang lahat.

"Tapos na ang graduation, Class C. Kailangan ninyo nang magpaalam kila Luna dahil aalis na sila," sulpot ni Mr. Monje.

"Sir, alam naming gusto mo ring magpaalam kila Luna. Kaya ito na ang pagkakataon mo ngayon," wika ni Shin.

Lumapit naman si Mr. Monje sa aming magka-kaklase, "Sorry kung napabayaan ko kayong lahat dati. Salamat kung nagstay kayo dito, ang totoo niyan eh nagustuhan ko rin na nagstay kayo dito dahil namiss ko na rin kayo talaga ng sobra," pagamin rin niya sa amin.

Nagsimula namang tumulo ang mga luha ni Mr. Monje sumunod ang mga kaklase ko ngayon. Pati na rin kami ay nahahawa sa kanila.

Kami nila Dia at Bryce at ang iba pa naming kaklaseng multo ay lumapit kay Mr. Monje at niyakap namin siya habang siya ay umiiyak.

Lumayo na nang onti si Mr. Monje sa amin para makapag usap kami ng maayos, "Sige na. Magpaalam na kayong lahat,"

Isa-isa nila akong niyakap kasama ang nakakalungkot na nararamdaman namin sa isa't isa. Si Shin. Ley. Kenzo. Yen. Jea. Kim. Zea. Zumi. Elvi. Celine at Gia.

"Mamimiss ko kayong lahat at ang class room na 'to na puno ng pagmamahalan, pagtutulungan at pagaalaga sa isa't isa," wika ko.

"Kapag umalis na kami. Huwag kayong iiyak. Dapat ngumiti kayo. Ngumiti kayo palagi, okay?"

"Hindi namin mapapangako 'yan," sagot ni Elvi.

"Goodbye," mahina kong sabi dahil nanghihina na ako. Hindi ko na kayang makita sila na nalulungkot. Hindi ko na kayang isipin na magpapatuloy sila sa kanilang mga buhay nang wala na ako.

Isa-isa na kaming nawawala hanggang sa ako na lang ang natira. Ngumiti ako sa kanila. Nakita kong nagiging transparent na ulit ako.

Napatingin ako sa kanila na papunta sa akin para yakapin ulit ako pero huli na. Nawala na ako ng tuluyan. Hindi na nila ako mahawakan at makita.

THE END

The Mystery In Class C | ✓Where stories live. Discover now