Simula

6 3 0
                                    

Simula

"DITO NALANG po ako manong." saad ko sa tricycle driver habang inaabot sa kanya ang aking bayad.

Bente pesos nalang ang natira sa aking pitaka kaya naman halos manlumo ako dahil huling pera ko nalang ito at wala na akong natitira pang pera. Pero kailangan kong ipambayad sa tricycle dahil baka ipakulong pa ako ni manong kung hindi ako magbabayad.

Malungkot akong nakatanaw sa tricycle na papalayo. Habang iniisip padin ang bente pesos na ibinayad ko.

Paano na iyan? Wala na akong pera nagsarado pa ang factoring pinag ta-trabahuhan ko. Nalugi na kasi ang kumpanya nila at nais ibenta nalang ng may-ari sa iba ang kaniyang factory.

Wala naman kaming nagawa dahil ayun ang desisyon ng amo. Namomroblema tuloy ako kung saan ako makakahanap ng bagong trabaho. Bawal naman akong tumengga lang dahil walang mangyayari sa buhay ko.

Lalo na't pinag susumikapan kong pag-aralin ang half sister kong kapatid na si Hillary. Magkaiba kasi kami nang tatay.

Ako ay anak ni mama sa una niyang kasintahan na kano habang ang kapatid ko naman ay anak ni mama sa kinakasama niya ngayon na si Tito Jansen.

And speaking of Tito Jansen ay halos kumulo ang dugo ko nang makita ko siyang nakikipag-inuman nanama dito sa kanto malapit sa bahay namin.

Wala na nga siyang itinutulong sa amin sa bahay wala pa siyang trabaho. Painom-inom lang sa kanto.

Buti sana kung gumagawa siga ng paraan para makahanap ng trabaho. Hindi naman sa ano pero halos isang taon na siyang walang trabaho.

Paano ba naman kasi, natanggal siya sa trabaho matapos mapagbintangan daw ng boss niya na nagnakaw daw ng pera.

Tinanong namin siya nila Mama kung totoo ba 'yon pero hindi naman siya saamin sumagot at nagdabog lang.

"Luxe ikaw pala! Halika't tumagay ka dito!" Biglang sigaw ni mang Kanor kaya napatingin sa aking gawi si Tito Jansen.

Pilit lang akong ngumiti sa kanila at umiling. "Sige po, pakasaya nalang kayo diyan."

Napakagat pa ako ng labi dahil baka masamain nila ang sinabi ko.

Lalagpasan ko na sana sila para pumasok na sa aming bahay ng tawagin ako ni Tito Jansen.

"Halika nga rito Luxe."

Kahit alangan ay lumapit ako. "Bakit ho?"

"May pera ka ba dyan?"

Namutla ako sa sinabi niya. Mukhang alam ko nanaman ang mangyayari. Manghihiram nanaman si Tito ng pera saakin para ipang-inom. Lagi ko naman siyang napapahiram dahil malaki 'din ang utang na loob ko kay Tito. Siya ang ang paaral saakin, kumupkop at itinuring akong parang isang anak.

"H-ho? Wala na Tiyong eh, Huling pera ko na yung ipinangbayad ko sa tricyle." nakayuko kong saad.

"Ano ba iyan Jansen akala ko pa naman may pangdadag na tayo dito sa pang-inom natin. Hindi ba't sinabi mo na ikaw naman ang magpapainom?" Si mang Ambet.

"Oo nga naman"

Bakas sa kainuman ni Tito ang dismaya. Kaya naman lalo akong kinabahan dahil ginagatungan pa nila si Tito. Lalo na't bakas sa mukha ni Tito na hindi na siya natutuwa.

Anong magagawa ko? Wala naman na talaga akong pera eh.

Biglang tumayo si Tito at nilagpasan ako papasok sa bahay.

"Sumunod ka sa'kin Luxe."

Agad-agad naman akong sumunod kay Tito kahit na kinakabahan. Sana lamang ay nandoon sa bahay si Mama para mapatigil niya agad si Tito. Natatakot kasi ako dahil baka saktan niya ako.

Unchained His Heart [On-Hold]Where stories live. Discover now