Kabanata 1

1 2 0
                                    

Kabanata 1

WHAT THE HELL?!

"What?! Ayoko Neryl tigilan mo ako." umiling-iling pa ako para ipakita na ayaw ko talaga.

Tumabi naman siya saakin at kinapitan ang kamay ko.

"Luxe naman. Instant money iyon. Saakin inalok yon nung pinsan kong reporter. Hindi niya kasi kayang siya ang pumunta doon sa hunted mansion na iyon eh kaya nga siya kukuha ng tao para makapag imbestiga kung totoo talaga yung halimaw na nakatira doon." Paliwanag niya pa sakin.

At kahit magpaliwanag pa siya ng magpaliwanag tungkol doon sa trabaho na iyon o kung matatawag pa ba na job iyon. Ano ako hahanapin ko ang kamatayan ko? Pupunta ako sa gitna ng gubat kung saan nandoon ang lumang mansion na sinasabing isinumpa daw. At aalaman o iinterview-hin ko pa yung monter na 'yon! Yikes!

Monster nga diba! M-O-N-S-T-E-R!

Alam ko na ang alamat na iyon simula bata pa ako. Dahil dati ay kalat na kalat ang istoriyang may pamilya daw na halimaw na nakatira sa lugar na iyon. At hanggang ngayon ay mayroon daw dahil siya na ang anak ng halimaw. Syempre kung ang tatay ay halimaw malamang sa malamang ay halimaw din ang anak. Mayroong nagsasabi na haka-haka lang daw iyon at meron ding nagsasabi na nakita daw talaga nila ng sarili nilang mga mata ang halimaw at nakaingkuwentro pa nila.

Kaya simula bata ako ay panakot na saamin ng mga magulang namin ang kuwento sa halimaw na nakatira sa gitna ng gubat dito sa bayan ng San Isidro. At wala ding nagbabalak na magpunta sa gubat na iyon dahil sinasabing madaming mababangis na hayop don lalo na ang ahas.

"Luxery bibigyan ka ng malaking halaga! Five-hundred thousand ang bayad sayo. Tsaka pupunta ka lang naman doon eh. Hindi ka naman talaga mag sasaliksik kung totoo ba o hindi. Papasok ka lang sa bahay at lalabas na din pagkatapos. Sasabihin mo lang din na wala talagang nakatira don. At babayadan ka makakuha kaman ng impormasyon o hindi." Mahaba niyang saad.

Napatingin naman ako sa kanya ng sinabi niya iyon. Five-hundred thousand pesos?! Jusko Ang laki naman non.

"Alam kong magandang opportunity yan saakin para instant yaman na ako ng pamilya ko. Pero sis hindi five-hundred thousand ang halaga ng buhay ko!" nanginginig kong sabi.

"Luxe alam kong delikado pero ayun lang din ang paraan sa mga katanungan mo. Pipicturan mo lang naman yung bahay kahit sa labas lang pede na tas umuwi kana kung hindi mo talaga kaya." Nakatingin siya saakin ng seryoso.

"Luxery madaming gustong tumanggap ng trabaho dahil pwede naman nilang dayain kahit hindi sila makapunta talaga sa mansion. Pagkakataon mo na ito." kita ko ang sinsero sa mga mata ni Neryl habang sinasabi niya iyon.

Kahit ako ay nag dadalawang isip na. Pwedeng dayain so kahit hindi ako makapunta sa mansion ay okay lang? Tumingin lang ako sa kanya. "Pag-iisipan ko."

Ngumiti siya saakin ng nakakaloko. "Alam mo kung ako lang tatanggapin ko iyon eh. But I know kailangan mo iyon higit saakin. Kailangan ko agad ang sagot mo dahil madami ang gustong kumuha 'non. Kailangan ko ang sagot mo sa Sabado kung hindi ako talaga ang gagawa." pabiro niya pang sabi.

Nagpaalam nadin akong umuwi kay Neryl matapos ang pag-uusap namin dahil gumagabi na at baka mapagalitan pa ako ni mama. At tama naman ang hinala ko dahil pagkauwi ko ay sinermunan ako ni mama kung saan daw ba ako galing. Hanggang sa napadpad ang usapan kung bakit ako nawalan ng hanapbuhay. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi sabihin sakanya ang dahilan.

Wala namang naging imik si mama saakin pagkatapos 'non.

Sa sabado na kailangan ang desisyon ko kung papayag ba ako o hindi. At personal daw mismo akong kakausapin ng pinsan niyang reporter para sa gagawin. Biyernes na ngayon at kailangan na ang sagot ko pero hanggang ngayon ay hindi pa ako makapag-isip. Masyado akong naguguluhan kung tatanggapin ko ba o huwag nalang at maghanap ng mas safe na trabaho. Pero natetempt din ako sa instant money na iyon. Masisinungaling ako kung sasabihin kong ayaw ko. Ninety-percent na gusto na ng utak ko at Ten-percent naman na ayaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unchained His Heart [On-Hold]Where stories live. Discover now