KABANATA 29

1.5K 15 0
                                    

Pinaupo ako ni Cyrus sa tabi niya habang nag-iigting ang panga. Kunot noo ko lamang siyang pinagmamasdan, ang mga kaibigan naman niya ay nagagpakilala na sa akin kanina bago umupo.

"Axton can't come here. He's busy with his fiancee." Yadiel said as he drank his hard liquor.

Tumango si Cyrus, "yeah, they're peparing for their wedding."

Nagtataka naman akong nakatingin kay Cyrus, hindi maintindihan ang sinasabi nila. Axton? His friend? Hindi ba ay ex 'yon ng pinsan niya? Si Julia? And Axton has a fiancee now? I felt sad for his cousin, Julia. Sino kaya ang pakakasalanan ni Axton? At hindi ba ay nakabalik na ng Pilipinas si Julia?

They talked about some stuff, such as businesses and about new projects they have as an architects.

"Ewan ko ba bakit ko kinuha 'yong project na 'yon. Tang *na ang sungit ng client ko. I can turn that down but . . . fvck. Why I can't, thinking about that spoiled client?" reklamo ni Yadiel sabay iling.

"Ohhh . . . 'yong kinukwento mo ba sa akin 'yan, Yaj? 'Yong magandang masungit na client mo?" agad na simaan ng tingin ni Yadiel si Raven na nakangisi sa kaniya.

"Bumalik ka nga lang sa pinagbakasyunan niyo ni Clea! Tang *ina ka ang daldal mo." binato nito ang kaibigan ng tissue na nadampot sa lamesa.

"Bakit hindi namin alam 'yan?" tanong ni Yisroel na nakikinig lang kanina dahil busy sa kaniyang cellphone.

Habang si Cyrus ay busy naman sa paglalaro sa aking daliri na nakapatong sa aking hita. Parang nakasanayan na niya 'yon at walang pakialam sa kung anong epekto nito sa akin.

"Busy ka kasi sa girlfriend mo, huli ka na sa chismis." ani Raven sa mapang-asar na boses.

"At least hindi ako busy sa ibang babae," he smirked.

"Loyal man will always have a happy life." ngisi ni Raven.

"Yea, man. We know that well." si Yisroel.

"Imbento ka na naman ng kasabihan mo, Raven." bagot na sambit ni Yadiel.

"At least ako may naiimbento, ikaw? Ano ambag mo sa mundo?" maangas na tanong ni Raven.

"Nagtatayo ng mga building. Nag-dedesign ng mga establisyemento. Nagdo-donate ng pera and other stuffs sa mga bahay ampunan." pag-iisa-isa naman ni Yadiel sa seryosong boses.

"Gago, pre, h'wag masyadong seryoso." biro ni Yisroel sabay tawa.

Nag-usap pa sila ng kung ano roon habang kami ni Cyrus ay tahimik lang na magkatabi. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko at pinaglalaruan pa rin ang aking daliri.

"I have a question," sambit ko sa mahinang boses na si Cyrus lang ang makakarinig.

"Hmm?" he look at me straight in my eyes with so much emotions I couldn't name.

Para akong nahihipnotismo habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Parang nakalimutan ko na kung ano ang itatanong ko sa kaniya. Kung hindi lang siya umuklo at akmang hahalikan ako ay hindi pa ako magigising sa reyalidad. Umiwas ako sa kaniya na ikinasimangot niya.

"Who's . . . Axton's fiancee? Hindi ba sabi mo ex siya ng pinsan mo? Kung ikakasal na si Axton, ibig sabihin nakamove on na siya sa pinsan mo?" kumunot ang noo ko nang bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "What?" I asked, frowning at him.

Huminto siya sa pagtawa at tiningnan ako nang diretso sa mga mata habang marahang hinahaplos ang aking palad gamit ang kaniyang hinalalaking daliri.

"It's my cousin whom he will marry, babe." nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarWhere stories live. Discover now