simula

16 2 0
                                    

SIMULA

Manila


"ma, ingat po kayo dito ha! Mag tatrabaho muna po ako sa manila para makatulong sa pag aaral ni shan at shiela."

"Segurado ka ba anak? Kaya naman namin kayo ng papa mo pag aralin hindi mo kailangan lumuwas ng probinsya para mag trabaho sa manila." sabi ni mama

"segurado na po ako ma, malaki naman po ang alok na sahod sa akin. pag naka ipon ako uuwi naman ako o di kaya ay ipagpapatuloy ko ang pag aaral ko doon sa manila."

Tumango na lamang si mama at mahigpit akong niyakap... kasalukuyan kami ngayon sa bus terminal, ngayon ang alis ko dito sa probinsya namin... meron nag alok sa akin isang agency na mag modelo noong nakaraang buwan, ayaw ko sana dahil gusto ko tahimik lang ang buhay ko ayaw ko masyadong ma expose sa mga tao, pero dahil alam kung nahihirapan sila mama at papa na mag paaral sa amin kaya tinangap kuna.. hindi lang sarili ko ang dapat kung iisipin kailangan kung tumulong sa kanila lalonat alam kung kaya ko naman.

"mag ingat ka rin doon shane, alagaan mo ang sarili mo, Wag mo kaming alalahanin dito." sabi ni mama na halos ma ngiyakngiyak na.

Tumango ako saka mahigpit na niyakap ang mga magulang ko.

"sige na ma, alis na ako." paalam ko dahil aalis na ang bus tumango lang si papa sa akin pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bus.

Nang makahanap ng pwesto ay tumingin ako sa labas at kumaway sa kanila. Alam kung malungkot pero kakayanin ko para sa aking pamilya... Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako sa byahe nagising na lang ako ng matanaw ang nag lalakihang mga gusali... Agad kung inayos ang aking sarili saka ko na isipip na hindi ko pala makaka sama ng matagal ang aking pamilya, dahil matagal tagal din ako dito sa manila.

Meron na akong matutuloyang bahay ang sabi ni mama may maliit kaming bahay dito sa manila, kaya doon ako ngayon tutuloy.

Agad kung tinawagan si luke para ibalita na nandito na ako sa manila, ang sabi niya kasi sa akin ay tawagan ko agad siya pag karating ko.

" Hello Shane, nasaan kana?" bungad na tanong ni Luke siya ang magigi kung manager, noong una tinawag ko siyang sir luke pero wag ko daw siya tawagin ng ganoon dahil ayaw niyang tinatawag siya ng ganoon lalonat benabae siya.

"Oo, mag hahanap ako ng taxi papunta sa bahay." sabi ko.

" sige girl, kita na lang tayo mamayang 7:00pm I'll message the address." aniya.

Kaagad akong pumara ng taxi pag katapos namin mag usap... mag 6:00pm na pala kaya nag madali na akong sumakay habang nilalagay ni manong ang gamit ko sa likod ng taxi.

Ilang minuto lang ay nakarating agad ako sa bahay, meron itong ilim na gate, hindi kalakihan ang bahay kagaya ng bahay namin sa Gainza pero maayos at maganda naman ang hitsura nito. Pumasok ako sa bahay dala ang aking malita, hindi naman ma alikabok ang bahay malinis ang buong paligid may mga gamit naman na kakailanganin ko kaya hindi ko kailangan bumili ng gamit.

After ko ma receive ang message ni Luke ay nag madali na akong mag ayos. Simpleng white sleveless na dress lang ang soot ko na tenernohan ng black sandals na flat nag apply lang ako ng kaunting powder sa mukha at pink lipstick saka umalis sa bahay.

Habang nag hihintay ng taxi ay narinig kung nag ring ang phone ko kaya agad ko yung kinuha.

"Luke?" bungad ko ng masagot ang tawag

"Girl, nasaan kana ba?" tanong niya.

"sorry Luke! Paalis pa lang ako ng bahay, hindi pa ako masyadong familiar sa manila eh."

Priceless (MS #1)Where stories live. Discover now