08

2 0 0
                                    

KABANATA 8

TUKSO

Nang gabing iyon ay tahimik na lamang kaming kumain hindi na ako nag tangka pa na mag salita dahil seryoso naman siyang kumakain habang pinag mamasdan ang mga galaw ko, agad kuna rin tinapos ang pagkain at sabay na kaming bumalik sa silid.

"Oh, saan kayo galing? date?" mapanuksong tanong ni luke. "maaga pala ang uwi namin bukas girl sasabay ka ba Shane?" tanong ni luke dahil naka sabay namin siya sa elevator pabalik ng aming silid.

tumingin muna ako kay kalix, seryoso parin naman siyang naka tingin sa akin kaya nag iwas na lamang ako ng tingin.

"Hi-hindi ko pa alam Luke pero kung may lakad pa si kalix baka sumabay na lamang ako sa inyo-" naputol ang iba ko pa sanang sasabihin dahil bigla naman siyang nag salita.

"sasabay tayong pa uwi, wala akong lakad." malamig at seryoso niyang aniya habang galit parin na naka tingin sa akin hindi ko alam kung pinag lihi ba ito sa sama ng loob parang galit sa mundo, pero kahit ata galit at naka simangot siya napa gwapo niya parin tignan.

tinitigan ko siya ng mabuti kaya tinaasan niya ako ng kilay umiwas na lamang ako ng tingin dahil sa pagkaka pansin niya sa paninitig ko.

"Okay, sabihan muna lamang ako kung sasabay ka-"

"She won't." final niyang aniya.

humalakhak naman si Luke saka tinaas ang kamay na para bang sumusuko.

Nang makapasok sa silid ay agad naman akong pumasok sa banyo para maligo at para na rin makaiwas sa pakikipag usap sa kanya hindi ko parin alam kung paano siya kakausapin dahil sa mga ng yayari. sinadya ko talaga na tagalan ang pagligo dahil parang sasaboh ang puso ko tuwing na iisip na mag uusap kami tapos tabi pa kaming matulog.

lumabas ako ng banyo saka nag lakad papunta sa table para mag blowdry ng aking buhok agad naman si kalix pumasok sa banyo kaya napa buntong hininga ako. matapos mag patuyo ng buhok ay nahiga na ako para matulog na sana pero mukhang tinatraydor ako ng aking sarili dahil kahit gaanong pilit kung matulog hindi parin ako dinadalaw ng antok hanggang sa narinig kuna lamang na bumukan ang pinto ng banyo kaya nag panggap na lamang ako na natutulog na langhap kupa ang men collonge niya ganoon na rinn ang aftershave kaya napalunok ako dahil sa kakaibang nararamdaman.

narinig ko ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto hanggang sa wala na akong maramdaman na may tao sa loob ng silid maliban sa akin, minulat ko ang aking mata ganoon na lang ang pag ka dissapoint ko dahil sa pag alis niya. ano ba problema ko? kanina lang ayaw ko siyang maka usap tapos ngayon naman ay na iinis ako dahi9l lumabas siya.

saan kaya yun pupunta? makikipag kita ba siya doon sa fiance niya? tumayo ako sa pagkakahiga saka tinignan ang oras, 11:45 na ah! saan naman kaya yun pupunta?

naiinis ako kaya pinilit kuna lamang matulog dahil kapag nandito siya ay hindi ko rin naman alam kung ano ang gagawin. ilang minuto pa ang kumipas bago ako tuluyan makatulog.

kinabukasan ay medyo tinang hali ako ng gising dahil na rin seguro sa pagaod at puyat kakaisip sa lalaking iyo. wala naman problema dahil tanghali naman ang alis namin ni kalix samantalamng sila luke ay maaga ng umalis kasama ang mga ibang modelo dahil may mga gig pa raw karamihan sa kanila. meron akong nakitang pagkain sa bedside table kaya nilapitan ko iyon. umowi ba siya kagabi? pero kung hindi, sino naman ang mag dadala ng pagkain dito diba? may nakita akong note sa ilalim non kaya kinuha kuna.

"good morning bby! I know you avoiding me kaya pumunta muna ako sa gym I'll be back before 10am." yun ang nabasa ko sa note na kasama ng pagkain pero mas tumatak ata sa akin yung pangatlong salita. shit ang corny niya.

Priceless (MS #1)Where stories live. Discover now