Chapter VII: The Final (Part Two)

32 3 0
                                    

Kaibigan ni mama si Paulo na nasa story at yung story ay totoo at paano nalaman ni sir yung buong story na para bang kasama siya doon--- napahinto ako ng biglang pumasok sa isip ko iyon. Paano kung talagang nandoon si Sir Steven ng  mga araw na iyon?


At para bang biglang nag connect connect ang mga pieces ng information sa utak ko, yung story, si paulo, yung newspaper, yung pinatay ni paulo, Star Academy, yung sugat niya at ang mga huling tanong niya. Agad kong tinawagan si Sophia kasi anak siya ng Head ng Police.

*Kring* *kring* *toot*

“Sophia, kapag hindi ako tumawag sayo after 30 minutes papunta ka nang police sa Abandonadong school ng Star Academy” mabilis kong sabi ng sagutin niya

“ Raine? Bak-----?”

“Basta!!” agad kong sabi nang marinig ang boses niya.

Agad kong pinuntahan ang abandonadong school na binanggit sa story, ang Star academy. Nang makarating akong hingal na hingal, pumunta agad ako sa basement at nakitang bukas ang pinto nito. Nagulat ako sa naabutan at nakita ko, tama ang hinala ko. May lalaking nakatalikod at may taban na Axe.  Sa tabi niya ay may mga nakabulagtang bangkay na duguan at wala nang malay at nakilala ko agad kung sino ang mga ito. Si Clive na wala ng ulo at yung ulo nito ay nasa paanan ng lalaking nakatalikod, Si Princess na nakabigti at labas ang organ at si Noah na may payong na nakatusok sa kaniyang bibig, kung papaano pinatay ang mga character sa story ay ganoon din sila pinatay.

“Ikaw ang pumapatay... Hindi ako makapaniwala, akala ko noong una pinaglalaruan lang ako ng aking isip” takot na sabi ko sa lalaki na nakatalikod.

Hindi ko mapigilan na wag lumuha dahil sa sinapit ng mga bago kong kaibigan at higit sa lahat hindi matanggap ng puso ko na siya ang pumatay. Para bang nasa masamang panaginip lang ako kasi kanina masaya pa kami.

“Diba sinabi ko na sa inyo na delikadong lumabas sa gabi, nagwarning na ako eh BAKIT HINDI KA SUMUNOD!” galit na sigaw niyang malakas na aking ikinagulat.

“Sir…Sir Steven kayo si Paulo diba?, bakit nagawa ninyong pumatay?” nauutal kong tanong ko sa kanya at hindi ko na mapigilan ang pagluha.

Marami pa akong katanungan na gusto kong malaman ang sagot.

“Raine, umalis ka na  bago pa kita patayin , ayaw kitang patayin kasi anak ka niya pero hindi ko mapigilan ag kagustuhang pumatay..” malungkot niyang sabi na para bang may inaalala siya.

“Bakit niyo ikinuwento yung story kahit alam niyo yung risk?”

“Nagagalit ako, dahil nawalan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan ko at sinarado nila ang case para lang maprotekthan ang image ng school, pati na rin ang katotohanan ay binaon na nila” galit na sabi nya.

“Sir mahal niyo po ba si Meredith ang aking ina?” tanong ko kahit wala sa time at eksaktong sitwasyon.

Nang sabihin kasi niyang ayaw niya ako patayin ay dahil anak ako, kung siya nga si paulo ibig sabihin si mama ang tinutukoy niya.

“Oo mahal ko siya..” galit at malungkot na sabi ni sir pero kita sa kanyang mga mata ang pagmamahal nang lumingon siya na may mga luha ang mga mata nito.

“Bakit nalaman mo ang lahat ng ito sa kaunting oras nang maikuwento ko sa inyo ito?” tanong niya

“Sir yung story naikwento ko iyon kay mama at sabi niya totoo daw yung nasa story at paano niyo naman maikukwento ng buo at tama yung story maliban na lang kung nandoon kayo nung nang-yari iyon. Yung sugat po sa paa niyo ay aksidente ko pong nakita nung magpalit kayo ng pang Gym pants sa clinic. Dahil natapunan ko kayo ng juice na iniinom ko noon pero hindi ko binanggit iyon sa inyo dahil mukhang malungkot kayo nung titignan niyo yung sugat niyo at iyon din po yung nangyari nang magkasugat si Paulo sa story. Si Paulo po ay pinatay niya yung Criminal na pumatay sa kaibigan niya at kayo po iyon. Yung mga huling tanong niyo po ang nagtulak sa akin na mas malaman pa yung tungkol sa story dahil kahit tanungin niyo kung sino yung pumatay hindi namin masasagot. Dahil wala nang ibang character kayong binanggit maliban sa umuwi na character sa simula ng story. Hindi niyo na po binanggit yung lalaking may taban na axe. Yun lang naman ang suspect. But why would you ask something so obvious? Iyon ay dahil pinatay ni paulo ang main suspect. And paulo is you, Sir!” paliwanag ko kay sir.

Ngumiti si Sir Steven at ibinalibag yung Axe sa direction ko na ikinagulat ko pero naiwasan ko ito.

“Sorry” iyong lang yung sinabi niya at binanta niya na akong patayin kaya agad akong napaatras at tumakbo papalayo sa kanya na kaniya naman akong hinabol hanggang makarating kami sa rooftop ng school.

“Sir hindi niyo ako kayang patayin kasi minahal niyo rin ako bilang inyong anak dahil anak ako ni Meredith ang aking ina na minahal niyo.” confident kong sabi sa kanya. Ama narin ang naging turi ko sa kanya.

“Kahit anak ka niya kaya kitang patayin dahil si Meredith ay nagawang bumuo ng pamilya at maging masaya sa kabila ng pagkamatay ng kaniyang mga kaibigan ni hindi nga niya ako binisita!! At lagi ko na lang naririnig ang mga boses ng yumao kong kaibigan at halos hindi na ako makatulog dahil gabi gabi ay napapanaginipan ko iyong mga nangyari ng mga gabing iyon.” malungkot at galit na sabi niya.

“Iyon ay dahil hindi niya magawang bisitahin ka dahil natatakot siya na baka hindi niyo mapatawad at matanggap na masaya na siya. Kung sana ay pinilit ka niyang sumama sa kanyang umuwi, di sana mangyayari ang lahat ng iyon. Nagsisisi siya kung bakit di niya kayo napigilan. ” paliwanag ko kay sir.

Alam ko ang pag sisisi ni Mama. Dahil napagkaswerte ni mama sy wala siya nung nangyari ang mga iyon. Pero yung sinapit ng kanyang mga kaibigan ay isang bagay na di niya makalimutan at mapatawad ang sarili.

“Kahit kelan hindi ko inisip na sana nandoon din siya, masaya ako na wala siya dun sa mga araw na iyon.” sabi ni sir at saka ako napangiti.

“Sir tignan niyo yung sarili niyo, mahal niyo parin si mama at mahal niyo na rin ako bilang anak kaya hindi niyo ako kayang patayin.” muling sabi ko kay sir

“Sir bakit niyo iniba niyo ung pangalan at yung mukha niyo?” huling tanong ko sa kanya

“Raine. World is unfair, I killed once and it's a very evil murderer who killed more than one. I did it to gain Justice na hindi naibigay, pero halos makakuha ako ng justice. Kinamuhian,pinandirihan ako ng lahat at nagalit sila sa akin. Ikinulong ako pero ni hindi nila binigyan na tuon ang mga ginawa ng mamamatay na tao na iyon! Nasa akin palagi ang mga mata nila!” galit na sabi ni sir

“..." Patuloy lng ako nakinig kay sir

“Simula ng patayin ko yung murderer. nakaramdam ako ng ginhawa kaya tuwing pumapatay ako nakatulog ako ng maayos at doon ko lang hindi naririnig yung mga boses ng yumao.”

“...”

Nauunawaan ko si sir. Yung traumang narasan niya. Yung takot tuwing naririning niya yung boses ng mga kaibigan niyang namatay. Pero hindi solusyon ang pumatay.

“At sa school ay para maalala nila yung pagpatay na nangyari noong 17 years ago na ang nakalipas na kanilang tinalikuran!” patuloy na pagkwento ni sir na para bang bumabalik lahat ng nangyari sa kanya.

“And that is for gaining justices, nagsacrifice kayo, sir.” sabi ko na walang pang aanlinlangan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoong kabuting tao. I might do the same for justice.

“Ano ba ang sinasabi mo raine?, killing is still killings.” sabi ni sir

“Yes sir..aware ako. Killing can't be considered justice. But sir, kaya niyo ba akong patayin?”

I want to know kung may humanity pa sa kanya since naniniwala ako na di niya ako kayang patayin.

“kaya ko...” simpleng sagot niya

“Then sir tatalon ako kung kaya niyo akong patayin hayaan niyo lang ako pero kung hindi subukan niyo ako iligtas.” sabi ko at sabay akong tumalon bago pa ako tuluyang makatalon binitawan niya ang axe na kanyang taban at tumakbo na si sir palapit sa akin, sabi na nga ba hindi niya ako kayang patayin. Natutuwa ako at tama hinala ko.

”RAIIIINNNEE!”  (Raine raine go away come again another day. ~~Joke)

****
Author: I wrote the song to destroy the depressing scene. It was just a prank but I never knew that my cousin would pass it like that. Hahaha XD

Mga Kwentong Kakila-kilabot Sa Ilalim Ng Liwanag Ng KandilaWhere stories live. Discover now