FAOLAN SANDOVAL

2 0 0
                                    


"Huwag kang magkakamaling i-post 'yan mayumi! sinasabi ko sa'yo!" sabi ni kuya maki kaya mas lalo akong napahagalpak sa tawa.

Dito kasi siya sa kwarto ko nakiki-print dahil sira ang kaniya at nakita niya na pinapanood ko ang nakakatawang video niya noong isang linggo na naganap noon sa desfile de guapos ( parade of males ) halos isang linggo ko ring inilihim sa kaniya iyon at ngayong araw niya pa lang napagtanto na kinuhanan ko siya ng video, nagtatatalak pa siya kanina at pinakiusapan akong huwag daw ipagkalat yung video niya sa social media.

Napailing naman ako dahil hindi naman ako mahilig mag post sa kahit anong social media, meron akong Facebook at Ig account pero pareho namang naka private at wala akong fino-follow except sa mga idols ko.

"Sugurado ka bang ako lang may video sa'yo kuya?" nakangising asar ko sa kaniya. parada iyon at sobrang lumalaganap na ang gadyet sa panahong ito kaya panigurado akong may mga kopya rin ang iba. "Ano ba kasi ang trip niyo at naisipan niyong mag boxer lang! tapos may mukha pa ni kapitan sa gitna!" natatawang sabi ko saka umupo sa kama.

"Charming point namin yun! kita mo ang daming nabighani sa amin?! yun kasi yon! pati si kapitan nasiyahan din sa ginawa namin." tigon nito habang nagta-type sa computer ko.

Napangiwi naman ako saka ako tumayo para bumaba. "Ang baho ng charming point niyo!" asar ko pa bago isara ang pinto at kumaripas ng takbo pababa ng sala.

Simple lamang ang aming pamumuhay... mahilig sa pagpipinta si ina ngunit hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral kaya nananatili na lamang siya rito sa bahay ngunit paminsan-minsan ay nagtutungo siya sa bahay ni tiya sa nueva ecija para sumaydline sa pagbebenta ng beauty product, siguro mahigit isang linggo siyang mananatili roon at pagbalik niya rito ay may pera na siya pandagdag gastusin dito sa bahay samantalang isang magaling na taga-luto naman si ama sa isang sikat na restawran doon sa bayan ng San Isidro. Kilala kasi ang Bayan ng San Isidro bilang siyudad at kataas-taasang Bayan dito sa probinsya sa Paos. Halos sa Bayan din ng San Isidro makikita ang mga mall, boutique, restawran, matatayog na gusali at tulay. Bagaman, ito ay may kalayuan sa aming bayan kung kaya't kinakailangan pang sumakay ng bus patungo roon kaya madalas ay gabi na kung umuwi ang ama.

Simple lang din ang aming tahanan na tahanan din ng mga magulang ni ama. hanggang dalawang palapag ito na may malawak na salas at kusina sa unang palapag, sa unang palapag din makikita ang silid nina ina at ama pati na rin ang hagdan papunta sa ikalawang palapag at sa ikalawang palapag din makikita ang tatlong silid...isa para kay kuya maki, isa para kina ate Cielo at ate Irish at isa rin para sa akin. Mayroon din kaming banyo rito sa taas at may banyo rin sa baba.

"Mayumi!"

Napatigil ako sa pagkain ng pancake nang tawagin ako ni ina mula sa kanilang silid.

"Magbihis ka at samahan mo ako mamalengke." naabutan ko siyang nagpupusod ng buhok at may nakasabit ng maliit na bag sa baywang nito.

"Ho? Hindi po ba si ate Irish ang isasama ninyo?" nagtataka ako dahil madalas niyang isama si ate Irish sa pamamalengke dahil mas higit na may kaalaman ito pagdating sa pamimili ng produkto. iyon yata ang namana niya kay ina....ang pagiging mapangsuri at masunurin.

Sandali niya akong binigyan ng matalim na tingin bago tignan ang sarili sa salamin. "Wala ang mga ate mo rito nasa kabilang baryo."

"Sige po. hintayin niyo na lang po ako sa labas." kumaripas ako ng takbo paakyat sa taas at dumiretso sa aparador ko na gawa sa matibay na kahoy. ginawa ito ni ama noong pitong taong gulang pa lamang ako.

Nagbihis lamang ako ng itim na hoodie jacket at grey pants. alam kong medyo maputik sa dadaanan namin pero wala akong magagawa dahil ayaw kong magsuot ng short pag sa labas.  Paglabas ko ay pinagalitan pa ako ni ina na ang init-init na nga raw ng panahon tapos balot na balot pa ako.

MAGIC COSMETICSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon