At tayo'y muling magkita, Lumine

173 0 0
                                    

heheh tagalog story go vrrooom vrrommmmmmmm hesehahhe

SPOILERS FOR GENSHINIMPACT ARCHON QUEST !!!!!!11

also aether older than lumine by 1 minute woawoow


"Hoy.. Hindi ba.. Hindi ba kapatid mo yun?!" Gulat na sinigaw ni Paimon, at biglang nagpangisi si Dainsleif, hindi maaakalain ni Paimon na biglang makikita nila kapatid ni Lumine kaaga-aga. "Aether.." Nakahinga ng maluwag si Lumine, sa wakas ay nahanap na niya ang kapatid. Napakasaya niya. Sobrang nananabik siya, sobrang na-miss niya si Aether, yung kapatid na natalo niya habang nakikipaglaban sila sa hindi kilalang diyos. Ang kapatid na nakasaksi sa digmaan at pagbagsak ng isang bansa. Ang kapatid niyang na nakasaksi sa tunay na katangian ng Teyvat. "Lumine..." ungol ni Aether. Kahit na sobrang pagka-miss niya sa kanyang kapatid, kailangan niyang ipakita sa kanya kung ano talaga ang mundong ito, kahit na hindi niya masabi ang tungkol dito o sumama sa kanya upang ipakita sa kanya. Kailangan niyang matuto nang mag-isa. Dahil nagagawa lang niya itong protektahan, subaybayan at panoorin siya mula sa gilid, ngunit hindi kailanman magagawang personal na gabayan siya sa lahat ng bagay. "Aether! Sa wakas nakita na kita! Halika uwi na tayo, delikado dito!" Bulalas ni Lumine, sobrang saya at ngiti na nakita niya ang kapatid. "S-saglet lang! paano niyang naharangan yung atake nung Abyss Herald?! Yang kapatid mo... Yung Abyss..!" Tinanong ni Paimon, sobrang gulat parin siya sa katotohanang hinarang ni Aether ang atake yung sobrang malakas Abyss Herald at naandito siya. "Lumine, bakit kasama mo si Dain?" Tinanong ni Aether, na parang galit na galit. Bakit kasama niya si Dainsleif? Naiintindihan naman niya itong Paimon figure, pero bakit si Dain? ang parehong Dainsleif na kasama niya sa pakikipagsapalaran, ang nakita niyang nagkawatak-watak ang mga bansa, at ang Dainsleif na iniwan siyang nakaluhod upang mabulok sa kailaliman. "Si Dain? Baket? May problema kaba sakanya? Kilala mo pala siya?" Tinanong ni Lumine. Nakakapagtaka kay Lumine, bat parang galit si Aether sa katotohanang kasama ni Lumine si Dainsleif? May nagyare ba? Nagaway ba sila? Bat mas paki-aalam mo ung katotohanang yun kesa sa katotohanang naandito na tayo, magkasama at pwede nang umuwi? Bat nagaalala kapa na kasama ko si Dain? Ang tagal na nating hiwalay. Bakit mas pinapahalagahan mo ang katotohanang kasama ko si Dainsleif? "Kilala mona pala si Dainsleif?" Tinanong ni Paimon, alam na alam na niya yung ibig sabihin ng muka na ginagawa ni Lumine, sobrang nalilito at bahagyang nagtaksil. Napabungtong-hininga si Dainsleif, "..Muling nagkita, Aether." ang sinabi niya. "Hoy! ano?! anong batong nagyayari?! Dain kilala moren pala kapatid ni Lumine?! Bat wala kang sinabi?!" Sigaw ni Paimon, mas lalo pang nakaramdam ng pagtataksil si Lumine at hindi makapagsalita. "Hindi ka dapat makipagtambal sa kanya, Lumine! Kaaway ko siya, at ayokong maranasan mo ang nagyari saakin nung kasama ko siya." Biglang sigaw ni Aether. Kaya pala muka siyan galit nung nakita niya si Dainsleif, pero anong ibig sabihin mong "Kaaway mo siya." Kuya Aether? Anong nagyari nung naghiwalay tayo? "Aethe-" "Saglit lang! Lahat ng pinagsasabi niyo walang sense?! Anong pinagsasabi mo, Kuya?" Tinanong ni Lumine, pinutol ang sasabihin ni Dainsleif. Sobrang lito na si Lumine, anong nagyayari? "....Wag mokong subukang tigilan. Wag moran subukang itigil ang Abyss." Sabi ni Aether, "Ang lalaking iyon, si Dainsteif, ay ang "Twilight Sword." Isa sa mga maharlikang bantay ng huling dinastiya ng Khaenri'ah, 500 taon na ang nakararaan, nabigo siyang pigilan ang pagkawasak ng Khaenri'ah.Isang sumpa ng kawalang-kamatayan ang inihain sa kanya, upang magpakawalang-hanggan sa ilang... habang pinagmamasdan niya ang mga taong dapat niyang protektahan na nagiging mga halimaw sa Abyss." At sa salitang yan lang, gulat nanaman si Paimon at si Lumine. "Hoy teka teka! Ibig sabihin mo galing Khaenri'ah si Dainsleif.. Yung Khaenri'ah na nawasak 500 taon na nakaraan?! At yung Khaneri'ah na yung tao dun naging halimaw..?! Hindi lang yun, sinasabi moba kay Paimon na hindi lang related ang Abyss Order sa Khaenri'ah, pero yung Abyss Order ay dating tao ng Khaenri'ah?! Hayy... Tas yung 'kalaban mo si Dainsleif'..? Sobrang lito kona.." Tinanong ni Paimon, parehas silang sobrang nalilito at nagugulat sa pangyayaring ito. "Wala nakong pakiaalam kung anong nagyari dun! Kuya! Aether, nakikiusap ako.. Umuwi na tayo tas pagusapan natin ang nagyari sa Khaenri'ah at kung san man pag-uwi natin.." Sigaw uli ni Lumine, sobrang desperado na siyang umuwi kasama si Aether, sa kanilang bahay kasama pamilya nila. "...Oo.. oo naman. Uuwi ren sana ako." Ngumiti si Aether. "Pero.. hindi pwede." ...Ano..? "Hindi ako pwedeng sumama sayo." Inulit ni Aether. "Hindi ko kayang umuwi o pumunta sa ibang dimensyon kasama ka, Lumine. Hindi ngayon." Sa salitang 'Hindi' palang, nadurog ang puso ni Lumine. "Hanggang sa nilamon na ng Abyss ang mga trono. Ang digmaan ko sa tadhana ay walang katapusan." Tadhana? Anong digmaan sa tadhana? "Makinig ka saakin, Lumine. Nalakbay kona ang mundong ito. Kung kailan man mo matatapos ang paglalakbay mo dito katulad ng kung pano ko natapos ang paglalakbay ko dito, makikita mo ang tunay na kalikasan ng mundong ito." Sinabi ni Aether, nang mayroong portal na biglang nagpakita nangsinummon ng Abyss Herald. "At tayo'y muling magkikita, Bunso." Sabi ni Aether, papunta sa ginawang portal ng Abyss Herald. "Pero hindi mo kailangang i-rush ito, Lumine. Meron akong higit sa sapat na oras upang maghintay para sa iyo." At sa ganito, Tumakbo si Lumine. Tumakbo siya ng mabilis para maabutan si Aether. Pero, hindi niya kayang abutan. "Aether!" Sigaw ni Lumine, pero hindi manlang lumingon nung tinawag siya. Basag na basag ang puso ni Lumine. Nung nagsara ang portal, dun napaluhod si Lumine at biglang umiyak. "H-hoy! Lumine! Hay... Uhm.. Paano nato.." Nagulat uli si Paimon, hinding hindi niya nakikitang umiyak si Lumine, at makita niyang sobrang lungkot ang kaibigan niya at ang taong tinulungan siya, nasaktan ren siya. "Hay... Ano.. Wag na sobrang lungkot, Lumine! May bagong impormasyon na tayo tungkol sa Khaenri'ah, diba? Wag kana sad!" Niyakap ni Paimon si Lumine, para hindi na sobrang lungkot siya. "T-...tama ka.. Oo.." Tumayo si Lumine para punasyan ang kanyang luha. "At least may bago tayong impormasyon tungkol sa Abyss, Khaenri'ah, at kay Dainsleif! Pero.. Nakakalito yung pinapagusapan nila.. Nagets moba yung sinasabi nila kanina..?" Tanong ni Paimon. "Oo, naintindihan ko naman." "Sige!! Buti naman. O-kay! hindi dapat tayong ma-let down dahil lang sa nagyari kanina, ha? kaya natin to, Lumine! hindi pa tapos ang journey natin kaya kilos kilos na tayo!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

some randomstories i came up with at 10 pmWhere stories live. Discover now